Friday , September 5 2025

Niño Aclan

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito ang tahasang sinabi ni Atty. Anel Diaz, 1st nominee ng partylist, sa pananatiling pasok sila sa survey pero noong simula ay wala sila sa winning circle. Ayon kay Diaz, lubha silang nagpapasalamat sa grupo dahil nakikita ng tao ang kanilang pagsisikap at nauunawaan ng taong …

Read More »

Swak sa Article 7
SARA ‘SIRA’ — KAPUNAN

Sara Duterte Lorna Kapunan

NANINIWALA si Atty. Lorna Kapunan, seguradong mako-convict si Vice President Sara Duterte sa isinampang impeachment complaint laban sa kanya dahil sa pagiging ‘lutang’ sa kanyang mga sinasabi at ginagawi. Ayon kay Kapunan, malabong malusutan ni VP Sara ang nakapaloob sa Article 7 ng impeachment complaint — “The totality of respondent’s conduct as Vice President…” — na aniya’y mistulang laging lutang …

Read More »

3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig

3-araw Graffiti Mural Arts Festival tagumpay sa Taguig

MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) sa loob ng tatlong araw sa TLC Park C6 na nagpakita ng pinakamalaking pagdaraos ng ‘graffiti mural arts festival’ sa layuning mapaunlad ang ugnayan ng mga alagad ng sining sa buong mundo. Malugod na binati nina Mayor Lani Cayetano at kabiyak na si Senator Alan …

Read More »

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

Bong Revilla

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., kung bakit nananatiling matibay na baluwarte niya ang Mindanao habang nilibot niya ang ilang lalawigan sa iba’t ibang rehiyon nitong 28-29 Abril. Sa kanyang pagbisita sa Lanao del Norte, Sarangani, Bukidnon, at Davao del Sur, sinalubong si Revilla ng …

Read More »

“Labor Commission” isinusulong sa senado

Senate Senado

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission na magsasama-sama sa kongreso, ehekutibo, at labor stakeholders para isulong ang pangmatagalang reporma upang mapabuti ang buhay ng mga manggagawang Filipino. Sa panayam ng mga mamamahayag sa Senado kahapon, 30 abril 2025, binigyang diin ni Cayetano ang pangangailangan ng mas malawak at koordinadong tugon sa …

Read More »

P1-M pabuya alok ng ABP Partylist laban sa gunman, utak sa pagpaslang kay Bacud

Leninsky Bacud ABP Partylist

NAG-ALOK ng halagang P1 milyon ang Ang Bumbero ng PIlipinas (ABP) Partylist sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa utak ng pagpatay kay Chairman Lenin Bacud, 3rd nominee ng partido. Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Ejercito Goitia himihingi sila ng katarungan sa sinapit ng kanilang kasama na siyang tunay na founder ng partido at tunay na isang bombero. Hindi …

Read More »

Kapag hindi nakalusot sa Comelec
Deskalipikasyon vs Sandoval posible

Malabon City

NANGANGANIB na madeskalipika o malagay sa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie Sandoval  kung mabibigong malusutan ang inilabas na show cause order ng Commission on Elections (Comelec) matapos mapabiliang ang kanyang pangalan sa inilabas na listahan ng mga dapat magpaliwanag kaugnay ng vote buying. Batay sa inilabas na dokumento ng Comelec, si Sandoval ay inakusahan ng vote …

Read More »

Anak ng Mahirap at Batang Maynila
Manny Pacquiao at Isko Moreno nagsanib-puwersa sa kampanya

Isko Moreno Manny Pacquiao

BASECO, MAYNILA — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang “Anak ng Mahirap” at si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang “Batang Maynila” sa kampanya sa Baseco at Sta. Ana, Maynila. Ipinahayag ni Moreno, tumakbo bilang pangulo noong 2022, ang kanyang buong suporta sa pagbabalik ni Pacquiao sa Senado. Ito na ang ikalawang pagkakataon na isang …

Read More »

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

Neri Colmenares

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong impeachment complaint na isinampa laban sa ikalawang mataas na opisyal ng bansa. Inihayag ni Colmenares sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, malate, Maynila, malakas ang kasong isinampa at inihain nila laban sa bise presidente kung …

Read More »

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

Alan Peter Cayetano

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Taguig na yakapin ang kanilang papel bilang mga ahente ng pagbabago sa kanilang mga komunidad, hindi lamang mga tagapagpatupad ng proyekto. Binigyang-diin ng senador, ang tunay na pagbabago ay nangangailangan ng higit pa sa mga patakaran, gantimpala, o parusa. “Bilang mga chairperson ng SK, …

Read More »

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

PRC LET

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Professional Regulation Commission (PRC), na itinatakda sa Setyembre ngayong taon ang pagpapatupad ng mga specialized licensure examinations batay sa mga teacher education programs. Para kay Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang matiyak na sinasalamin ng proseso ng licensure ang …

Read More »

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

Chiz Escudero Imee Marcos

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang contempt order laban kay Special Envoy on Transnational Crimes Ambassador Markus Lacanilao.                Hindi lang desmayado kundi mapanganib, ayon sa Senadora, ang pagpapabayang makalaya si Lacanilao. Nauna rito, si Lacanilao ay pinatawan ng cited for contempt sa ginaganap …

Read More »

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

Vince Dizon DOTr

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas na paglalakbay ngayong panahon ng Semana Santa. Sa isang pulong balitaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, sinabi ni Dizon na nagtutulong-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang matugunan ang tumataas na demand ng pasahero sa mga paliparan sa bansa ngayong holiday …

Read More »

Bangkay ng scavenger natagpuan sa hukay ng DPWH sa Pasay City

Dead body, feet

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa isang hukay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bahagi ng flood control project sa kanto ng Andrews Avenue at Domestic Road sa Pasay City kamakalawa. Positibong kinilala ang biktima na si Dante Alvarez y Villamor, 50 anyos, kilalang scavenger ngunit walang permanenteng address. Batay sa inisyal na impormasyon, habang …

Read More »

Sa P28-M drug bust sa Parañaque
Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

Sa P28-M drug bust sa Parañaque Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

NAPATAY ang sinabing high value drug suspect sa pakikipag-enkuwentro sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ngunit apat na tauhan ng ahensiya ang sugatan sa buybust operation  na inilunsad sa Goodwill 3 Village, Brgy. San Antonio, Parañaque City Miyerkoles ng gabi, 9 Abril. Batay sa ulat, dakong 5:30 ng hapon, 9 Abril, ikinasa ng Operating Unit ng PDEA …

Read More »

Sa bentahan ng kanilang propriedad
Pasay mayoral candidate, 1 pang kandidato hinahabol ng BIR

BIR Estate Tax Amilyar

HINAHABOL ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sina Pasay mayoral candidate, councilor Editha Manguerra at kandidatong konsehal Yok Tin Tan So, na sinabing nabigong magbayad ng tamang buwis sa naganap na bentahan ng isa sa mga propriedad sa ilalim ng kanilang real estate company. Batay sa dokumentong nakuha, nagpadala ng  liham (notice to reply) ang BIR Region No. 88 – …

Read More »

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

Cebu

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan ng Cebu at sa buong bansa. Sa kanyang motorcade nitong Huwebes, dumaan at ininspeksiyon ng Senador ang restoration project sa  Nuestra Señora del Pilar complex na pinondohan ng P110 milyon ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na pinamumunuan ni COO Mark Lapid, katuwang …

Read More »

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

Chiz Escudero Imee Marcos

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign relations na pinamumunuan ni Senador Imee Marcos ukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) at kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands. Ang pagtatanggol ni Escudero ay mayroong kaugnayan sa mga petisyong isinampa …

Read More »

2 araw na Music Festival ng Taguig matagumpay

MATAGUMPAY ang idinaos na dalawang araw na Taguig Music Festival 2025 ng lungsod sa ilalim ng administrasyon ni re-electionist Mayor Lani Cayetano. Hindi magkamayaw ang mga dumalo at nanood sa ikalawang araw ng Music Festival na ginanap sa TLC park dahil hindi lamang napuno ang TLC park ng mga manonood, pati sa labas ng parke o kalye ay punong-puno rin. …

Read More »

Bagong Henerasyon Partylist ‘pasok’ sa “winning circle”

Bagong Henerasyon Partylist Bernadette Herrera

LUBOS na ikinagalak ng Bagong Henerasyon (BH) Partylist, sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera, ang pinakahuling Pulse Asia survey result na ipinapakitang malakas ang suportang nakuha nito ilang buwan bago ang midterm elections sa Mayo. Sa 0.85% voter preference, malaki ang tsansa ng BH na mapanatili ang silya sa Kongreso upang maipagpatuloy ang adbokasiya para sa mga …

Read More »

Carlo Aguilar, isusulong edukasyon at kapakanan ng mga guro sa Las Piñas 

Carlo Aguilar, isusulong edukasyon at kapakanan ng mga guro sa Las Piñas

LAS PIÑAS – Nangako si mayoral candidate Carlo Aguilar na ipatutupad niya ang matapang at tiyak na mga reporma upang baguhin at paunlarin ang sistema ng edukasyon sa lungsod kung siya ay mahahalal sa darating na 12 Mayo. Binigyang-diin niya na dapat magkaroon ng de-kalidad na edukasyon at sapat na oportunidad ang bawat kabataang Las Piñero upang magtagumpay sa buhay. …

Read More »

Programa hindi pamomolitika — Calixto

Emi Calixto-Rubiano

NANAWAGAN si re-electionist Mayor Emi Calixto-Rubiano sa lahat na dapat ay programa at hindi pamomolitika ang inihahayag ng mga kandidato sa panahon ng pangangampanya. Ang panawagang ito ni Calixto ay ukol sa pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya. Iginiit ni Calixto, “mahalagang malaman ng tao kung ano ang ginawa sa nakalipas, ano ang ginagawa mo sa kasalukuyan at ano …

Read More »

Taguig’s annual music festival tagumpay sa pagdiriwang ng 438th founding anniv

Lani Cayetano Taguig’s annual music festival tagumpay sa pagdiriwang ng 438th founding anniv

DUMALO ang mahigit 15,000 indibiduwal, mayorya rito ay mga kabataan sa unang araw ng taunang Taguig Music Festival na ginanap sa Arca South ground ng lungsod. Ang Taguig Music Festival ay bahagi ng pagdiriwang ng 438th founding anniversary ng lungsod. Kabilang sa nagpakitang gilas sa unang araw ng festival ay ang banda at grupong  Mayonnaise, Dionela, Armi Millare, Any Name’s …

Read More »

Mga magulang kapwa Chinese national
Tumatakbong konsehal sa Pasay City nanganganib madiskalipika — Atty. Alvin Tugas

Pasay Comelec Atty Alvin Tugas

TAHASANG sinabi ni Pasay City District 2 Election Officer IV Atty. Alvin Tugas na malaki ang posibilidad na makansela ang kandidatura ng isang tumatakbong konsehal sa lungsod. Ito ay kapag napatunayan ang kumakalat na balita na mayroong isang kandidato para konsehal ng lungsod na ang mga magulang ay kapwa Chinese national. Sa kabila ng mga kumakalat na sitsit ay binigyang-linaw …

Read More »