Tuesday , February 27 2024

Privacy tiyak na protektado

READ: P30-B pondo kailangan sa nat’l ID

May kaukulang safe­guard ang Philippine identification system o Phil ID para protektahan ang pribadong data ng lahat ng mamayang Fili­pino.

Ito ang nakasaad sa Republic Act 11055 o Phil ID na naglalayong gawing simple ang lahat ng tran­saksiyon sa lahat ng tang­gapan sa bansa.

Nakapaloob sa natu­rang batas na ilalagay ang lahat ng impormasyon ng mga Filipino sa ilalim ng Data Privacy Act.

Mga imporasyon katu­lad ng full name, sex, date of birth, place of birth, blood type, address, Filipino or resident alien habang optional kung ilalagay mo ang marital status, mobile number, email address, pero kai­langan pa rin ang bio­metrics information, lara­wan, fingerprints, iris scan at iba pang mahaha­lagang impormasyon.

May kaukulang mul­tang P500,000 sa sinoman na hindi papayag na kilalanin ang authentica­tion nito bilang official ID.

Maaaring makulong ng anim hanggang dala­wang taon at multang P5,000 hanggang P500,000 ang sinoman na ga­gamitin sa anomalya ang Phil ID.

Habang isang P1 mil­yon hanggang P3 milyon at pagkakulong ng tatlo hanggang anim taon sa lalabag at mapatutu­nayang guilty sa pagsu­sumite ng maling impor­masyon, hindi awtori­sadong printing at prepa­ration o issuance ng Phil ID  at pamemeke nito.

Anim hanggang sam­pung taong kulong at mul­tang P3 milyon hanggang P5 milyon sa sino­mang lalabag o magpapalabas ng data o impormasyon, at hindi awtorisadong tao na gumamit ng Phil ID.

Aabot sa P5 milyon hanggang P10 milyon ang magiging multa at kulong ng sampu hanggang 15 taon sa malisyosong mag­papalabas ng information at data mula sa opisyal at empleyado na may kustodiya sa panga­nga­siwa ng Phil ID.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

April Aguilar Brgy Pilar Las Piñas

VM Aguilar pinangunahan ang pagtulong sa mga nasunugan sa Brgy. Pilar

PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa mga …

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

UPANG panumbalikin ang mga bakawan sa mga baybaying barangay ng lalawigan, nakipagkaisa ang Pamahalaang Panlalawigan …

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

NAGSAGAWA ng matagumpay na operasyon ang pulisya ng Bulacan kamakalawa, na nagresulta sa pagkaaresto ng …

Andre Perez Dizon

PBGen Dizon pinarangalan ng PNP NHQ (sa epektibong pamumuno sa hanay ng Kasurog Cops PRO5)

GINAWARAN ng “Medalya ng Katangitanging Gawa si Police Regional Office 5 Director PBGen Andre Perez …

SM Cyberzone Game Fest Feat

Cyberzone Game Fest 2024 is back to celebrate all things gaming
Cyberzone Game Fest at SM Supermalls now on its 9th Year

Calling all gamers, esports enthusiasts, and tech aficionados! Now on its 9th year, Cyberzone Game …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *