Wednesday , April 9 2025

Rose Novenario

Palasyo nakipag-usap sa Abu Sayyaf (Para sa paglaya ng bihag)

INAMIN ng Palasyo ang pakikipag-dialogo sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) para sa pagpapalaya ng mga bihag ngunit hindi kasama ang isyu ng ransom. Inihayag kahapon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, isang babae na taga-Zamboanga ang naging tulay ng ASG para iparating ang mensahe na nais siyang kausapin ng isang Abu Rami. “A certain Abu Rami …

Read More »

Digong, Leni nagkita sa Camp Aguinaldo

NAGKITA nang personal sa kauna-unahang pagkakataon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa Change of Command ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo kahapon. Nilapitan ni Duterte si Robredo sa entablado makaraan ang full military honors, nakangiting nagkamayan at nag-usap nang sandali bago umupo ang Pangulo katabi ni outgoing AFP Chief of Staff …

Read More »

Drug lords sa Bilibid tatapusin na (It’s your time to rest and die — Duterte)

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte, bilang na ang oras ng mga druglord na pasimuno ng laboratoryo ng shabu sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City. Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Change of Command ceremony sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, isang malaking insulto at kahihiyan sa gobyerno na sa Bilibid …

Read More »

Armadong tunggalian sa PH tutuldukan

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutuldukan niya ang armadong tunggalian sa bansa. “It is not a war that can be fought forever. We cannot fight forever. We might have the weapons, the armaments, the bullets and the mortar but that does not make a nation,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo …

Read More »

Maraming rekesito ipinatitigil ni Digong (Proseso sa pagkuha ng dokumento pinadadali)

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magiging bukas sa publiko ang kanyang pamamahala, sa lahat ng mga kontrata, proyekto at transaksiyon ng gobyerno mula sa negosasyon hanggang sa implementasyon nito. Kaya ang una niyang direktiba sa lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno’y bawasan ang requirements at panahon ng proseso sa lahat ng applications mula submission hanggang release. “I …

Read More »

Sa CHR at Kongreso: Huwag n’yo akong pakialaman

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso at Commission on Human Rights (CHR) na huwag makialam sa kanyang paraan nang pagsugpo sa korupsiyon at illegal drugs. “You mind your work and I will mind mine,” sabi ni Duterte sa kanyang inaugural speech kahapon makaraan manumpa bilang ika-16 Pangulo ng Republika ng Filipinas sa harap ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido …

Read More »

Publiko duda, walang tiwala sa gobyerno

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na layunin ng kanyang liderato na ibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno. Sa kanyang inaugural address, sinabi ni Duterte, kabilang sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa ay kawalan na ng kompiyansa ng mamamayan sa mga awtoridad. Ayon kay Duterte, kabilang na rito ang nawawalang tiwala sa judicial system at duda sa kakayahan ng …

Read More »

15-point People’s Agenda tinanggap ni Duterte mula sa leftist group

MAY espesyal na puwang talaga sa puso ni President Rodrigo Duterte ang makakaliwang grupo dahil mas una pa siyang nakipagpulong sa mga lider nito para tanggapin ang 15-point people’s agenda bago ang mga miyembro ng kanyang gabinete. Kung dati’y itinataboy ng awtoridad ang rally ng mga militanteng grupo sa Mendiola, kahapon ay sinundo pa mismo ng mga kagawad ng Presidential …

Read More »

Duterte cabinet nagpakitang gilas sa 1st off’l meeting

PORMAL nang nagsimula ang trabaho hindi lamang para kay President Rodrigo Roa Duterte, ngunit maging sa kanyang itinalagang Cabinet secretaries. Kahapon din ginawa ang kauna-unahang pulong ni Duterte sa 28 miyembro ng kanyang gabinete. Unang nagbigay ng kanyang ulat kay Duterte ay si National Disaster Risk Reduction and Management Council director Ricardo Jalad. Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa ilang oras …

Read More »

Digong bibiyahe sa commercial plane (Ayaw ng VIP treatment)

IBABALIK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng air assets ng Office of the President (OP). Sa kanyang opening statement sa kauna-unahang cabinet meeting sa Palasyo kahapon, sinabi ni Duterte na kakalawangin lang ang presidential plane sa kanyang administrasyon dahil commercial plane ang kanyang gagamitin sa pagbibiyahe. Nais ni Duterte na gawing ospital …

Read More »

Simple, matipid inagurasyon ni Digong

HINDI man marangya ang inagurasyon ni President-elect Rodrigo Duterte bilang ika-16 Pangulo ng bansa, mababakas naman dito ang karangalan ng mga Filipino. Sinabi ni incoming Communications Secretary Martin Andanar, magsisimula ang aktibidad bago mag-10:00 am at matatapos dakong 4:00 pm. Inihayag ni Andanar, ang isusuot ni Duterte na Barong Tagalog na yari sa piña jusi fabric ay idinesenyo ni Boni …

Read More »

PNoy walang departure speech

HINDI magtatalumpati si Pangulong Benigno Aquino III bago bumaba bilang punong ehekutibo bukas, Hunyo 30. Ito ang kinompirma ni Ambassador Marciano Paynor, tumatayong head ng Presidential Inaugural Committee. Sinabi ni Paynor, magkakaroon lamang ng departure honors para kay Pangulong Aquino. Gagamitin pa rin aniya ng Pangulo ang presidential car bago mag-12 ng tanghali. Sasalubungin ni Pangulong Aquino si President-elect Rodrigo …

Read More »

Populasyon kokontrolin ni Duterte (Walang paki sa Simbahan)

ISUSULONG ni incoming President Rodrigo Duterte ang three-child policy upang makontrol ang paglobo ng populasyon. Sa kanyang talumpati sa huling flag-raising ceremony bilang alkalde ng Davao City kahapon, sinabi ni Duterte, muli niyang ipatutupad ang family planning sa kabila nang pagtutol ng Simbahang Katoliko. “I will reinstall the program of family planning. Tatlo tama na ‘yan so social workers must …

Read More »

Mag-resign na kayo! (Ultimatum ni Duterte sa 3 heneral)

 MAY isang linggo pa ang tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa illegal drugs at iba pang illegal na gawain para magpaalam sa serbisyo. Sinabi ni President-elect  Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa oath-taking ceremony ni Sen. Manny Pacquiao kamakalawa sa Saranggani province, kapag hindi kusang nagretiro ang tatlong PNP general ay papangalanan niya sa kanyang speech. …

Read More »

PNoy handa nang umalis sa Palasyo (Nakaimpake na)

NAKA-IMPAKE na at handa nang umalis sa Palasyo si Pangulong Benigno Aquino III, ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. “Ang batid ko ay matagal nang naumpisahan ito at handang-handa na siyang lumisan sa araw ng Huwebes, Hunyo 30, sa susunod na linggo,” ani Coloma. Isang linggo na lang ay papalitan na ni President-elect Rodrigo Duterte si Aquino sa isang …

Read More »

Bitay retribusyon sa krimen — Duterte

ISUSULONG ni President-elect Rodrigo Duterte ang psagbabalik ng parusang kamatayan bilang ganti o ‘retribution’ sa ginawang krimen at hindi para mabawasan ang mga kriminal. Sa kanyang talumpati kahapon sa inagurasyon ng mga halal na opisyal sa Sarangani sa pangunguna ni Sen. Manny Pacquiao, inihayag ni Duterte ang dalawang “school of thoughts” sa isyu nang implementasyon ng bitay. Para sa iba …

Read More »

Private media etsapuwera sa Duterte Inauguration

ETSAPUWERA ang private media sa inagurasyon at oath-taking ni President-elect Rodrigo Duterte sa Hunyo 30. Inamin kahapon ni incoming Press Secretary Martin Andanar, hindi imbitado ang Malacañang Press Corps (MPC) sa inagurasyon ni Duterte sa Rizal Hall sa Palasyo at ang media coverage ay magmumula lang sa live feed ng government-controlled PTV 4 at Radio-TV Malacanang (RTVM). Sinabi ni Andanar, …

Read More »

Nurses’ pay, water tax amnesty bills veto kay PNoy

DALAWANG linggo bago bumababa sa puwesto, ibinasura ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang batas na magtataas sa sahod ng mga nurse o ang Comprehensive Nursing Law, at panukalang batas na nag-aalis ng mga kondisyon para sa pagpapatawad nang mga hindi nabayarang income tax ng local water districts. Aniya sa mensahe sa Kongreso, ang veto sa Senate Bill 2720 at …

Read More »

Canadian pinugutan ng ASG?

HINIHINTAY pa ng Malacañang ang report ng AFP kaugnay sa napabalitang pagpugot ng Abu Sayyaf sa isang Canadian national na hawak nilang bihag. Una rito, hindi natinag ang Malacaòang sa itinakdang deadline ng mga terorista para sa tatlong bihag na dinukot nila sa Samal Island. Dakong 3 p.m. kahapon, nagpaso na ang deadline ng ASG sa gobyerno para ibigay ang …

Read More »

Benepisyo inipit 16 PAO lawyers inasunto si Abad (Itinanggi ng DBM chief)

PINABULAANAN ni Budget Sectetary Florencio Abad ang bintang na iniipit ang benepisyo ng 16 abogado ng Public Attorney’s Office (PAO). Sinabi kahapon ni Abad, hinihintay lang niya ang legal opinion ng Department of Justice (DOJ) dahil may conflict sa interpretasyon ng ilang probisyon ng National Prosecution Service Law na sakop ang kanilang retirement benefits. Ang 16 abogado ay nagsampa ng …

Read More »

Relasyon ni Digong sa media tiniyak na aayusin ni Andanar

GAGAWING tulay ni incoming Communications Secretary Martin Andanar ang dalawang malalapit na kaibigan ni President-elect Rodrigo Duterte para maiparating ang kanyang planong magkaroon nang maayos na relasyon ang Punong Ehekutibo sa Malacañang media. Sa press briefing kahapon sa New Executive Building (NEB) sa Malacañang, sinabi ni Andanar, sisikapin niyang magkaroon nang maayos na relasyon si Duterte sa media makaraan ang …

Read More »

Pabuya vs drug lord tinaasan

ITINAAS ni President-elect Rodrigo Duterte ang ‘bounty’ o pabuya sa sino mang makapapatay ng drug lords, na umabot na ngayon sa P5 milyon. Kinompirma ni Duterte, kapag drug lord ang napatay, makatatanggap ng P5 milyon ang nakapatay rito, P4 milyon mahigit kapag buhay. Sa talumpati ni Duterte sa isinagawang thanksgiving party sa Crocodile Farm sa Davao City nitong Sabado ng …

Read More »

P3-M presyo ng drug lord ‘Dead or Alive’ (Digong mag-aabono)

MAGMUMULA sa sariling bulsa ni President-elect Rodrigo Duterte ang ibibigay niyang P3 milyong reward sa bawat drug lord na mahuhuli ‘dead or alive’ ng mga awtoridad. Sinabi ni Duterte sa kanyang press conference sa Davao City kamakalawa ng gabi, ang pabuyang P3 milyon sa makahuhuli ‘dead or alive’ sa drug lords ay magmumula sa kanyang sariling pera. Aniya, gagamitin niyang …

Read More »

Ex-military rebels itatalaga sa BuCor at Bureau of Customs

IPINAHIWATIG kahapon ni incoming Justice Secretary Vitallano Aguirre, pinag-aaralan ni President-elect Rodrigo Duterte na ilagay bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) si retired B/Gen. Danilo Lim. Sinabi ni Atty. Aguirre, isang matapang na tulad ni President Duterte ang kailangan para patinuin ang BuCor. “We need someone tough like General Lim. Among those recommended to me, to be recommended to the …

Read More »