HINDI magtatalumpati si Pangulong Benigno Aquino III bago bumaba bilang punong ehekutibo bukas, Hunyo 30.
Ito ang kinompirma ni Ambassador Marciano Paynor, tumatayong head ng Presidential Inaugural Committee.
Sinabi ni Paynor, magkakaroon lamang ng departure honors para kay Pangulong Aquino.
Gagamitin pa rin aniya ng Pangulo ang presidential car bago mag-12 ng tanghali.
Sasalubungin ni Pangulong Aquino si President-elect Rodrigo Duterte sa presidential hall ng Malacañang bago ang pormal na panunumpa ng bagong pangulo.
Sinisikap aniya nilang gawing ‘smooth’ at simple lang ang transisyon dahil ito ang gusto ng bagong pangulo, maging ang kanyang panunumpa.
Post navigation