Saturday , March 25 2023

Robin sa BI at DSWD  <br> ‘STATELESS’ PINOYS MULA SA SABAH DAPAT TULUNGAN

111122 Hataw Frontpage



NANAWAGAN si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla kahapon sa mga ahensiya ng pamahalaan, gawin ang lahat para tulungan ang mga ‘stateless’ na Filipino, na-deport mula sa Sabah at ngayo’y nasa Tawi-Tawi at Sulu.

               Ayon kay Padilla, bagama’t ilan sa mga na-deport ay hindi alam kung sila ay Filipino o Malaysian, karamihan ay matagal nang nakatira sa Sabah at sa pagkaalam nila, nasa Filipinas ang Sabah.

Dagdag ni Padilla, handa siya at ang kanyang tanggapan na magkaroon ng mabilis na pagtugon dito.

Hiniling niya na magkaroon ng usapan ang Bureau of Immigration (BI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol sa kalagayan ng mga stateless Pinoys.

“Noong 2013, pagkatapos ng gulo at malaking gera sa Lahad Datu, napakaraming matatawag nating deported na stateless. Hindi po nila alam kung sila ba ay Filipino o Malaysian sapagka’t ito po ay may kinalaman sa Sabah. Dahil matagal na panahon silang nakatira sa Sabah ang alam nila ang Sabah ay nasa Filipinas. Nang nagkaroon ng gulo sila ay idineport. Ngayon ‘di po nila alam kung Filipino ba sila o Malaysian. Sila ay kawawang kawawa diyan sa lugar ng Tawi Tawi at Sulu,” ani Padilla, na kumakatawan sa mga Filipino Muslim, sa interpelasyon niya ng budget ng Department of Justice (DOJ) para sa 2023.

Ang insidente sa Lahad Datu sa Sabah halos isang dekada na ang nakaraan ay nag-ugat sa paglusob ng grupong nagpakilalang kumakatawan sa Sultanato ng Sulu na umaangkin sa Sabah mula sa Malaysia.

Napanalunan ng Sultanato ng Sulu ang kaso sa Madrid High Court noong 2020, at pinagtibay ng French Arbitration Court ang desisyon nitong 2022, at inatasan ang Malaysia na magbayad ng may kabuuhang $14.9 bilyon sa mga tagapagmana ng Sultanato.
              

Tugon ni Senate finance committee chair Juan Edgardo “Sonny” Angara, handa ang DOJ na tulungan ang mga na-deport na nais mag-apply ng Philippine residency o citizenship, sa tulong ng Philippine Statistics Authority.

Dagdag ni Angara, nagkaroon na rin ng special mission na on-site civil registration activity noong 2019, kung saan nakapagrehistro ang mga walang dokumentong Filipino sa plantation sa Sabah. Mga 9,389 Filipino ang natulungan dito, aniya.

               Nguni’t ipinunto ni Padilla, karamihan sa mga nai-deport ay hindi nakarehistro. “Sana po magawan lang po natin ng paraan na mapabilis ang ating tugon dito sa mga kababayan natin, wala silang kasalanan talaga sa nangyaring ‘yan kundi sila ipinanganak sa Sabah,” aniya.

“Ang hiling ko lang po, magkaroon po sana ng mabilis na pagtugon dito, magkaroon ng usapan ang BI at DSWD na harapin po itong problemang ito. At ako po ay handang sumama sa kanila. At ang aking opisina ay handang sumama sa inyo at puntahan natin ang kababayan natin,” giit ni Padilla.

Samantala, umaasa si Padilla na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nakikipag-usap sa Malaysia para matulungan ang mga ‘stateless’ Pinoys na na-deport.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …