IMINUNGKAHI ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na i-overhaul ang panukalang P5.024 trilyong budget sa 2022 upang matugunan ang mga karagdagang hamon dulot ng CoVid-19 Delta variant pati ang mahalagang pangangailangan ng mga Filipino. Ito ang payo ni Pangilinan sa economic managers ng gobyerno sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) ukol sa 2022 national budget. Ayon kay Pangilinan, ilang …
Read More »Imbestigasyon sa ‘illegal drug links’ ni Michael Yang giit ni De Lima
MATAPOS masangkot ang pangalan ni Michael Yang sa kontrobersiyal na pagbili ng pamahalaan ng facemasks, face shields, personal protection equipment (PPE), at test kits, muling isinusulong ni Senadora Leila de Lima ang pagsasagawa ng imbestigayon sa dating Presidential adviser sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga. Ayon kay De Lima, ngayong panibagong kontrobersiya ang kinasasangkutan ni Yang, marapat na hubarin …
Read More »P2-B hindi idineklara ng Pharmally sa ITR
HALOS P2 bilyon ang nabigong ideklara ng Pharmaly Pharmaceutical Corporation sa kanilang income tax report (ITR). Ito ang nabunyag sa pagtatanong ni Senador Imee Marco, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na pondong ipinambili ng face shields, facemasks at iba pang personal protection equipment (PPE). Batay sa dokumentong isinumite ng Pharmally sa Senado, lumalabas …
Read More »Lacson-Sotto sa 2022 virtual na inilunsad
SA PAMAMAGITAN ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon, ‘virtual’ na inilunsad ng tambalang Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kanilang kandidatura para sa 2022 national elections, may temang “Ito ang Simula.” Tatakbong presidente si Lacson, at bise-presidente si Sotto para umano sa pagbabago, hindi lamang sa sistema ng pamahalaan kundi sa kabuhayan ng bawat mamamayang …
Read More »Hit & run POGOs ‘pangalanan’
HINIKAYAT ni Senador Joel Villanueva ang Commission of Audit (COA) at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isapubliko at pangalanan ang 15 Philippine offshore gaming operators (POGOs) na may utang sa pamahalaan na umabot sa P1.36 bilyon. Ayon kay Villanueva hindi dapat pabayaan ang pananagutang ng mga POGO lalo na’t malaking kapakinabangan ito sa pamahalaan kapag nakolekta. “PAGCOR …
Read More »P1.36-B utang ng POGOs habulin, gamiting ayuda sa pamilyang Filipino
MAAARING gamiting ayuda sa mahihirap na pamilya o pambayad sa benepisyo ng healthcare workers ang P1.36 bilyong utang ng 15 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa gobyerno, ayon kay Senador Kiko Pangilinan. Iginiit ni Pangilinan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na gawin ang lahat para masingil ang mga POGO na may obligasyon pa sa gobyerno. “Hindi ito …
Read More »Senaryong kawalan ng herd immunity, paghandaan — Marcos
NAGBABALA at pinaghahanda ni Senador Imee Marcos ang Filipinas sa mas matinding senaryo na hindi na makakamit ang target na herd immunity. “Mananatiling teorya ang herd immunity na ‘moving target’ sa ngayon. Nitong nagdaang taon, target natin ang nasa 70% ng populasyon, ngayon 90% na, pero bukas maaaring lampas na sa kakayahan natin,” babala ni Marcos. “Sa harap ng mataas …
Read More »Sen. Kiko ‘galit’ sa taas presyo ng DTI
MARIING binatikos ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang desisyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na payagan ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin. Bukod sa hindi napapanahon, tinawag ito ng Senador na dagdag-pasakit sa pamilyang Filipino na halos lugmok na sa epekto ng pandemya dahil walang hanapbuhay o makain sa araw-araw. “Sa halip na pagaanin ang …
Read More »Sen. Lapid positibo Sa CoVid-18
NAGPOSITIBO sa CoVid-19 si Senador Manuel “Lito” Lapid. Kinompirma ito ng kanyang Chief of Staff na si Atty. Jericho Acedera kasunod ng pag-amin na sumasailalaim sa isang treatment ang senador. Ayon kay Acedera, naka-confine ngayon si Lapid sa Medical City sa Clark, Pampanga para masuri at mabigyan ng atensiyong medikal ang kanyang kalagayan. Sinabi ni Acedera, batay sa pahayag ng …
Read More »Pacquiao pinuri ng kapwa senador
SA KABILA ng pagkatalo ni Boxing Champ at Senador Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Cuban Yordenis Ugas, nagpaabot pa rin ng pagbati at papuri ang mga senador sa pambansang kamao. Kabilang sa nagpaabot ng kanilang pagbati sina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Panfilo “Ping” Lacson, Sonny Angara, Joel Villanueva, at Senadora Nancy Binay. Sinabi ng mga senador, sa kabila ng pagkatalo ng …
Read More »Pondo ng NTF-ELCAC isailalim sa COA special audit — Drilon
BINATIKOS at tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kahilingan ng pamahalaan na pagkalooban ng dobleng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nasa P40 bilyones abf nakapaloob sa panukalang 2022 National Expenditures Program (NEP). Kasunod nito, hiniling din ni Drilon sa Commission on Audit (COA) ang pagsasagawa ng special audit para …
Read More »Bakuna sa bakwit hikayat sa IATF
HINIKAYAT ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na magsagawa ng pagbabakuna sa mga kababayan nating nasa evacuation centers upang maiwasan ang pagkakaroon ng “CoVid-19 super-spreader event” sa mga naturang lugar. “Bigyan na po natin ng bakuna ang mga bakwit para mapabilis pa nang husto ang roll out,” ani Villanueva sa isang pahayag. “Kung mayroon na pong health personnel na nagmo-monitor …
Read More »Kay Duterte: Huling SONA bago ka makulong — De Lima
“GINOONG Duterte, namnamin mo na, ‘yan na ang huli mong SONA bago ka makulong.” Ito ang tahasang sinabi ni Senadora Leila de Lima sa kanyang tweet kasunod ang katagang, Lumalaban. Si De Lima ay nakakulong sa kasong ilegal na droga, na halos isang taon pa lang nakauupo sa puwesto bilang senador. Ngayong araw, 26 Hulyo, gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte …
Read More »Kakayahan ng mag-aaral sa Math at Science dapat iangat — Solon
SA PAGSULONG ng inobasyon sa “new normal” at pagbagon ng bansa mula sa pinsala ng CoVid-19 pandemic, dapat maging prayoridad ang pag-angat sa kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa math at science, ayon kay Senador Win Gatchalian. Para kay Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, ang kakayahan ng mga mag-aaral sa math at science ay …
Read More »LPG safety law lusot sa Bicam
MATAPOS ang 18 taon at pitong Kongreso, magiging ganap na batas na ang panukalang regulasyon para sa industriya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magtitiyak sa kapakanan at interes ng mga konsumer laban sa ilegal na pagre-refill, mababang kalidad, at depektibong tangke. Inaprobahan ng Bicameral conference committee noong Martes, 13 Hulyo, ang panukalang LPG Industry Regulation Act na magtatakda …
Read More »Krisis sa edukasyon kinilala ng solon
UPANG magkaroon ng mas malakas at iisang solusyon upang resolbahin ang krisis sa edukasyon na isa sa lubhang naapektohan ng pandemya, hinimok ni Senator Joel Villanueva na magkaroon ng mas masinop na kooperasyon ang tatlong ahensiya ng kagawaran. Ani Villanueva, kailangan ng isang malinaw na estratehiya kung paano tutugunan ng Department of Education, Technical Education and Skills Development Authority, …
Read More »Batang ina dumami sa panahon ng lockdown
KASUNOD ng Executive Order ng Malacañang na nagdedeklarang gawing prayoridad ang pagresolba sa teenage pregnancy o maaagang pagbubuntis ng mga kabataan, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagtugon sa mga kakulangan ng comprehensive sexuality education (CSE). Mandato ng Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Act of 2012 (Republic Act 10354) ang pagkakaroon ng angkop na reproductive health …
Read More »Satellite-based technologies para sa mas maayos na digital education
MAS mabilis na pagpapalawig ng digital technology sa mga pampublikong paaralan. Ito ang isa sa mga benepisyong tinukoy ni Senador Win Gatchalian sa paggamit ng satellite-based technologies sa pagpapalawak ng internet access sa bansa. Layon ng inihain ni Gatchalian na Senate Bill No. 2250 o “Satellite-Based Technologies for Internet Connectivity Act of 2021” na palawakin ang access sa satellite-based technologies …
Read More »Palawan Pawnshop CEO Bobby Castro tumanggap ng Honorary Doctorate Degree
SA MATAGUMPAY na pagsuong sa entrepreneurship at community service, tinanggap ni Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala (PPS-PEPP) president at CEO Bobby L. Castro ang honorary doctorate degree mula sa University of Baguio. Ipinagkaloob kay Castro ang Doctor of Humanities Honoris Causa sa ipinakita niyang kakayahan na magawa at mabago ang PPS-PEPP bilang nangunguna sa pawnshop at domestic money remittance industry …
Read More »Bayanihan, hindi kulungan, gabay sa bakuna — Solon
KULTURA ng Bayanihan, at hindi ang takot na maaresto kapag tumanggi sa bakuna, ang dapat mangibabaw upang maging ganap na matagumpay ang pagbabakuna sa mga Filipino laban sa CoVid-19. Ayon kay Senador Panfilo Lacson, dapat maisip ng publiko na higit na mahalaga ang bakunang kanilang matatanggap dahil siguradong proteksiyon ito, hindi lamang sa kanila kundi sa mga taong makasasalamuha nila – …
Read More »Duda, hindi pera sagabal sa herd community — Imee
SAMANTALA, nanawagan si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na maglatag ng mas klarong estratehiya para mapataas ang bilang ng mga mahihikayat na magpabakuna at mapabilis ang herd immunity laban sa CoVid-19, para tuloy-tuloy ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa. “May pera tayong pambili ng mga bakuna. Pero nananatiling hamon ang pag-aalangan o pag-aatubiling magpabakuna ng mga mamamayan na maaaring …
Read More »Malinaw na panuntunan sa ‘proof of vaccination’ para sa mga Pinoy at OFWs (Hiling ni Villanueva)
HINILING ni Senator Joel Villanueva na linawin ng gobyerno ang tila nakalilitong panuntunan sa proof of vaccination na hihingin sa mga nabakunahan na lalo sa hanay ng overseas Filipino workers (OFWs). Ayon sa senador, chairman ng Senate labor committee, nakatakda sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bukod sa vaccination card, kailangan rin ipakita bilang patunay na fully …
Read More »2 empleyado ng senado namatay sa Covid-19
DALAWANG empleyado ng senado ang kompirmadong namatay sanhi ng COVID 19. Ito ang napag-alaman mula sa isang mapagkakatiwalaang source ngunit tumangging pangalanan ang mga naturang empleyado. Ang mga pumanaw na empleyado ng senado ay pawang mga driver na nakataaga sa Secretariat ng Senado. Halos dalawang linggoo lamang ang pagitan ng pagpanaw ng dalawang driver. Nagsagawa ang …
Read More »CoVid-19 isinama ng ECC sa work-related diseases
ISANG mainit na pagtanggap ang isinalubong ni Senator Joel Villanueva sa balitang kasama na sa listahan ng “work-related diseases” ang CoVid-19 na pwedeng idulog at makahingi ng pinansiyal na tulong sa Employees’ Compensation Commission (ECC). Aniya, parehong makatutulong ito sa mga negosyante at manggagawa lalo na kung ay tamaan ng CoVid-19 ang mga empleyado sa mga tanggapan, pabrika o …
Read More »Imported na baboy, isubasta para malantad sa publiko — Marcos
HINIMOK ni Senador Imee Marcos ang mga economic managers ng bansa na isubasta ang mga imported na baboy para makatiyak na lantad ang alokasyon sa mga negosyante oras na madesisyonan ang pinal minimum access volume (MAV) ng aangkating baboy. Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs, makatutulong ang subasta sa imported na baboy para matanggal ang …
Read More »