Saturday , January 31 2026

Micka Bautista

Sa Nueva Ecija
2 HVT TIMBOG, DERETSO SA HOYO

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang dalwang high value target (HVT) sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Science City of Muñoz, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 26 Pebrero. Kinilala ang mga suspek na sina Jeric Valdez, 27 anyos, empleyado ng Science City of Muñoz LGU, residente sa Brgy. Balante; at Arvin Duran, 24 anyos, isang kolektor. Nakompiska mula sa mga suspek …

Read More »

Sa ikalimang araw ng SACLEO sa Bulacan
21 PASAWAY HOYO SA REHAS NA BAKAL

Bulacan Police PNP

SA PAGPAPATULOY ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PNP nadakip ang 21 pasaway sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo, 27 Pebrero, na nasa ikalimang araw nito. Sa ikinasang buy bust operations ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng police stations ng Bocaue, Paombong at Pulilan, nasakote ang mga suspek na kinilalang sina Vincent …

Read More »

Sa Bulacan
500 KATUTUBO NAGPASAKLOLO SA SECTORAL TRIBAL COUNCIL

AREDUMSTRICO Aeta Remontado Dumagat

SA PATULOY na pang-aagaw sa lupaing ninuno o ancestral domain ng ilang politiko, malalaking developers at negosyante sa iba’t ibang lugar sa Luzon, umapela ng tulong ang mga katutubong Aetas at Dumagat. Tinatayang nasa 500 katutubong Aeta at Remontado Dumagat mula sa mga bayan ng Caranglan, Nueva Ecija; Taytay, Rizal; at Angeles, Pampanga ang humingi ng tulong sa Aeta Remontado …

Read More »

Serye ng anti-crime operations inilatag 17 pasaway kinalawit ng Bulacan PNP

Bulacan Police PNP

SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng Bulacan PNP upang mapigilan ang pagsirit ng mga kaso ng CoVid-19, patuloy ang mga operasyong ikinakasa ng mga awtoridad upang masakote ang mga pasaway sa batas. Sa ulat na ipinadala nitong Lunes, 21 Pebrero, kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, unang inaresto ang 11 sugarol sa …

Read More »

P.868-M pekeng ‘yosi’ ipinuslit sa Bulacan, nasamsam sa Nueva Ecija

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang halos P900,000 halaga ng mga pekeng sigarilyo sa lalawigan ng Nueva Ecija na ibiniyahe mula sa Bulacan, saka nadakip ang taong nasa likod nito nitong Lunes, 21 Pebrero. Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagsagawa ang mga elemento ng Zaragoza MPS at 1st PMFC ng anti-criminality checkpoint sa provincial …

Read More »

Criminal gang member, 3 pa timbog sa Bulacan

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang isa sa mga most wanted persons (MWPs) ng Central Luzon pati ang tatlong iba pang pinaghahanap ng batas sa pinatinding manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 22 Pebrero. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, nagsanib-puwersa ang tracker teams ng Plaridel MPS, Pulilan MPS, at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) …

Read More »

Sa Nueva Ecija
5 KRIMINAL TIMBOG, LOOSE FIREARMS ISINUKO

Arrest Posas Handcuff

SA PAGPAPATULOY ng kampanya laban sa krimen sa lalawigan ng Nueva Ecija, nasakote ng mga awtoridad ang limang kriminal at nasamsam ang dalawang baril mula sa kanila, nitong Linggo, 20 Pebrero. Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng Lupao MPS ng anti-illegal drugs buy bust operation sa Brgy. Parista, sa …

Read More »

RIDER SINITA SA COMELEC CHECKPOINT
Balisong, shabu nakumpiska

checkpoint

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang lalaki matapos sitahin at dakpin sa paglabag sa batas-trapiko sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 19 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Robertson Estrella, residente sa Brgy. Siling Bata, sa naturang bayan, na naaresto sa …

Read More »

Drug den sa Subic sinalakay, 4 suspek nasakote

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang apat na indibiduwal sa loob ng isang pinaniniwalaang drug den sa bayan ng Subic, lalawigan ng Zambales na nasamsaman ng halos P102,000 halaga ng hinihinalang shabu, nitong Biyernes ng gabi, 18 Pebrero. Inilunsad ang entrapment operation laban sa mga suspek ng magkatuwang na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zambales at Zambales PPO. Sa ulat, kinilala …

Read More »

Puganteng most wanted sa Bulacan tiklo sa Tarlac

arrest prison

PINURI ng top cop ng Central Luzon na si P/BGen. Matthew Baccay ang pulisya sa kanyang nasasakupan, sa matagumpay na pagkakadakip ng isa sa itinuturing na national most wanted person sa isinagawang manhunt operation sa bayan ng Bamban, lalawigan ng Tarlac nitong Biyernes, 18 Pebrero. Sa ulat ni P/Col. Erwin Sanque, acting provincial director ng Tarlac PPO, dahil mapanganib na …

Read More »

Huling nakita matapos magpabakuna
Caretaker sa Cebu natagpuang patay

Vaccine Dead

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang babaeng caretaker sa isang compound sa Brgy. Sabang, lungsod ng Danao, lalawigan ng Cebu, nitong Sabado ng umaga, 19 Pebrero. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Marivic Jabonelo, walang asawa, residente sa Bien Unido, lalawigan ng Bohol. Ayon sa imbestigador ng kasong si P/Cpl. Mark Anthony Manulat, huling nakitang buhay ang biktima noong …

Read More »

Kapitbahay kinursunada kelot timbog sa boga

gun ban

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos pagtangkaang patayin ang nakursunadahang kapitbahay habang dumaraan sa labas ng kanyang bahay sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 12 Pebrero. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Alberto Legazpi, residente sa Brgy. Bulusukan, sa nabanggit na bayan, dinakip …

Read More »

Sa Mabalacat, Pampanga
DRUG MAINTAINER, 10 PAROKYANO TIKLO SA BITAG NG PULISYA

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang pinaniniwalaang talamak na drug den maintainer kabilang ang kanyang 10 parokyano sa inilunsad na entrapment operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon at lokal na pulisya sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng tanghali, 12 Pebrero 2022. Isinagawa ang napagkasunduang buy bust operation sa South Daang Bakal, Brgy. Dau, …

Read More »

6 siga sa Bulacan inihoyo

prison

ARESTADO ang anim na indibiduwal na sinasabing mga tigasin at may mga pagsuway na ginawa sa batas sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 6 Pebrero. Dinakip ang mga suspek sa iba’t ibang krimen ng naganap sa mga bayan ng Balagtas, Marilao, Sta.Maria, at lungsod ng Malolos. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel …

Read More »

Sa Bataan
UNVAXXED BAWAL LUMABAS NG BAHAY, BAWAL SA PUVs

Bataan

INAPROBAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan ang isang ordinansang naglilimita sa paggalaw ng mga indibiduwal na hindi bakunado laban sa CoVid-19. Nilagdaan ni Bataan Gov. Albert Garcia ang Provincial Ordinance No. 2 Series of 2022, na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay at pagsakay sa mga pampublikong transportasyon ng mga hindi bakunado. Gayonman, exempted rito ang mga nangangailangan ng essential goods …

Read More »

P2-M shabu nasabat sa tulak ng Cavite, timbog sa Pampanga

shabu drug arrest

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang dayong tulak sa isinagawang anti-illegal drug bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 6 Pebrero. Nagkasa ang magkasanib na elemento ng RPDEU-3, SCU3-RID, at Mexico Municipal Police Station (MPS) ng anti-illegal drug bust operation sa Brgy. Lagundi, …

Read More »

Sa Bulacan
2 MENOR DE EDAD, 14 PA NAKALAWIT NG PULISYA

Bulacan Police PNP

SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng Bulacan PNP upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19, nadakip ang dalawang menor de edad, tatlong magnanakaw, dalawang drug suspects, at siyam na wanted persons hanggang Martes ng umaga, 8 Pebrero. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, dinampot ang …

Read More »

Sa Tarlac
SANGGOL, 2 PA PATAY SA COVID-19

Covid-19 dead

TATLO ang iniulat na namatay kabilang ang isang bagong silang na sanggol dahil sa komplikasyong dulot ng CoVid-19 sa lalawigan ng Tarlac. Kinompirma ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac, isang araw pa lamang matapos iluwal ang babaeng sanggol nang bawian ito ng buhay sa bayan ng Concepcion. Samantala, residente ng bayan ng Capas ang 52-anyos lalaking namatay habang ang isa pang …

Read More »

Siga ‘pag kargado ng alak kelot timbog sa ‘boga’

gun ban

ARESTADO ang isang lasing na lalaki matapos isumbong sa mga awtoridad kaugnay sa ginagawang pagwawala habang may hawak na baril sa harap ng kaniyang bahay sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 7 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Willy Salazar ng Brgy. …

Read More »

Proclamation rally ng ‘Agila at Tigre’ sa PH Arena dinumog

Bongbong Marcos Sara Duterte proclamation rally Micka Bautista Photo

DINUMOG ng libo-libong tagasuporta ang naging proclamation rally nina presidential at vice presidential aspirants Ferdinand Marcos, Jr., at Sara Duterte sa Philippine Arena, sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 8 Pebrero. Dinalohan ng iba’t ibang personalidad mula Luzon, Visayas at Mindanao ang programa na tinampukan ni Toni Gonzaga bilang host. Nagsara ang mga entry at exit points …

Read More »

Pumalag sa checkpoint
ARMADONG RIDER, TODAS SA ENKUWENTRO

dead gun

BUMULAGTA ang isang lalaki matapos pumalag at magpaputok ng baril sa isang COMELEC checkpoint sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat na nakalap mula sa pulisya sa Nueva Ecija, kinilala ang napaslang na suspek na si Aldrin Manalang, 33 anyos. Ayon sa mga awtoridad, pinahinto si Manalang sa checkpoint nang biglang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis. Dito …

Read More »

Sa SJDM City, Bulacan
MOST WANTED RAPIST, 2 KRIMINAL NASAKOTE

San Jose del Monte CSJDM Police

MAGKAKASUNOD na nasukol ng mga awtoridad ang tatlong lalaki, kabilang ang dalawang pinaghahanap sa kasong panggagahasa, sa ikinasang anti-criminality operation sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 5 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang most wanted person ng lungsod kabilang ang dalawang pinaghahanap na …

Read More »

Lumabag sa Omnibus Election Code
PASAWAY NA GUN OWNER TIKLO

arrest prison

DERETSO sa kaloboso ang isang lalaki sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, matapos arestohin ng pulisya dahil sa pagwawala sa isang barangay habang may hawak na baril nitong Sabado, 5 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Col. Rolando Gutierrez, hepe ng Marilao Municipal Police Station (MPS), napag-alamang nagresponde ang mga operatiba matapos makatanggap ng sumbong hinggil sa isang nagwawalang lalaki …

Read More »

Sa Bulacan
CHINESE NATIONAL ARESTADO SA KATOL AT INSECTICIDES

Arrest Posas Handcuff

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang Chinese national dahil sa pagbebenta ng mga produktong walang lisensiya o permiso sa mga kinauukulan sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 4 Pebrero. Kumagat sa pain na inilatag ng mga tauhan ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na kinilalang si Shi Yun Chung, 51 anyos, vendor, residente …

Read More »