Thursday , December 8 2022

Duda sa bilangang VP

MAY mga nagdududa sa resulta ng isinagawang bilangan ng boto para sa vice president ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Hindi rin sila masisisi dahil sa loob nang ilang buwan hanggang sa election day ay totoong nanguna si Senator Bongbong Marcos sa mga survey sa mga tumatakbo para sa pangalawang pangulo.

Kinagabihan sa mismong araw ng halalan ay lamang pa siya ng isang milyong boto sa pinakamalapit niyang karibal na si Representative Leni Robredo.

Natulog lang ang mga mamamayan at kinabukasan, laking gulat nila nang malaman na lamang na pala si Robredo kay Marcos.

Para sa marami ay hindi ito madaling tanggapin, lalo na sa mga tagasuporta ni Marcos, dahil nalagpasan si Bongbong ng katunggali na madalas pang-apat sa mga vice presidential survey. Ang duda ng iba ay nagkaroon ng ‘milagro.’

Maging si Marcos ay hindi makapaniwala na nalamangan siya ni Robredo. Kinondena ng kanyang mga tagasuporta sa social media ang ginawang bilangan.

Noong Mayo 11 ay inakusahan ni Senator Miriam Defensor-Santiago, running mate ni Bongbong, ang administrasyon ni President Noynoy Aquino na ito ang nasa likod nang biglaang pagtaas ng bilang ng mga boto ni Robredo.

Sa gabi ng araw ng halalan ay may dumating na kinatawan ng Smartmatic sa lugar ng bilangan ng PPCRV para magpasok ng bagong script sa transparency server.

May kaunting mali raw sa “ñ” at “?” sa pangalan ni Senator Serge Osmeña na kailangang ayusin ngunit hindi naapektohan ang mga boto.

Pero ang naturang pagpapalit ng script ay wala umanong pahintulot mula sa Commission on Elections (Comelec). Ang automated election ay pag-aari ng Comelec kaya kapalpakan ang ginawa ng Smartmatic na pagpapalit ng kahit anong bagay nang walang permiso mula sa kanila.

Alalahanin sana nila na maraming mata ang nakatutok sa isinagawang bilangan at anumang hindi inaasahang pangyayari ay puwedeng pag-ugatan ng pagdududa, lalo na’t dikitan ang laban.

May nagsabing bumaba ang lamang ni Marcos sa tuwing magkakaroon ng update nang 26 ulit mula nang ipasok ang bagong script sa transparency server.

Ayon naman sa iba sa social media ay may pagkakataon na ang mga boto ni Bongbong ay naipagpalit sa boto ni Robredo kaya lumamang ito. Ang totoong nanalo raw ay si Marcos.

Ang lumalabas pa lang naman ay unofficial result ng PPCRV at kung may mali sa bilangan ay maiwawasto pa ito kung magkakabilangan muli. Pasasaan ba at lalabas din ang katotohanan, kung patuloy natin tututukan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Rabies, isda, at bakuna

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LABINLIMANG TAON na ang nakalipas nang, sa bisa ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang …

Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee sa Maynila sa 2025

SIPATni Mat Vicencio MALAMANG na magbago ang mukha ng politika sa Maynila kung tuluyang hindi …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

Leave a Reply