Friday , December 13 2024

Col. Marcelino naninindigan nang walang katibayan

00 firing line robert roqueNANINDIGAN si Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino na isang lehitimong misyon laban sa droga ang kanyang ginagampanan nang hulihin ng mga operatiba ng PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang laboratoryo ng shabu sa Santa Cruz, Maynila noong Enero 2.

Ang presensiya niya sa lugar ay bahagi raw ng case operation plan (COPLAN), bagaman wala siyang maipakitang dokumento na magpapatunay nito.

Kaya nagulat ang mga taga-AIDG nang sa kanyang affidavit ay biglang sisihin ni Marcelino si PDEA Director-General Arturo Cacdac Jr., na nagpaaresto umano sa kanya. Nagagalit daw si Cacdac dahil sa patuloy na pagkakasangkot ni Marcelino sa anti-drug campaign ng gobyerno.

Si Marcelino ay dating hepe ng Special Enforcement Service (SES) ng PDEA, kaya iginagalang pa rin siya ng ilang miyembro ng naturang ahensiya. Pero ang paggalang na ito ay maaaring mauwi sa pagkamuhi nang dahil sa kanyang paninisi at pagbibintang ng kung ano-ano sa PDEA.

Ayon sa isang opisyal, ang iba ay nasasaktan dahil ang ahensiya na kanilang kinabibilangan, na pinagbuwisan ng buhay ng iba upang mailayo ang salot na droga sa ating pamayanan, ay sinisira ni Marcelino para mailabas lang ang sarili sa gusot niyang napasukan.

Kung nais ni Marcelino na malusutan ang kaso ay may ilang bagay siyang dapat gawin, na simple lang para sa isang opisyal na tunay na tumutupad ng misyon na tulad ng kanyang iginigiit.

Linawin niya kung ano ang kanyang awtoridad para mag-operate laban sa bawal na droga. Ang unit ba na kanyang kinabibilangan ay awtorisado ng batas o ng PDEA para magsagawa ng operasyon laban sa ilegal na droga?

May COPLAN ba ang naturang operasyon at nabigyan ba ang PDEA ng kopya nito? May koordinasyon ba ang operasyong ito at may “pre-operation report” o “PREOPS” na kinakailangan sa batas at ng PDEA?

Bilang dating opisyal ng PDEA ay batid ni Marcelino ang ibig sabihin at kahalagahan ng COPLAN at PREOPS. Tiyak din na alam niya kung ano ang implikasyon para sa isang operatiba kung siya ay mahuhuling wala nito.

Kung magagawa ni Marcelino ang mga bagay na ito ay maaaring matanggap ng mga awtoridad kung bakit siya naroon sa laboratoryo ng shabu.

Pero walang mangyayari kung patuloy lang niyang ipipilit na nasa opisyal na misyon siya pero wala namang maipakitang katibayan, maliban sa puro salita.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *