ANIM na buwan na ang nakalilipas mula nang imasaker ng pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang 44 Special Action Force commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Sino ang mag-aakala na aaprubahan ng Ombudsman ang pagsasagawa ng paunang imbestigasyon at administratibong paglilitis laban sa junior officers, at kahit sa ilang nakaligtas sa …
Read More »LRTA party inuna bago ayusin ang problema?
MAS inuna nga ba ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagdaraos ng costume party sa kabila ng mga problema na kinakaharap ng mga pasahero sa kakulangan ng serbisyo? Sa memoramdum ni LRTA Administrator Honorito Chaneco sa mga opisyal at empleyado ay nakasaad na ang kasuotan ng dadalo ay kailangang inspirado ng 1920s. Ang hindi makasusunod ay hindi …
Read More »Pagmilagrohan kaya muli si Veloso?
PAGMILAGROHAN kaya muli ang overseas Filipino worker na si Mary Jane Veloso at hindi matuloy ang pagbitay sa kanya sa Indonesia? Ayon sa Migrante International, nakatakdang mag-anunsiyo ang gobyerno ng Indonesia ng talaan ng mga ihaharap sa firing squad sa Hulyo 17, at malamang ay mapasama si Veloso. Naisalba ang buhay ni Veloso noong Abril sa pakiusap ni President Aquino …
Read More »Driving age
NABASA ko ang tungkol sa isang 74-anyos na lalaki na inatake sa puso habang nagmamaneho sa parking area ng isang mall sa Greenhills, San Juan nitong Agosto 15. Sumalpok ang kanyang kotse sa ilang sasak-yan, lumusot sa pader at diretsong bumulusok mula sa ikatlong palapag. Sa huli, mistulang patusok ang pagkaka-landing nito sa ibabaw ng ilang sasakyang nakaparada sa labas …
Read More »Laban vs prostitusyon dapat ituloy ng NBI at PNP
DALAWANG linggo na ang nakararaan nang salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) National Capital Region ang Miss Universal Disco sa F.B. Harrison Street malapit sa panulukan ng Libertad Street sa Pasay City. Ayon sa sources, nahuli ang club na nag-eempleyo ng dalawang menor de edad na babae. Nakakulong ngayon at hindi papayagang magpiyansa ang isang babae na tumatayong OIC …
Read More »Sisihan, turuan at Charter change
NOONG 2013 ay nasa +53 percent ang satisfaction rating ng Aquino Administration, ayon sa isang pollster. Sa unang bahagi ng taong ito, bumaba ito sa +49 percent at sa hu-ling Social Weather Station survey ay bumulusok pa ito sa +29 percent. Walang dudang ang pagsadsad ng rating ay dahil sa ilang kontrobersiya sa pulitika, gaya ng desisyon ng Korte Suprema …
Read More »Mga bulag, pipi, bingi sa sex-club sa Parañaque City
MINSANG nasabi ng palabiro ko’ng kaibi-gang si Jun na ang awitin ni Freddie Aguilar na “Bulag, Pipi at Bingi” ang madalas na kantahin sa mga videoke at sayawin ng mga “Magdalena” sa mga night club sa Airport Road sa Baclaran, Parañaque. Ang birong ito ay may bahid ng katotoha-nan dahil patama ito sa mga awtoridad na nagmimistulang bulag, pipi at …
Read More »Gross national happiness indicator
SINO’NG nagsabi na tanging ang malalaki o matatanda lang ang kapupulutan ng mahahalagang aral? Minsan, ang pinakasimpleng solusyon ay nanggagaling sa isang bata—isang bagay na masyadong maliit kaya hindi napapansin ng komplikadong utak ng matatanda. Ang batang demokrasya ng Bhutan, isa sa pinakamaliliit na bansa sa mundo na napapagitna sa dalawang higante, ang India at China, ang magtuturo sa atin …
Read More »Mga ‘bagyong’ pa-sakla sa CaMaNaVa (A.O.R. ng PNP-NPD)
KAMAKAILAN lang ay hinagupit ng bagyong ‘Glenda’ and Metro Manila. Binaha ang mga pangunahing kalsada at itinumba ang mga poste kundi man ay pinatid ang mga linya ng kuryente kaya naman nangapa sa dilim ang halos lahat ng nasa Kamaynilaan at ilang probinsiya sa Luzon. Lumayas na ang Glenda pero may ibang klaseng mga “bagyo” ang patuloy na nananalasa sa …
Read More »ISPs, NTC, dapat imbestigahan ng Senado
MAY nabasa akong artikulo sa Internet nitong Sabado. Isinulat ito ni Fr. Shay Cullen, isang Irish Columban missionary priest. Tinalakay sa artikulo (http://www.ucanews.com/news/shining-a-light-on-pedophilia-in-the-philippines/71561) ang pang-aabuso ng mga dayuhang pedophile sa mga batang Pinoy at pinagkakakitaan sa pagbebenta sa Internet ng mga hubad na retrato ng kabataan. Ipinapakita rito ang kapabayaan at korupsiyon sa gobyerno at ang pagsuway sa batas ng …
Read More »Pikit mata; bukas palad sa illegal gambling sa Maynila?
BUMABALIGTAD ang sikmura ko sa isiping lilihis ako ng tatalaka-yin ngayon (mula sa “chopsuey” na pasu-galan sa Maynila patungo sa mga pugad ng tayaan sa Quezon City at CAMANAVA o Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela). Na-realize ko na matapos ko’ng buong sigasig na tipahin ang mga pangalan ng mga sangkot at ilantad ang mga lugar na talamak ang ilegal na …
Read More »Hazing tigilan na!
NAAALALA ko nang minsan akong maimbitahan para maging guest speaker sa selebrasyon ng anibersaryo ng Tau Gamma Phi (TGP) sa Amoranto Stadium sa Quezon City na dinaluhan ng mga fraternity brother, aabot ng ilang libo, mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya. Naaalala ko rin nang imungkahi ko na dapat ikonsidera ng “frat” leaders …
Read More »Mayor Erap at Gen. Asuncion dapat humarap sa salamin
NAKAHIHIYANG isipin na sa kabila ng kaunlaran ng pinakamatandang lungsod sa Metro Manila ay nalulusutan pa rin ang pamahalaang lokal ng pinakamatandang raket sa mismong teritoryo nito. Bagamat dapat magsilbing huwaran ang Maynila, bilang pangunahing lungsod sa bansa, sa mga kalapit na siyudad at munisipalidad, sinabi ng aking mga espiya na isa pa nga ito sa tatlong pangunahing teritoryo ng …
Read More »Nasaan na ang daang matuwid?
DELIKADONG matapilok sa tinatahak nilang daan sina Pangulong Aquino at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad. Kung hindi sila mag-iingat, tuloy-tuloy na bubulusok ang satisfaction ratings ng administrasyon ni PNoy hanggang sa 2016, sa panahong matatapos na ang anim na taon niyang pananatili sa Malacañang. Matindi kasi ang ngitngit ng publiko kasunod ng pagdedeklara ng Supreme Court …
Read More »What DAPak?
SINO ang naniniwala na malaki ang nagawa para sa taong bayan ng DAP, o Disbursement Acceleration Program? Ito ang gustong palabasin ng pamahalaang Aquino, matapos mapahiya nang sabihin ng Korte Suprema na ilegal at unconstitutional ang DAP. The administration says that DAP was a factor in the increase of the country’s gross domestic product, or GDP. Hindi po tayo economist …
Read More »Ang finger-pointing ni Abad
AYAW ko’ng malagay sa sitwasyon ngayon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad. Para siyang isang bata na nahuli sa akto, ‘yung tipong nakadukot pa ang kamay sa cookie jar. Matapos ideklara ng Supreme Court (SC) na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ay nagtututuro na si Abad. Gusto niyang paniwalaan ng publiko na ang programa ay …
Read More »Talamak na paihi at pasingaw sa Region 3 & 4
TINALAKAY noong Huwebes ng kolum na ito ang pagnanakaw ng krudo ng isang asosasyon ng mga sindikato sa mga barko, barge at depot sa Bataan, Pampanga at Cavite. Kung mayroon paihi ng diesel at gasolina, mayroon din tinatawag na pasingaw. Ito naman ang pilferage o pagbabawas ng laman ng mga tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) o gas na pangluto …
Read More »Ang talamak na paihi ng gasolina sa Region-3
ALAM naman nating lahat na isa ang tensiyon sa Middle East, ang rehiyong sagana sa langis, partikular na ang kaguluhan sa Iraq, sa mga dahilan kung bakit kailangan tanggapin nating mga Pinoy ang taas-presyo sa petrolyo. At habang patuloy sa pagtaas ang presyo ng gasolina, bagamat hindi consistent base sa galaw nito sa merkado, tumataas naman ang demand para sa …
Read More »Tony Santos, hari ng jueteng at lotteng
TUWING napapabalita sa media ang tungkol sa mga ilegal na pasugalan sa Metro Manila, karaniwang mababasa ang pagiging talamak ng tinatawag na lotteng, ang kombinasyon ng lotto at jueteng. Maraming nag-aakala na ‘pinatay’ na ng lotteng ang jueteng sa Metro Manila. Pero hindi pa pala. Ayon sa mga espiya, namamayagpag pa rin ang pa-jueteng sa Quezon City na pag-aari ng …
Read More »Talamak na paihi sa Bataan, Pampanga at Navotas City
SERYOSONG problema ang pagnanakaw ng krudo na dapat aksiyonan ng gobyerno. Hindi lang ito isang krimen kundi panganib sa buhay, ari-arian at maging sa kalikasan. Ginagawa nang mabilisan at pabara-bara ng magkakasabwat sa pagnanakaw, maaari itong mauwi sa pagsabog o sa sunog na makamamatay ng tao o makatutupok ng mga gusali, bahay at sasakyan. Sa salitang kalye, tinatawag din itong …
Read More »Vilmanian ba si PNoy?
NANANATILING misteryo kung bakit tinanggal ni Pangulong Aquino, ang huling signatory sa shortlist ng mga personalidad na gagawaran ngayong taon ng titulong “National Artist,” ang award-winning actress at movie icon na si Nora Aunor mula sa listahan. Siguro “Vilmanian” si PNoy, ayon sa mga kritiko. Noong mga huling bahagi ng ‘60s at ‘70s, ang movie fans sa bansa ay nahahati …
Read More »Isang milestone sa PNoy admin (Kalaboso sa mga suspect sa PDAF scam)
ANG pagkakakulong ni Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa PDAF scam ay umani ng magkakaibang reaksiyon mula sa ilang sektor, pero sasang-ayon siguro silang lahat na ang nangyari ay isang milestone para sa lahat ng concern. Isa itong milestone para sa administrasyong Aquino dahil, ayon kay Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De …
Read More »Kuwentuhang condom
NAAALALA ko no’ng minsang napag-usapan namin ang condom habang kumakain kami ng aking mga kaibigang sina Joseph at Rey na hindi umaalis ng bahay nang wala nito, para bang bullet-proof vest ng sundalong sasabak sa giyera. Naalala ko kung paanong nalulungkot sila—parehong sarado-Katoliko—sa pagturing ng Simbahang Katoliko sa artificial birth control bilang pagkamuhi sa mismong buhay. Na para ba’ng ang …
Read More »Illegal black sand mining, tinuldukan ng DENR-MGB Region3
KAPURI-PURI ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Region 3 sa pagtiyak na matitigil na ang mga ilegal na pagmimina ng ilang kompanya sa Zambales. Noong Mayo 22, iniulat ng kolum na ito ang tungkol sa itinakdang inspeksiyon nang linggong iyon ng isang grupo mula sa MGB Region 3 sa mga operasyon …
Read More »Ang prostitusyon ba ay negotiable?
DAHIL tinalakay natin nitong huli ang namamayagpag na kalakalan ng laman sa Angeles City, nagtataka ako kung bakit bukod sa hindi tuloy-tuloy ang pag-aksiyon ng pulisya, ay paulit-ulit na nagbabalik ang mga sex worker at ang kanilang mga bugaw sa kanilang “trading place?” Bagamat dapat na ipaubaya na lang sa simbahan ang pagtalakay sa mga isyu ng moralidad sa usaping …
Read More »