Stars Reignited tickets sold out na
MA at PA
ni Rommel Placente
MAGKAKAROON ng concert ang mga champion at produkto ng Metropop Star Search, na isang singing competition noon ng GMA 7 na sina Miles Poblete, Camille Valasco, Roxanne Barcelo, Xaxa Manalo, Anna Katarina Lara, Champagne Morales, at Faith Cuneta, ang Stars Reignited. Ito ay gaganapin sa September 5, 7:00 p.m. sa Teatrino Promenade Greenhills.
Mula ito sa EV Productions, at ang musical director ay si Elmer Blancaflor at si Vivian Blancaflor naman ang director.
May special participation sa concert ang tinaguriang Karen Carpenter of the Phlippines na si Cye Soriano.
During the media conference, tinanong namin sila kung sino sa mga kapwa nila local singers ang hinahangaan o nagagalingan sila.
‘Yung iba, ang sinagot ay may halong international singer pa.
Sagot ni Miles, sina Lani Misalucha, Vernie Varga, KZ Tandingan, at Sarah Geronimo.
Si Regine Velasquez naman ang hinahangaan ni Faith.
Lea Salonga, Cindy Lauper, at Mariah Carrey naman ang sagot ni Champagne.
Gaya ni Faith, si Regine din ang paboritong local singer ni Ana Katarina.
Hanga naman si Xaxa kay Britney Spears dahil sa pagiging total performer nito. Mahusay daw kasi itong kumanta at sumayaw.
Si Lea at si Gary Valenciano naman ang hinangaan ni Camille.
At si Cye, ang paborito niyang singers aysina Lea at Regine. Kasama rin dito sina Miles, Faith, at Martin Nieverra.
Pinasagot din namin si Direk Vivian, at ayon sa kanya, si Sarah ang hinahangaan niyang singer.
Sa tanong kay Faith kung may isang kanta siya na gustong i-revive, ang sagot niya ay ang Paubaya ni Moira dela Torre.
Nag-sample pa siya ng kanta at ang ganda ng version niya, huh!
Anyways, almost sold out na ang tickets sa concert. Kaya buy na kayo. Tiyak mag-i-enjoy kayo sa concert, ‘di ba, John Fontanilla?