Sunday , April 27 2025

Rose Novenario

Inutil ako vs China (Digong umamin)

INAMIN ni Pangulong Duterte na inutil siya sa isyu ng South China Sea dahil kapos sa kakayahan ang Filipinas na makipagdigma sa China. “We have to go to war and I cannot afford it. Maybe some other president can but I cannot. Inutil ako riyan. I cannot…the moment I send my marines there at the coastal shores of Palawan, tinamaan …

Read More »

Mega web of corruption: IBC-13 deadma sa COA report

ni Rose Novenario ILANG taon nang paulit-ulit na naghahayag ng rekomendasyon ang Commission on Audit (COA) sa management ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) kung ano ang dapat gawin upang maituwid ang pagkalugi ng gobyerno sa kuwestiyonableng joint venture agreement (JVA) na pinasok nito sa R-II Builders/Primestate Ventures, Inc., noong Marso 2010. Ayon sa 2017 at 2018 Annual audit report ng …

Read More »

Death penalty hirit ni Duterte

DALAWANG taon bago bumaba sa puwesto at naitalang libo-libong drug-related killings bunsod ng inilunsad niyang drug war, muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na kagyat na isabatas ang death penalty. “I reiterate the swift passage of a law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Dangerous [Drugs] Act of 2002,” aniya sa kanyang …

Read More »

Mega web of corruption: Lupain ng IBC-13, ‘inagaw’ (Ika-10 Bahagi)

ni ROSE NOVENARIO PANGKARANIWANG kalakaran sa lipunang Filipino na ang pribadong lupain ay nakakamkam o naipagbibili sa paluging presyo para sa pagsusulong ng proyekto ng pamahalaan. Kabaligtaran ang naging kapalaran ng mahigit apat na ektaryang lupain na pagmamay-ari ng Intercontinental Broadcasting Corportaion (IBC-13), isang sequestered, government-owned and controlled corporation (GOCC) at state-run network. Sa isang kuwestiyonableng joint venture agreement na …

Read More »

Media sapol sa Anti-Terror Law

media press killing

ni ROSE NOVENARIO TALIWAS sa ipina­ngalandakan na hindi gagamitin sa malayang pamamahayag at akti­bismo ang Anti-Terror Law, unang naging ‘casualty’ ng kontrobersiyal na batas ang isang alternative media magazine. Mariing kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagkompiska ng mga tauhan ng Pandi Police sa libo-libong kopya ng alternative media magazine Pinoy Weekly mula sa tanggapan …

Read More »

COVID-19 hindi inatrasan… PCOO employees mas takot sa ‘gutom’ (COS, JO no work no pay)

ni ROSE NOVENARIO WALANG takot na haharapin ng ilang kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang panganib ng coronavirus disease (COVID-19) kaysa mamatay sa gutom sa mararanasang “no work, no pay policy” kapag sumailalim sa 14-day quarantine. Desperado ang ilang empleyado ng PCOO na kabilang sa iniulat na 25 COVID-19 active cases ng kagawaran dahil ang kanilang employment status …

Read More »

NDF peace negotiator pumanaw

IPINAGLUKSA ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagpanaw kahapon ni Fidel V. Agcaoili sa Utrecht, The Netherlands sanhi ng sakit sa baga.   “The National Democratic Front of the Philippines (NDFP) announces with deep sorrow the untimely passing of Ka Fidel V. Agcaoili today, 23 July 2020 at 12:45 pm in Utrecht, The Netherlands. He would have …

Read More »

‘Berdugo’ sa NPA purging timbog

npa arrest

IKINAGALAK ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang pagkakadakip ng mga awtoridad sa sinabing berdugo ng New People’s Army (NPA) sa pagpurga sa kanilang hanay noong dekada ‘80.   Sa kalatas ay tinukoy ang naarestong rebeldeng komunista na si Felomino Salazar, Jr., dahil sa kasong 15 bilang ng kasong murder, bunsod ng papel niya bilang ‘berdugo’ ng NPA Southern …

Read More »

2 RTVM employees positibo sa COVID

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawang empleyado ng Radio Television Malacanang (RTVM).   Nabatid sa source, kagabi lumabas ang resulta ng swab test ng tatlong kawani na klasipikado bilang person under investigation (PUI), at dalawa sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.   Ang RTVM ang naatasang ekslusibong mamahala sa broadcast ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni …

Read More »

‘Moso at ‘mosang contact tracer tablado sa Palasyo

PINAGTAWANAN ng Malacañang ang panukalang kunin ng pamahalaan ang mga tsismoso’t tsismosa sa pamayanan para maging contact tracer dahil ang gawaing ito’y para sa mga may kaalaman sa criminal investigation — upang matunton ang mga nakahahalubilo ng mga taong nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19)   Ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque ay reaksiyon sa sinabi ni Philippine National Police …

Read More »

Mega web of corruption: IBC-13 JVA sa R-II Bldrs ipawalang bisa — COA

ni Rose Novenario INIREKOMENDANG ipawalang bisa ang pinasok na joint venture agreement (JVA) ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa R-II Builders-Primestate Ventures, Inc., dahil lugi ang gobyerno sa kasunduan. Nakasaad sa rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) sa 2018 Annual Audit Report, “Rescind the JVA and its amendments as this will result in IBC-13 losing its share in the JVA …

Read More »

Pandemic recovery roadmap ilalahad sa SONA ni Duterte

ILALAHAD ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, 27 Hulyo, ang pandemic recovery roadmap sa kabila na umabot na sa 72,269 katao ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tampok sa isyung tatalakayin ng Pangulo sa SONA ang mga hakbang na ginawa ng kanyang administrasyon …

Read More »

Anti-Terror Law ginarantiyahan ni NSA Esperon

“ACTIVISM is not terrorism, and terrorism is not activism.” Ginarantiyahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang publiko na hindi gagamitin ang Anti-Terror Law para patahimikin ang mga kritiko ng administrasyong Duterte. “In pursuit of this policy, the government cannot prejudice respect for human rights which shall be absolute and protected at all times. It is therefore very clear that …

Read More »

Mega web of corruption: IBC-13 gatasan ng mga opisyal (Ika-walong bahagi)

ni ROSE NOVENARIO WALANG minamantinang account sa alinmang depository bank ang government-owned and controlled corporation (GOCC) Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13), ayon sa Finance Department ng state-run TV network. Nakasaad ito sa 2018 Annual Audit Report ng Commission on Audit (COA). Ayon sa Accounting personnel, inactive ang kanilang account sa isang banko dahil sa Garnishment Order ng BIR ngunit nabisto ng …

Read More »

Sentimyentong anti-China ng AFP ‘ginatungan’ ni Joma Sison

MISTULANG ginatungan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison ang sentimyentong anti-China ng ilang opisyal at kagawad ng Armed Forces of the Philippines nang himukin silang makipag-alyansa sa New People’s Army (NPA) para patalsikin sa poder ang administrasyong Duterte.   “It is possible for the patriotic and democratic-minded officers and enlisted personnel of the AFP …

Read More »

COVID-19 ‘bumisita’ na sa Palasyo

NAKARATING na sa Malacañang, partikular sa Office of the President (OP), ang coronavirus disease (COVID-19). Nabatid sa source, apat na kawani ng OP ang nagpositibo sa COVID-19 habang hinihintay ang resulta ng swab test ng lahat ng nakasama nila sa shuttle bus. Ayon sa impormante, hindi umano sumailalim sa quarantine ang nagkaroon ng “close contact” sa COVID-19 positive employees dahil …

Read More »

COVID-19, ipinagpasa-Diyos ni Duterte

DALAWANG taon matapos tawagin ang Diyos na “stupid” at paulit-ulit na alipustain ang ilang taong Simbahan mula nang maluklok sa Palasyo, nag-iba ang tono ni Pangulong Rodrigo Duterte at nanawagan kahapon na ipagpasa-Diyos na lamang ng mga Pinoy ang kapalaran sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. “Marunong ang Diyos. Hindi tayo pababayaan, lalo na Filipino tayo, Kristiyano tayo,” ayon …

Read More »

Palasyo kinabog sa militansiya ng Simbahang Katolika vs Anti-Terror Law

CBCP

KINABOG ang Palasyo sa ipinararamdam na militansiya ng mga lider ng Simbahang Katolika sa bansa kontra sa Anti-Terror Law. Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi puwedeng ipagwalang bahala ng Malacañang ang impluwensiya ng Simbahan sa proseso nang pagpapasya ng mga pinuno ng bansa. Ginawa ni Panelo ang pahayag kasunod ng hamon sa kanya ni Manila Auxiliary Bishop …

Read More »

Mega web of corruption: IBC-13 Execs ‘hayahay’ sa naghihingalong state-run TV network

KAILANGAN pag-aralan nang husto ng Kongreso kung pahihintulutang maglaan ng mahigit P1 bilyong budget upang maging  official channel ng Department of Education (DepEd) ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) para sa TV-based learning sa ilalim ng mga bagong patakaran na ipinaiiral sa sitwasyong ‘new normal.’ Ito ang panawagan ng ilang concerned citizens bunsod ng sinasabing mga iregularidad sa pananalapi sa state-run …

Read More »

Media off-limits sa 5th SONA ni Duterte

IPINAGBAWAL ang presensiya ng media sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 27 Hulyo 2020, sa gusali ng House of Representatives sa Batasan Hills, Quezon City. “Please be advised that as per the recommendations of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), all media are not allowed inside the …

Read More »

Roque sinopla si Panelo (Sa separation of Church and State)

KONTRAPELO ang dalawang mataas na opisyal ng Palasyo sa interpretasyon sa doktrina ng separation of Church and State na garantisado sa Saligang Batas. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dalawang bagay ang separation of Church and State, una ay non-establishment o hindi magbibigay ng pabor ang estado sa kahit anong pananampalataya, at pangalawa ay free exercise na freedom of belief …

Read More »

Opisyales at empleyado ng Maynila ipinagmalaki ni Yorme (Sa kampanya vs COVID-19)

NATUWA si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na napansin ang pagsisikap sa matatag na pagharap sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19) at ito ay ipinagpasalamat niya sa masisipag at magigiting na opisyal at empleyado ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Sinabi ni Domagoso, nagpapasalamat siya sa kooperasyong ipinamalas ng kanyang mga kapwa serbisyo-publiko sa Maynila lalo kay Vice Mayor Honey Lacuna na …

Read More »

Mega web of corruption: P1-B tech rehab ng IBC-13, tagilid sa PCOO exec (Ika-anim na bahagi)

ni Rose Novenario ISANG mataas na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nakatutok sa P1.5 bilyong proyekto ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) upang maging  official channel ng Department of Education (DepEd)  para sa TV-based learning sa ilalim ng mga bagong patakaran na ipinaiiral sa sitwasyong ‘new normal.’ Nabatid sa source na si PCOO Undersecretary George Apacible ay isa …

Read More »

Palasyo umalma sa CBCP

CBCP

UMALMA ang Palasyo sa maanghang na pastoral letter ng CBCP at sinabing tila paglabag ito sa doktrina ng “separation of Church and State” na nakasaad sa Saligang Batas. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang pahayag ng CBCP ay pareho sa “false narrative” ng mga kritiko ng Anti-Terror Law. Para sa Malacañang, ang adbokasiya ng CBCP maging ang …

Read More »