INIIMBESTIGAHAN ng Philippine Broadcasting Service (PBS) ang episode ng programa ng komentaristang si Erwin Tulfo na minura at pinagbantaan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista sa government-run radio station Radyo Pilipinas. Nabatid sa source sa Radyo Pilipinas na anomang araw ay ilalabas ng Program Content and Development Committee ang kanilang rekomendasyon sa kahihinatnan ng programa ni …
Read More »Walang korupsiyon garantiya ni Duterte sa Japanese investors
TOKYO – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng Hapones na walang makasasagabal sa kanilang pamumuhunan sa Filipinas dahil papatayin niya ang problema. Aabot sa P300-B ang ilalagak na kapital ng Japanese investors sa Filipinas na lilikha nang mahigit 80,000 trabaho para sa mga Pinoy batay sa mga trade agreement na nilagdaan ng Filipinas at Japan sa pagbisita ng …
Read More »Gov’t officials pinagbawalang pumunta sa Canada
ANG pagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na magpunta sa Canada ay bahagi ng patakaran ng administrasyong Duterte na dumistansiya sa Ottawa dahil sa pagkaantala nang pagbabalik ng basura ng Canada mula sa Filipinas, ayon sa Palasyo. Kamakailan ay inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan na itigil ang pagbibigay ng mga travel authority para sa official …
Read More »Payo kay ex-SAP Bong Go: Politika, karahasan iwasan — Duterte
HUWAG magpadala sa politika at iwasan ang paggamit ng karahasan. Ito ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay incoming senator Christopher “Bong” Go sa ginananp na thanksgiving party para sa kanyang longtime aide kamakalawa sa Davao City. Anang Pangulo, maaaring tumagal nang hanggang 12 taon sa Senado si Go kapag ginampanan nang mabuti ang tungkulin at bigyan prayoridad ang mga …
Read More »5-taon basura ng Canada ‘itatapon’ pabalik ni Duterte
NAPIKON na si Pangulong Rodrigo Duterte kaya gagastusan na ang pagbabalik sa Canada ng mga basura nilang limang taon nang nakatambak sa bansa. “President Rodrigo Roa Duterte is upset about the inordinate delay of Canada in shipping back its containers of garbage. We are extremely disappointed with Canada’s neither here nor there pronouncement on the matter,” ayon kay Presidential Spokesman …
Read More »Sa pananatili sa NYC… Cardema ipinasisiyasat ng Palasyo
PINAIIMBESTIGAHAN ng Palasyo sa Department of Justice (DOJ) ang ulat na nag-preside pa rin sa pulong sa National Youth Commission (NYC) si Ronald Cardema bilang chairman kahit naghain na siya ng petition upang maging substitute nominee ng Duterte Youth party-list group. “We refer the case of Cardema to the DOJ because we have received reports that despite his filing of …
Read More »Duterte Youth iniwan… Cardema inaaral kung may pananagutang legal
INAALAM ng Palasyo ang posibilidad na may pananagutang legal si dating National Youth Commission chairperson Ronald Cardema nang iwanan ang kanyang posisyon sa ahensiya na hindi nagpaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, lumalabas na dumiskarte si Cardema na mag-substitute sa kanyang asawa bilang first nominee sa Duterte Youth party-list. Inamin ni Panelo, sa diyaryo lamang …
Read More »PH-Kuwait MOU rerepasohin ng DOLE — Bello
SUPORTADO ng Palasyo ang pagrepaso ng Department of Labor sa Philippine-Kuwait Memorandum of Understanding (MOU) na nalabag sa pagkamatay ng isang Filipina overseas worker dahil sa umano’y pambubugbog ng amo. “I think we should, because according to Secretary Bello there has been a breach in the agreement signed by the two countries,” tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa hakbang …
Read More »Duterte wala sa ospital — Panelo
“I DARE tell you guys to check all the rooms in cardinal.” Ito ang text message ni Honeylet Avanceña, long time partner ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga mamamahayag kahapon bilang tugon sa ulat na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kamakalawa. Ngunit ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakausap niya ang Pangulo at hindi kinompirma …
Read More »Youth Commission ipinababakante kay Cardema
INUTUSAN ng Palasyo si National Youth Commission Chairman Ronald Cardema na bakantehin ang puwesto at isumite ang lahat ng hawak niyang dokumento sa Office of the President. Ang direktiba, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ay kasunod nang pag-abandona ni Cardema sa kanyang posisyon nang maghain ng petition for substitution bilang first nominee ng Duterte Youth party-list sa Comelec. “The …
Read More »Dahil sa korupsiyon… Puno sinibak sa FDA ni Duterte
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Food and Drug Administration (FDA) director general Nela Charade Puno dahil sa isyu ng korupsiyon. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa panayam kahapon. “Effective immediately,” ang pagsibak kay Puno, ayon kay Panelo. Walang dagdag na detalyeng inihayag si Panelo sa isyu. Matatandaan, bago ang halalan noong 13 Mayo, sinabi ni Duterte …
Read More »Political dynasty ibinasura ng botante — Panelo
HINUSGAHAN ng mga botante ang mga natalong kandidato mula sa mga sikat na political dynasty batay sa klase ng kanilang pamamahala, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, simple lang ang sukatan ng mga botante lalo na kung ang pag-uusapan ay nasa lokal na antas. Kung sa tingin nila ay naging maayos ang pamumuno ng kanilang lider, tiyak …
Read More »‘Wag matakot mangarap — Go
HINIMOK ni dating Special Assistant to the President at senator-elect Christopher “ Bong” Go ang mga kabataan na huwag matakot mangarap at pahalagahan ang simpleng pagtulong sa kapwa. Ang mensahe ni Go ay kasabay ng taos pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya at higit sa lahat sa mga Filipino na nagtiwala sa isang ordinaryong probinsiyanong tulad niya na …
Read More »Duterte magic epektibo pa rin
NANINIWALA ang Palasyo na epektibo ang “Duterte magic” kaya mayorya sa administration bets ang nangunguna sa senatorial election. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit unofficial pa rin ang resulta ng halalan ay kitang-kita na ang “trend” tungo sa tagumpay ng mga manok ng ruling party. Patunay aniya ito na tumugon ang mga botante sa panawagn ni Pangulong Rodrigo Duterte …
Read More »Duterte ‘pag talo sa endoso ayaw na ng tao (Unang boto bilang presidente)
SA kauna-unahang pagkakataon ay bomoto kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Punong Ehekutibo ng bansa sa midterm elections na sinasabing magsisilbing referendum para sa kanyang administrasyon. Dakong 4:30 pm, dumating ang Pangulo kasama ang longtime partner na si Honeylet Avanceña sa Precinct 1245A Cluster 361 sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa 1 Aplaya Road, Matina Crossing, Davao City. …
Read More »Digong masayang makasama sa ‘hell’ si Joma Sison (Sa nabinbin na peace talks)
MALIIT na ang tsansa na umusad muli ang peace talks sa kilusang komunista, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangan magpakita ng sinseridad ang kilusang komunista na maisulong ang kapayapaan bago magbalik sa hapag ng negosasyon ang gobyernong Duterte. “Sinasabi niya (Duterte) laging mayroon siyang small window for peace talks provided na ‘yung nasa kabilang mesa …
Read More »John Lloyd ‘lumutang’ sa Palasyo
LUMUTANG ang aktor na si John Lloyd Cruz sa isang pagtitipon sa Malacañang para sa mga artista kamakalawa ng gabi. Si Cruz ay dumalo sa thanksgiving dinner na inihanda ng longtime partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña para sa mga taga-showbiz na tumulong sa presidential campaign noong 2016. Kabilang sa mga bisita sa pagtitipon ay sina Alex at …
Read More »Duterte nakiramay sa pamilya Nograles
NAGPAHAYAG ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ni dating House Speaker Prospero Nograles na pumanaw noong Biyernes sa edad na 71. Ayon kay Pangulong Duterte, ikinalungkot niya ang pagyao ni Nograles at nakikidalamhati siya sa buong pamilya. “His legacy as a leader who used his voice to speak on behalf of the Filipino people will continue to inspire …
Read More »Panelo ‘sintonado’ sa ouster plot matrix
NAG-IBA ng tono ang Palasyo sa naunang ipinangalandakan na “oust Duterte plot matrix.” Todo-tanggi na si Presidential Spokesman Salvador Panelo na galing kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ouster plot matrix. Sa press briefing sa Malacañang, inilinaw ni Panelo na natanggap lamang niya ito galing sa hindi kilalang source. Aniya, ipinalagay niya na ang natanggap na matrix at ang tinutukoy sa inilathalang balita …
Read More »Sa Araw ng Paggawa: Security of tenure, karapatang mag-unyon iniutos ipasa ng Kongreso
HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa ang mga panukalang batas na magbibigay proteksiyon sa mga karapatan ng mga manggagawa lalo na ang “security of tenure and self-organization.” “I remain optimistic that one year since I issued Executive Order No. 51, implementing existing constitutional and statutory provisions against illegal contracting, my counterparts in Congress will consider passing much …
Read More »Sa Araw ng Paggawa… Obrero tablado sa pangulo
WALANG maasahang Labor Day package ang mga obrero mula sa administrasyong Duterte sa pagdiriwang ngayon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nasa kamay ng regional wage boards ang usapin ng umento sa suweldo. Ayon kay Panelo, batid ng regional wage boards kung ano ang makabubuti sa panig ng …
Read More »Kalagayan ng kalusugan isinapubliko ni Duterte
ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumasalang siya sa blood test kada ikalawang araw. Sa talumpati ng Pangulo kamakalawa ng gabi sa 7th Union Asia Pacific Regional Conference sa PICC, inamin niyang dahil sa kanyang sakit na buerger’s disease na nakuha dahil sa paninigarilyo noon. Ayon sa pangulo, dahil sa buerger’s disease, palagi na niyang kasama sa mga lakad ang …
Read More »Rebelde hayaang mabaon sa lindol — Duterte
INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na hayaang mabaon nang buhay ang mga rebeldeng komunista kasunod ng 6.5 magnitude lindol na yumanig sa Eastern Samar kamakalawa. Sa situation briefing sa San Fernando, Pampanga kamakalawa, sinabi ng pangulo na nakatanggap siya ng ulat na aabot sa sampu hanggang dalawampung miyembro ng NPA ang nabaon sa lupa. Hindi aniya pag-aaksayahan ng …
Read More »16 death toll sa lindol sa Luzon
UMAKYAT na sa 16 ang bilang ng mga kompirmadong binawian ng buhay matapos ang magnitude 6.1 lindol na yumanig sa iba’t ibang bahagi ng Luzon kamakalawa nang hapon. Pinakamalaking pinsala ang dinanas ng lalawigan ng Pampanga na naitala ang karamihan ng nasawi. Lima sa 16 namatay ay mula sa gumuhong Chuzon Supermarket sa bayan ng Porac; pito mula sa iba …
Read More »Mahinang pundasyon ng Chuzon supermarket sinisi ng pangulo
HINDI sapat ang pundasyon ng Chuzon Supermarket dahil dalawang palapag lamang dapat ito ngunit ginawang apat na palapag. Ito ang sanhi nang pagguho ng naturang establisimyento, batay sa inisyal na ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Interior Secretary Eduardo Año sa ginanap na briefing sa kapitolyo ng Pampanga kahapon. Inatasan ni Pangulong Duterte ang pulisya at DPWH na imbestigahan ang …
Read More »