Cash gift ni Erap sa senior citizens, ‘kinupit’ ng DSWD-Moriones!?

ERAP Senior CitizensDESMAYADO ang Senior Citizens na tumanggap ng cash gifts sa tanggapan ng  DSWD–Moriones nang kupitan umano ang perang laman ng sobre nitong nakaraang linggo sa Tondo, Maynila.

Lahat kasi ng senior citizens sa Maynila na may kaarawan ng December hanggang Enero ng taon kasalukuyan ang binibigyan ng halagang P500 ng Alkalde ng Maynila bilang cash gifts.

Kaya noong Biyernes (29 Jan 2016) ng umaga ay nagtungo ang mga senior citizen sa tanggapan ng DSWD-Moriones Tondo, Maynila para tanggapin ang  nasabing cash gift mula kay Mayor Erap.

Pero laking desmaya ng mga senior citizen nang pagdating nila sa  kanilang tahanan at  buksan ang laman ng nasabing sobre ay P300 lang ang laman ng sobre.

Anyare!?

Saan napunta ang P200 (dalawang daan piso)!?

May barbero ba riyan sa DSWD-Moriones at mukhang nagupit ang 200 piso!?

Maliwanag na may tauhan sa DSWD-Moriones ang kumupit sa halagang P200 gayong kaharap pa sila nang sinabi ng Alkalde na sila’y tatanggap ng halagang P500 bilang pa-birthday cash gift n’ya sa Maynila!

Yorme Erap, mukhang may tumatarantado sa inyo riyan sa DSWD-Moriones!

Bigyan nga n’yo ng ‘jab’ sa sikmura ang lokong ‘yan!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com