Friday , January 28 2022

Duda sa bilangang VP

MAY mga nagdududa sa resulta ng isinagawang bilangan ng boto para sa vice president ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Hindi rin sila masisisi dahil sa loob nang ilang buwan hanggang sa election day ay totoong nanguna si Senator Bongbong Marcos sa mga survey sa mga tumatakbo para sa pangalawang pangulo.

Kinagabihan sa mismong araw ng halalan ay lamang pa siya ng isang milyong boto sa pinakamalapit niyang karibal na si Representative Leni Robredo.

Natulog lang ang mga mamamayan at kinabukasan, laking gulat nila nang malaman na lamang na pala si Robredo kay Marcos.

Para sa marami ay hindi ito madaling tanggapin, lalo na sa mga tagasuporta ni Marcos, dahil nalagpasan si Bongbong ng katunggali na madalas pang-apat sa mga vice presidential survey. Ang duda ng iba ay nagkaroon ng ‘milagro.’

Maging si Marcos ay hindi makapaniwala na nalamangan siya ni Robredo. Kinondena ng kanyang mga tagasuporta sa social media ang ginawang bilangan.

Noong Mayo 11 ay inakusahan ni Senator Miriam Defensor-Santiago, running mate ni Bongbong, ang administrasyon ni President Noynoy Aquino na ito ang nasa likod nang biglaang pagtaas ng bilang ng mga boto ni Robredo.

Sa gabi ng araw ng halalan ay may dumating na kinatawan ng Smartmatic sa lugar ng bilangan ng PPCRV para magpasok ng bagong script sa transparency server.

May kaunting mali raw sa “ñ” at “?” sa pangalan ni Senator Serge Osmeña na kailangang ayusin ngunit hindi naapektohan ang mga boto.

Pero ang naturang pagpapalit ng script ay wala umanong pahintulot mula sa Commission on Elections (Comelec). Ang automated election ay pag-aari ng Comelec kaya kapalpakan ang ginawa ng Smartmatic na pagpapalit ng kahit anong bagay nang walang permiso mula sa kanila.

Alalahanin sana nila na maraming mata ang nakatutok sa isinagawang bilangan at anumang hindi inaasahang pangyayari ay puwedeng pag-ugatan ng pagdududa, lalo na’t dikitan ang laban.

May nagsabing bumaba ang lamang ni Marcos sa tuwing magkakaroon ng update nang 26 ulit mula nang ipasok ang bagong script sa transparency server.

Ayon naman sa iba sa social media ay may pagkakataon na ang mga boto ni Bongbong ay naipagpalit sa boto ni Robredo kaya lumamang ito. Ang totoong nanalo raw ay si Marcos.

Ang lumalabas pa lang naman ay unofficial result ng PPCRV at kung may mali sa bilangan ay maiwawasto pa ito kung magkakabilangan muli. Pasasaan ba at lalabas din ang katotohanan, kung patuloy natin tututukan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umentohan ang mga nurses

FIRING LINENI ROBERT ROQUE, JR. SAKALI mang hindi pa maliwanag, bibigyang-diin ng kolum na ito …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Doc Helen Tan, tunay na lingkod bayan

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI na nakapagtataka kung bakit labs na labs ng mamamayan ng …

Dragon Lady Amor Virata

Barangay chairmen na ‘di-bakunado,  mag-resign!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAY KILALA akong kapitan ng barangay na ‘di- bakunado. …

Sipat Mat Vicencio

Maling ‘giba’ kay Bongbong

SIPATni Mat Vicencio SA HALIP MAGALIT, tiyak na tuwang-tuwa ngayon si dating Senador Bongbong Marcos …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Payo kay Kap: ‘Wag masyadong hapit, baka ka sumabit!

PROMDIni Fernan Angeles HINDI pa man nalulusutan ang kanyang problema sa Commission on Audit (COA) …

Leave a Reply