5 kandidato ni Duterte, umangkas sa Magic 12
NANGUNA si Sen. Grace Poe sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) sa senatorial bets para sa 2019 midterm elections.
Batay sa resulta ng survey na isinagawa noong 25-28 February sa buong bansa ay lumalabas na nangunguna pa rin sina Poe pumangalawa si Senadora Cynthia Villar at umakyat sa ikatlong puwesto mula sa ika-5 at ika-6 na puwesto si dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.
Sinundan siya ni dating Senador Pia Cayetano sa ika-4 na puwesto, si dating Senador Lito Lapid ang nasa ika-5, ika-6 si Senator Sonny Angara, at ika-7 si Senador Nancy Binay.
Nagpantay ang nakuhang ratings nina dating Senador Jinggoy Estarda at dating Senador Mar Roxas sa top 8 at 9 habang tatlo ang nagpantay-pantay sa mga puwestong 10-11 at 12 sina Senador Bam Aquino, dating Senador Bong Revilla at dating PNP Chief Bato Dela Rosa.
Sina Go at Bato ay pawang kasama sa senatorial slate ng administration party PDP-Laban habang sina Angara, Villar at Cayetano ay pawang “guest candidates” ni Pangulong Rodrigo Duterte. (ROSE NOVENARIO)
