Wednesday , April 17 2024

Todo kampanya  kahit hindi pa panahon

PANGILIn my defense, I didn’t know I was being reviewed. I thought I was getting some PR advice to help my career.

 — Comedian Ed Byne, on being called ‘underwhelming’

PASAKALYE: LOVE month na! Panahon ng lambingan at pagmamahalan. Sana’y limutin na sa buwang ito ang alitan at ihalili ang pagpapairal ng pag-ibig sa lahat—sa ating mga magulang at pamilya, sa mga mahal sa buhay at sa ating kapwa.

TODO na ang kampanyahan kahit hindi pa opisyal na campaign period. Sana naman kumilos ang Commission on Elections sa pamumuno ni Señor ANDY BAUTISTA para ilagay ito sa tama.

Marami sanang magagawa ang COMELEC kung nais lang nilang maglingkod nang tunay para sa bayan. Kaso pera-pera lang.

Malaki ang pagkukulang

SA obserbasyon, may malaking pagkukulang ang dating Commander na si GETULIO NAPEÑAS ng PNP Special Action Force. Sa plano pa lang hindi na isinali ang AFP. Akala nila basta-basta na lang malulusutan ang pag-atake sa kinarorounan ni Marwan. Hindi ba nila alam ang history ng Muslim? Na kampi-kampihan sila kapag ang isa sa kanilang kapwa ay naagrabiyado?  Bago kasi gumawa ng OPLAN, alamin muna ang kultura ng isang bayan, ang pag-uugali ng komunidad at ang lugar na nasasakupan. Iyan ang hindi nila nakita. Tama si Major General ANGELO DE LEON na hindi basta-basta magpapaputok ng artillery. Dapat alam ang saktong kinaroroonan ng friendly forces, ng kalaban at mga sibilyan sa paligid. Hindi ba ito itinuro sa mga pulis sa kanilang schoolings at trainings? Huli na nang maipadala sa text messages (bakit text message, bakit hindi nagtawagan?) ang mga hinihinging data. Patay na ang mga commando. 

Sa ipinakitang larawan, maaaring masaya sila dahil naputol na ang daliri ni Marwan bilang katibayan na kanya nga ang daliri at siya mismo ang napatay. 

Ngunit hindi pa nila alam na ubos ang mga commando na umatake sa lugar ni MARWAN. 

Napakaagang kaligayahan pero sa dulo pala roon ay may napipintong  matinding kapighatian.

Tama ang AFP napaka-incompetent ni G. NAPEÑAS.  

Kulang na kulang ang kanyang training sa Art of War.  

Kumbaga sa ulam maraming kulang na rekado.  Kaya hindi malasahan ang sarap ng menudo. — Elizabeth   A.  Cantor, Pasig Green Park Village, Pasig City

Abusadong bus driver at conductor

TO LTFRB, from concerned citizen. FYI sir, manghuli naman po kayo, madami(ng) abusado(ng) bus driver at conductor na napakamahal maningil (ng) pasahe, kahit na bumaba na ang pasahe, kahit makikita kayo sa lansangan nanghuhuli, huwag puro income ang inaatupaf!, salamat po. — Anonymous (09094829486, Enero 31, 2016)

Drug lord ayaw kay DUTERTE

GOOD morning po. Isa po ako(ng) tagasubaybay sa inyong column. Alam n’yo na ang hindi boboto kay DUTERTE (ay mga) drug lord lang at may ginagawang masama. Ako nga pala si BORROMEO ng Maynila. — Borromeo (09184540…, Enero 14, 2016)

Pekeng pari gumagala sa Rizal

GOOD day po. Sa lahat ng public: Huwag po magpaloko, magpabiktima sa isang peke-impostor na pari-parian na si Mr. ELJONE JON O. LUMBO na gumagala po dito sa province ng Rizal at karatig bayan para makapanoloko po? Sana hulihin na po ito?— Anonymous (09075988995, Enero 29, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *