Wednesday , April 24 2024

LTFRB, makapili!

00 aksyon almarPATULOY na pinapalagan ng nakararaming operator at drayber ng mga pampasaherong jeep ang napipintong plano (talagang itutuluyan na) ng gobyerno sa pamamagitan ng ahensiyang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang phase-out ng mga jeepney na 15-taon (pataas) nang pumapasada sa kalye.

Kamakalawa, muling nagmartsa at nagkilos- protesta ang grupo para kontrahin ang plano. Masasabi raw kasing isa itong anti-poor movement ng gobyernong Aquino. Nagtaka pa kayo, e anak mayaman ang pangulo natin habang ang kanyang kandidato at nais na pumalit sa kanya e na si Mar Roxas ay ipinanganak rin na may gintong kutsara sa bibig. 

Isa sa dahilan ng phase-out ay bilang solusyon umano sa problema sa trapiko sa Metro Manila. Bukod nga sa karamihan sa mga lumang sasakyan ay nagdudulot na ng polusyon sa ere.

Sa tingin kaya ng gobyerno natin, kapag tuluyan nang maipatupad ang kanilang plano ay magiging maayos na ang daloy ng mga sasakyan sa lahat ng lansangan sa Metro Manila? 

Duda ako riyan dahil batay sa datos, ang nakikitang problema o mas maraming sasakyang bumabara sa mga lansangan ay pawang private vehicles. Nagsulputan ang maraming bagong sasakyan (pribado) at maging mga luma rin.  

Kung ikokompara, mas doble ang bilang ng pribadong sasakyan kaysa mga pampasaherong jeep – luma man o bago. Kaya, hindi lang ang jeep ang dapat na pag-initan.

Maganda ang plano ng gobyerno laban sa matatandang jeep at balita’y tutulungan naman ng gobyerno ang mga mawawalan ng jeep bilang kapalit ng kanilang sasakyan. Pauutangin umano sila para makabili ng bagong sasakyang pampasada. 

Lamang, hindi naman yata pera ang ipauutang kundi ire-refer lang sila sa mga pribadong kompanya. Tutulungan lang naman mangutang. Wala rin!

Ngunit, hindi ba mas maganda sana kung walang papaboran ang LTFRB sa kanilang hakbangin laban sa mga matatandang jeep?

Kung talagang seryoso ang LTFRB laban sa matatandang sasakyan, ang dapat, hindi lang mga jeep ang pag-initan kundi maging private vehicles. Mas nakasasagabal ang bilang ng private vehicles sa mga lansangan. Doble (luma at bago) kasi ang bilang nito sa mga pampasaherong jeep.

Sa hakbangin ng LTFRB, dapat isama na nila ang mga private vehicles na edad 15-anyos pataas at ipagbawal na rin itong ibenta para gamitin sa probinsiya o labas ng Metro Manila. Kumbaga, gawing nationwide na ang nasabing hakbangin.

Hindi lang mga kotse at SUV na private vehicles ang isama rito kundi dapat ipatupad din sa mga lumang delivery truck. Isama rin ang sinasabing Japan vehicles (surplus o converted). Dapat ang mga tumatakbong converted (trucks at van) ay tuluyan na rin i-ban.  

Hanggang ngayon may nakapupuslit pa rin mga sasakyan galing ibang labas – Japan surplus. Kotse, van at truck. Dapat tuluyan nang ipagbawal ang pagpapapasok nito sa mga pantalan sa ilalim ng BOC.

Kaya sa planong phase-out, dapat isama na’ng lahat ng klase ng sasakyan – private at public vehicles.

About Almar Danguilan

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *