KINOMPIRMA ng Palasyo na ang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump ang nagbigay daan sa paggawad ng absolute pardon kay US serviceman Joseph Scott Pemberton. Ayon kay Presidential Spokesman Harry, hindi lang pagpupulong nina Pangulong Duterte at outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang susi sa paglaya ni Pemberton kundi ang usapan sa telepono …
Read More »Kuratong Baleleng Gang rubout at Dacer-Corbito double murder case suspect, itinalagang DICT exec
MATAPOS maging suspect sa dalawang heinous crime sa nakalipas na dalawang dekada, itinalaga bilang opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si dating police colonel Cezar Mancao II. Kinompirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mancao bilang Executive Director V ng Cybercrime Investigation and Coordination Center ng DICT. Kompiyansa aniya …
Read More »US envoy Sung kim bitbit si Pemberton pag-uwi sa ‘Tate (Mission accomplished)
WALANG dapat maiwan. Dalawang makasaysayang pangyayari na nagbibigay katuwiran sa matibay na ugnayan ng Amerika at Filipinas ang magkasunod na paggawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu o Gold Cross kay outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim, at absolute pardon kay convicted killer US serviceman Joseph Scott Pemberton, kamakalawa ng hapon. Batay …
Read More »Duque inabsuwelto ni Duterte (Ebidensiya ng Senado vs Duque bubusisiin ni Duterte)
HINDI pa man nasasampahan ng kaso sa alinmang hukuman ay inabsuwelto na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa isyu ng korupsiyon sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth). Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole na sampahan ng kasong kriminal si Duque at iba pang opisyal ng PhilHealth kaugnay …
Read More »Palasyo tiwala sa DENR
TIWALA ang Malacañang na may kakayahan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagtanggol ang kontrobersiyal na P389-milyong Manila Bay Rehabilitation Project kapag umakyat sa Korte Suprema ang usapin. “Kampante naman po kami na ang DENR ay alam nila ang katungkulan nila na proteksiyonan ang kalikasan at kaya nga po ipinatupad itong proyektong ito, it is for …
Read More »Pemberton pinalaya ni Duterte (Absolute pardon iginawad)
SILENCE means yes. Matapos manahimik noong nakalipas na linggo sa desisyon ng hukom na palayain ang Amerikanong sundalong brutal na pumatay sa Filipino transgender sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), ginulantang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa nang pagkalooban ng absolute pardon si US serviceman Joseph Scott Pemberton, kahapon. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang …
Read More »‘Unli King’ ng PCOO lagot sa COA
MARAMING dapat ipaliwanag si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pagtalaga sa isa niyang assistant secretary bilang hepe ng isang attached agency ng kagawaran na may P2-milyong unliquidated travel expenses. Bago italaga ang isang government official sa ibang posisyon sa gobyerno ay kailangan niyang magsumite ng clearance mula sa pinanggalingan niyang opisina pero sa kaso ni Philippine …
Read More »Mega web of corruption: Anak ni Kabayan sabit sa IBC-13 illegal wage hike — COA
ni ROSE NOVENARIO HILAHOD, naghihingalo at walang pera ang kompanya. Ito ang mga katagang madalas ikatuwiran ng management ng government-owned and controlled corporation (GOCC) at state-run network Intercontinental Broadcasting Network (IBC-13) kapag humihiling ng umento sa sahod ang mga ordinaryong empleyado sa nakalipas na 12 taon. Habang ang IBC-13 Board of Directors ay idinahilan na bukod sa board resolution ay …
Read More »3 Blacklisted companies nakakopo ng P727-M PPE contracts (Palasyo sa DBM: Magpaliwanag kayo!)
PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagkopo ng tatlong blacklisted companies ng P727-milyong halaga ng kontrata para sa personal protective equipment (PPE). “Well, nabasa ko rin po iyan sa ating pahayagan ngayon, hindi ko pa po nahihingan ng panig ang ating PS-DBM, so hayaan ninyo munang mabigyan ako ng pagkakataon na makuha ang, kumbaga, eksplanasyon …
Read More »Judge sablay sa paglaya ni Pemberton (mabuso sa kapangyarihan)
UMABUSO sa kanyang kapangyarihan ang hukom na naglabas ng desisyon para palayain ang US serviceman na pumatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala sa kapangyarihan ni Olongapo Regional Trial Court Branch 74 Judge Judge Roline Ginez-Abalde para magpasya na palayain si Pemberton dahil nakompleto na umano ang 10-taong sentensiya base sa Good …
Read More »Designated Survivor bill ni Lacson kinatigan ni Roque
NAKAHANAP ng kakampi ang Designated Survivor bill ni Sen. Panfilo Lacson sa katauhan ni Presidential Spokesman Harry Roque. Ayon kay Roque, bagama’t may malinaw na line of succession na nakasaad sa Saligang Batas kapag may nangyaring hindi maganda sa Pangulo ng bansa, dapat din isaalang-alang kapag nangyari sa totoong buhay ang istorya ng Netflix series na Designated Survivor na namatay …
Read More »Roque disgusto sa paglaya ni Pemberton
MASAMA ang loob ni Presidential Spokesman Harry Roque sa maagang paglaya kahapon ni US serviceman Joseph Scott Pemberton, ang pumatay kay Filipino transgender Jennifer Laude noong 2014. Si Roque ang dating private prosecutor sa kontrobersiyal na kaso ng pagpaslang ni Pemberton kay Laude na yumanig sa relasyon ng Filipinas sa Amerika. “As former Private Prosecutor for the Laude …
Read More »RevGov ‘di ibinabasura ni Duterte
HINDI ibinabasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong na revolutionary government ng kanyang mga tagasuporta taliwas sa una niyang pahayag na wala siyang kinalaman sa nasabing grupo. Ang nais ni Pangulong Duterte ay talakayin ito sa publiko lalo sa hanay ng military. Gusto ng Pangulong malaman ang opinyon ng militar sa usapin ng revolutionary government at kung ayaw nila’y ipaliwanag …
Read More »Aeta pinakain ng ebak ng militar (Iniimbestigahan ng CHR)
INIIMBESTIGAHAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga alegasyon na minaltrato ng ilang sundalo ang mga miyembro ng komunidad ng Aeta at pinakain ng dumi ng tao. Inihayag ng CHR ang pagkabahala sa isang kalatas kahapon. Iniulat ng grupong Umahon para sa Repormang Agraryo sa CHR kamakalawa na ilang kagawad ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa San …
Read More »Gierran bagong PhilHelath chief
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran bilang bagong presidente ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pulong kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Management of Infectious Disease (IATF-MEID) kagabi. Pinalitan ni Gierran si retired Army general Ricardo Morales na nagbitiw …
Read More »Duterte tuliro sa terorismo
HALOS dalawang taon na lang ang natitira sa kanyang termino ay hindi pa rin maarok ni Pangulong Rodrigo Duterte kung paano tutuldukan ang terorismo. Ibinunyag ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Jolo, Sulu kamakalawa ng hapon. Inihayag ng Pangulo na tuliro pa rin siya kung paano lulutasin ang problema sa terorismo at insurgency sa bansa. “May dalawang taon …
Read More »Duterte nakiramay sa inulila ng kambal na pagsabog sa Sulu
BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang mga naulilang pamilya sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan. “This is to confirm that PRRD visited Jolo, condoled with some of the victims of the latest blast, and conferred with the Mayor. He is expected back in Manila tonight,” ayon sa text message ni Presidential Spokesman Harry Roque sa …
Read More »Mega web of corruption: IBC-13 workers tablado sa 3k wage hike
ni ROSE NOVENARIO TINABLA ng Board of Directors ng state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) ang ipinangakong P3,000 umento sa sahod ng mga manggagawa ng management. Nabatid sa liham ng IBC Employees Union (IBCEU) kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, 28 Agosto, na ikinatuwiran ng BOD sa pagbasura sa hirit nilang P3,000 wage hike, na tanging Pangulo ng Filipinas ang puwedeng …
Read More »Duterte kay Robredo: Galit ng tao sa pandemic, huwag gatungan
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na huwag gatungan ang galit ng tao sa panahon ng pandemya. Sa kanyang televised public address kahapon, sinabi ng Pangulo na walang mabilis na solusyon sa mga problema ng bansa kahit mamatay pa siya kinabukasan kaya hindi dapat ginagatungan ni Robredo ang sambayanan na nahihirapan sa panahon ng pandemya …
Read More »Sakit ni Duterte inaming lumalala
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na may abiso ang kanyang doktor na patungo na sa stage one cancer ang sakit niyang Barrett’s esophagus. Sinabi ng Pangulo na pinayohan siya ng kanyang doktor na itigil ang pag-inom ng alak upang maiwasang lumubha ang kanyang sakit. “May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng …
Read More »Alyado itinatwa ni Duterte (May selective amnesia?)
MISTULANG nagkaroon ng ‘selective amnesia’ kamakalawa ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte nang itatwa ang mga kaalyadong tumulong sa kanya noong 2016 presidential elections dahil sa kasalukuyang isinusulong na revolutionary government. Sa kanyang public address na iniere kahapon ng umaga, tahasang nilaglag ng Pangulo ang kanyang masusugid na kaalyado matapos pangunahan ang inisyatiba sa pagtatatag ng revolutionary government para maikasa …
Read More »Oligarchs ‘hinoldap’ sa ere ni Roque
HINDI nakapalag ang dalawang tinaguriang ‘oligarch’ ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ‘holdapin’ sila para magbigay ng dagdag na linya ng komunikasyon sa One Hospital Command Center habang naka-ere sa virtual Palace press briefing kahapon. Unang tinawagan ni Presidential Spokesman Harry Roque sa telepono habang naka-live broadcast ang virtual Palace press briefing ang may-ari ng Globe Telecom Inc., na si Fernando …
Read More »Pagbomba sa Jolo kinondena ng Palasyo
MAIGTING na pagkondena ang inihayag ng Palasyo sa dalawang magkasunod na pambobomba sa Jolo, Sulu kahapon na ikinasawi ng pitong sundalo, apat na sibilyan, at isang pinaghihinalaang suicide bomber; at pagkakasugat ng 40 katao. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakikisimpatya ang Malacañang sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi sa trahedya. “We condemn in the strongest possible terms the …
Read More »P700-M sa SAP ‘inagaw’ sa 87,500 pamilyang dukha ng FSPs
AABOT sa P700 milyon ang suwabeng kikitain ng financial service providers (FSPs) na kinontrata ng administrasyong Duterte para mamahagi ng ikalawang yugto ng ayudang pinansiyal para sa 14 milyong pamilya sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP). Ang P700 milyon kabuuang matatapyas sa SAP na mapupunta sa FSP ay mula sa P50 kaltas sa bawat P8,000 ayuda sa isang pamilya. …
Read More »Titser, pinapatay sa gutom ng gobyerno — ACT Private Schools
NAKALUGMOK na sa hirap at gutom ang daan-daang libong mga guro sa mga pribadong paraalan dahil sa limang buwang nararanasang CoVid-19 pandemic ay wala silang natatanggap na ayuda ni isang kusing mula sa gobyerno. Hinagpis ito ng Alliance of Concerned Teachers – Private Schools sa kalatas kahapon nang mabatid na P300 milyon lamang ang ipinanukala ng Kongreso na ilaan sa …
Read More »