Congrats Acting SoJ Emmanuel Caparas!

Emmanuel CaparasMATAPOS ang panandaliang pamamalagi sa Department of Justice, tuluyan nang ni-lisan ni Secretary Alfred Benjamin Caguioa ang nasabing departamento upang lumipat sa Supreme Court bilang bagong talagang Associate Justice ni Pnoy.

Sa kanyang paglipat sa kanyang bagong posisyon, sabay din itinalaga bilang kanyang kapalit si dating Usec and now Acting DOJ Secretary Emmanuel L. Caparas na personal na ini-endoso ni Caguioa para pumalit sa kanya.

Si Sec. Emmanuel L. Caparas ay nagtapos ng AB Economics at Bachelor of Laws (LLB) sa University of the Philippines Diliman noong 1985.

Nag-umpisa siya bilang research attorney noong 1986 sa Philippine Constitutional Commission at nag-private practice rin sa Sycip, Salazar Hernandez & Gatmaitan Law Office.

Matapos maging Head ng Management Information Systems sa Supreme Court si SOJ Caparas, siya ay na-appoint din bilang Chief ng Regulatory Office ng MWSS bago isinama sa DOJ ni former SOJ Caguioa.

Kilalang malapit ang loob sa kanyang mga empleyado, expected na magiging maganda ang takbo ng DOJ pati na ng mga nasasakupang mga ahensiya gaya ng NBI, BI at BuCor.

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com