WALA na ni katiting na papel sa National Food Authority (NFA) at NFA Council si Jason Aquino taliwas sa pahayag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na hanggang Oktubre pa siya mananatiling NFA administrator. Sa Palace press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, inilinaw ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi na konektado si Aquino …
Read More »Korupsiyon sinukuan ni Digong (“Malala hindi ko kaya… I’m going home, I’m tired…”)
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labis na pagkasihapyo dahil hindi niya kayang tuldukan ang korupsiyon sa pamahalaan taliwas sa ipinangako niya noong 2016 presidential elections. Sa kanyang talumpati sa Government Workers Awarding ceremony kahapon, sinabi ng Pangulo na pagod na siya, gusto na lang niyang umuwi sa Davao City dahil kahit anong pagsusumikap niya’y patuloy pa rin ang katiwalian. …
Read More »Proc 527 ‘political gift’ kay Trillanes — Palasyo
NANINIWALA ang Palasyo na isang “political gift” para kay Sen. Antonio Trillanes IV ang Proclamation 572 dahil ginagamit ito ng senador para sa sariling publisidad. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi maituturing na pinagdidiskitahan si Trillanes sa Proclamation 572 na nagpawalang-bisa sa kanyang amnestiya dahil todo itong nagiging behikulo para magpasiklab ang senador. Kung tutuusin aniya ay 80% ng mga …
Read More »Ex-NFA chief sinisi sa bumagsak na trust rating ng pangulo
SINISI si dating National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino at sinabing utak sa krisis sa bigas na dinaranas ng bansa na nagresulta sa paglobo ng inflation at naging dahilan ng pagbagsak ng trust at approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa pagbagsak ng trust at approval rating ni Pangulong …
Read More »Pagtatalaga sa leftists sa gabinete pinagsisihan ni Duterte
PINAGSISIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtalaga sa kanyang gabinete ng dalawang rekomendado ng National Democratic Front (NDF). Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa send-off ceremony sa 250 transport vehicles ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Calamba, Laguna kahapon, walang ginawa ang mga komunista, partikular ang New People’s Army (NPA), kundi pumatay sa nakalipas na 52 …
Read More »Ex-NFA chief isaswak sa hoyo ni Roque
NAKAHANDA si Presidential Spokesman Harry Roque na tambakan ng kaso si dating National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino para mabulok siya sa kulungan. Inihayag ni Roque, hindi lang kasong technical malversation kundi graft and corruption ang nais niyang ihaing asunto kay Aquino dahil sa idinulot na pinsala sa publiko maging sa gobyerno. Paliwanag ni Roque, hindi ginastos ni Aquino …
Read More »3 sa 5 Pinoy kombinsidong human rights violation (Pagdakip sa tambay)
TATLO sa limang Filipino ang naniniwalang paglabag sa karapatang pantao ang pagdakip ng mga pulis sa tambay, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS). Sa 1,200 respondents, 60% ang nagsabi na human rights violation ang pag-aresto sa mga tambay. Ikinaila ng Palasyo na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip sa mga tambay dahil ang paggala ay hindi krimen. …
Read More »Communist insurgency seryosong tapusin ni Duterte
PABOR ang Palasyo sa panukalang magtatag ng isang task force na may layuning tuldukan ang halos kalahating siglong communist insurgency sa bansa. Iminungkahi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa military na magsumite ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makapaglabas ng isang executive order na mag-uutos ng pagbubuo ng Task Force to End Communist Insurgency. “We agree that ending the …
Read More »Duterte ‘closet US stooge’ (Palasyo tameme sa pakikialam ni Uncle Sam)
KUNG dati’y umuusok ang ilong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘pakikialam’ ni Uncle Sam sa Filipinas, tameme siya ngayon sa lantarang panghihimasok ng Amerika sa politika ng bansa. Ipinagkibit-balikat lang ng Palasyo ang pagdalaw ni Josh Morris, chief ng Internal Political Unit ng US Embassy, kay Senator Antonio Trillanes IV sa Senado kamakalawa. “Yan naman po’y gawain talaga ng mga …
Read More »Ombudsman hahayaan ng Palasyong sibakin si Mocha
TINIYAK ng Palasyo na susunod kapag iniutos ng Office of the Ombudsman na sibakin si Communications Assistant Secretary Mocha Uson bunsod ng reklamong pambabastos sa mga may kapansanan, nang ginawang katatawanan ang sign language. “Igagalang po ng Palasyo ang proseso – kung sinabi ng Ombudsman, sibakin hindi po natin tututulan iyan,” tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa reklamong …
Read More »Sign language ng pipi’t bingi binastos ni Mocha (Isasalang ng PCOO executives)
MAGPUPULONG ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang talakayin ang panibagong viral video ni Assistant Secretary Mocha Uson at pro-Duterte blogger Drew Olivar na ginawang katatawanan ang “sign language” na ginagamit ng mga pipi’t bingi. “I will dicuss this with the team,” ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar hinggil sa viral video na umani ng batikos ng …
Read More »‘Idiotic structure’ ipinaaayos sa bagong NFA administrator (Sa tiyak na supply ng bigas sa buong bansa)
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Army Commanding General Rolando Bautista bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA) kapalit ni Jason Aquino na nagbitiw noong nakaraang linggo. “NFA ka na. Mabait ‘yan si Rolly,” anang Pangulo sa command conference sa kapitolyo ng Cagayan sa Tuguegarao City kahapon. Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang ayusin ni Bautista ang ‘idiotic …
Read More »29 death toll sa Ompong (13 missing )
UMABOT sa 29 ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong, ayon sa ulat ni Presidential Political Adviser Francis Tolentino, nitong Linggo. Sa bilang na ito, 24 ang mula sa Cordillera Administative Region (CAR), ayon kay Tolentino sa press briefing sa Tuguegarao City, Cagayan. Habang 13 indibiduwal ang hindi pa natatagpuan sa rehiyon. “Ang marami po tayong …
Read More »Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte
TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) adminisitrator Jason Aquino. Sinabi ng Pangulo kahapon, naghahanap na siya ng ipapalit kay Aquino. “Jason Aquino has requested that he be relieved already…. I will scout [for] a new one,” ayon kay Duterte sa tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Pagod na umano si Aquino na mga …
Read More »Proclamation 572 vs Trillanes tuloy
TULOY ang pagpapatupad ng Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa iginawad na amnestiya kay Senador Antonio Trillanes IV. Ibinasura ng Korte Suprema ang hirit na temporary restraining order (TRO) ni Trillanes para ipatigil ang implementasyon ng Proclamation 572. “There is no legal impediment now to implement Proclamation 572. He had his day in court and he failed,” ani Presidential Spokesman …
Read More »Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa
INILINAW ni Pangulong Duterte na wala talagang bisa ang amnestiya na iginawad kay Trillanes ng administrasyong Aquino dahil si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin lang ang nagrekomenda at nag-aproba at hindi si dating Pangulong Aquino. Nakasaad aniya sa Konstitusyon na tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihan sa pagbibigay ng amnestiya at hindi puwedeng ipasa sa miyembro ng gabinete. Ang …
Read More »Hamon sa Magdalo: Patalsikin n’yo ako — Duterte
HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo Group o ang pangkat ng mga sundalong kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes IV, na patalsikin siya sa puwesto kung bilib sila sa senador. Sa kanyang tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na isinahimpapawid sa government-controlled PTV4, hinikayat niya ang mga sundalong naniniwala kay Trillanes at dating Pangulong Benigno Aquino IV na magpunta …
Read More »5 kasunduan nilagdaan ng PH, Jordan
AMMAN – Limang kasunduan ang nilagdaan kahapon ng mga opisyal ng Filipinas at Jordan na lalong magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa. Kabilang sa mga kasunduan ang Memorandum of Understading (MOU) on Political Consultations, between the Ministry of Foreign Affairs and Expatriates of Jordan, and the Department of Foreign Affairs of the Philippines; MoU on Defence Coope-ration between the Jordan …
Read More »Duterte napa-wow sa disaster response ng Israel
JERUSALEM – Napahanga si Pangulong Rodrigo Duterte sa Disaster Response and Rehabilitation Presentation dito sa Israel. Sa nasabing demonstrasyon ng Magen David Adom (MDA), ipinamalas ng rescuers ang kanilang bilis, efficiency at modernong kagamitan sa pagsasagawa ng rescue operations kapag may sakuna gaya ng pagpapasabog. Sinabi ni Pangulong Duterte, nakare-relate ang Filipinas sa ganitong sitwasyon dahil hindi “exempted” ang bansa …
Read More »US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)
JERUSALEM – Mabubunutan ng tinik ang mga Filipino caregiver na nais magtrabaho sa Israel matapos lagdaan kamakalawa ang kasunduan para mabawasan ng US$12,000 ang binabayarang placement fee. Lubos ang naging pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kanilang makataong pagtrato sa halos 28,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi …
Read More »Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
JERUSALEM – Batid ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na depektibo ang amnestiya na ibinigay niya kay Sen. Antonio Trillanes IV at iginawad ito dahil kakampi niya ang senador. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, political accommodation ang dahilan nang pagkakaloob ni Aquino ng amnestiya kay Trillanes kahit hindi sinunod ng senador ang requirements para makakuha nito. Nanindigan ang …
Read More »Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan
JERUSALEM – Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng legal na paraan upang maaresto at maibalik sa kulungan si Sen. Antonio Trillanes IV. Dalawang araw bago nagtungo sa Israel si Pangulong Duterte ay nilagdaan niya ang Proclamation 572 na nagpawalang bisa sa amnestiya para kay Trillanes dahil …
Read More »Holocaust victims kinilala ni Duterte
JERUSALEM – Nagbigay-pugay si Pangulong Rodrigo Duterte sa milyon-milyong Hudyo na nagbuwis ng buhay noong Holocaust ng World War III. Nag-alay ng mga bulaklak si Pangulong Duterte kahapon sa Yad Vashem Holocaust Memorial Center sa Remembrance Center, ang pinakamalaking himlayan ng mga biktima sa Israel. Kasama ng Pangulo ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at iba pang …
Read More »Utos ni Duterte sa DILG: Bodega ng rice hoarders salakayin!
JERUSALEM – Pagsalakay sa mga bodega ng bigas ng pinaniniwalaang rice hoarders ang nakikitang solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matuldukan ang kapos na supply ng bigas sa bansa. Sa mini-cabinet meeting na ginanap sa eroplano habang patungo sa Israel si Pangulong Duterte at kanyang opisyal na delegasyon, inutusan niya si DILG Secretary Eduardo Año na pangunahan ang pagsalakay sa …
Read More »Relasyon ng PH sa Arab nations ‘di apektado
WALANG epekto sa relasyon ng Filipinas at ng ibang bansa ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa 2-5 Setyembre. Ito ang tiniyak ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella sa pre-departure briefing sa Palasyo kahapon. Batid aniya ng Filipinas ang sentemyento ng Arab countries na hindi kinikilala bilang isang hiwalay na estado ang Israel. Ayon kay Abella, nakamit na …
Read More »