NANAWAGAN si Bulacan Vice Governor Alexis C. Castro sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang pagsubaybay at pagberipika ng impormasyon bilang tugon sa nakaaalarmang mga paskil na kumakalat sa social media na nagdulot ng panic sa mga residente ng Bulacan. Ipinatawag ni Castro ang Committee on Peace and Order at ang Committee on Communications, Information Technology, and Mass Media …
Read More »Nagdulot ng panic sa Bulakeños
‘Modus’ sa Bocaue bistado ng NBI
IMBAK NA LUMANG BIGAS PLUS HALONG VARIETY AT PABANGONG PANDAN EQUALS PREMIUM RICE
ni MICKA BAUTISTA NADISKUBRE ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bodega sa Bocaue, Bulacan na nag-iimbak at nagbebenta ng mga luma at imported na bigas na itinago bilang premium-grade grain. Tumambad sa mga ahente ng NBI ang tambak ng mga imported na bigas na nakaimbak nang hindi bababa sa dalawang taon, kasama ang mga kagamitan na ginagamit sa …
Read More »
Sa Bulacan
Makeshift drug den binuwag ng PDEA
WINASAK ng mga operatiba ng PDEA Bulacan Provincial Office ang isang makeshift drug den na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang operator nito at kasamang dalawang galamay kasunod ng buybust operation sa Brgy. Minuyan Proper, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 11 Pebrero. Kinilala ng PDEA team leader ang naarestong drug den maintanainer …
Read More »Checkpoint sinalpok ng motorsiklo Pulis sugatan, rider timbog
SUGATAN ang isang pulis nang sadyang sagasaan ng driver ng motorsiklo sa pagtatangkang umiwas sa joint COMELEC checkpoint operation sa Brgy. Nagbunga, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales, nitong Lunes, 10 Pebrero. Kinilala ang sugatang alagad ng batas na si P/Cpl. John Nelson Flores, 36 anyos, residente sa Brgy. Pamatawan, Subic, Zambales, na tinamaan sa kaniyang kanang paa …
Read More »
Para sa ligtas at maayos na halalan sa Mayo
Crackdown sa loose firearms sa Central Luzon pinaigting
SA PAPALAPIT na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2025, pinaigting ng PRO3 PNP sa pamumuno ni Regional Director P/BGen. Jean Fajardo, ang kampanya laban sa loose firearms, na tinitiyak ang ligtas at maayos na prosesong elektoral sa Central Luzon. Mula 10 Enero hanggang 8 Pebrero, matagumpay na naisakatuparan ng PRO3 ang pagsisilbi ng 39 search warrant, na humantong …
Read More »3 tiklo sa back-to-back operations ng PRO3
SA WALANG TIGIL na pagsusumikap at paglaban sa ilegal na droga sa Central Luzon, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng PRO3 ang tatlong drug suspects sa magkakahiwalay na buybust operation sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga, na humantong sa pagkakakompiska ng 105 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P700,000. Isinagawa ang unang operasyon noong nakaraang Miyerkoles, …
Read More »P2.7-M shabu mula sa Rizal idinayo sa Pampanga, tulak tiklo
HINDI natuloy ang tangkang pagpupuslit at pagbebenta ng ilegal na droga ng isang hinihinalang tulak mula sa Rizal nang madakip ng mga awtoridad sa bayan ng Magalang, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 5 Pebrero. Nasakote ng mga operatiba ng Magalang MPS sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA 3), ang suspek na kinilalang si alyas Ben, 30 …
Read More »Puganteng rapist tiklo
NASAKOTE ng mga operatiba ng PRO3 ang isang lalaking nakatalang high-profile na pugante sa manhunt operation na inilatag sa bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan. Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng 3rd Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Bulacan PPO, sa koordinasyon ng Bulacan West PIT-RIU3, Balagtas MPS, Bocaue MPS, at 305th at 301st Maneuver Companies ng RMFB3 …
Read More »Mga mangingisda sa Bulacan tumanggap ng suportang pangkabuhayan mula sa BFAR
SA PAGTUTULUNGAN ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 3 at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernando, muling nabigyan ng livelihood support ang 46 mangingisda mula sa Bulacan sa naganap na distribusyon sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Martes, 4 Pebrero. Nakatanggap ang 15 benepisaryong mangingisda mula sa …
Read More »Suspects sa pamamaslang sa kontratista tinutugis
PUSPUSAN ang paghahanap ng pulisya sa mga suspek na bumaril at pumatay sa isang kontratista at kaniyang kasama noong nakaraang Sabado, 25 Enero, sa bayan ng Mariveles, lalawigan ng Bataan. Sa ulat na nakarating kay P/BGen. Jean Fajardo regional director ng PRO3, kinilala ang mga biktimang sina Laurence Javier, isang kontratista, at si Roselito Camia, kapwa mga residente sa Davao …
Read More »Illegal recruiter na dating bomber tinutugis ng PNP
ISINILBI ng mga operatiba ng PNP Provincial Intelligence Unit at Malolos City Police Station (CPS) ang warrant of arrest laban sa isang dating kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) na residente sa Brgy. Longos, Malolos City. Sa ulat, kinilala ang akusado na si Senior Fire Officer 2 (SFO2) Reyca Janisa Palpallatoc, nasa hustong gulang at kasalukuyang nakalalaya pa. Armado …
Read More »
Sa Central Luzon
Bulacan nangunguna sa tagumpay laban sa kriminalidad
NAKAMIT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang isang makabuluhang tagumpay sa kampanya nito laban sa kriminalidad, nang maaresto ang 387 wanted na tao, kabilang ang 70 indibiduwal na nakatalang most wanted, sa mga operasyong isinagawa mula 10 hanggang 26 Enero. Kabilang sa mga inaresto ang mga indibiduwal na nahaharap sa mabibigat na kaso tulad ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw, at …
Read More »
Magde-deliver ng ‘tsongki’
Rider nasabat sa COMELEC checkpoint
NAHARANG ng pulisya na nagmamando ng checkpoint ang isang rider na maghahatid ng marijuana sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 26 Enero. Sa ulat ni P/Lt. Col. Voltaire Rivera, hepe ng Sta. Maria MPS, habang nagsasagawa ang kaniyang mga tauhan ng COMELEC Checkpoint ay pinara nila ang suspek na kinilalang si alyas John dahil sa paglabag …
Read More »Basagulero inihoyo, boga kompiskado
DERETSO kalaboso ang isang lalaki matapos arestohin ng pulisya bunsod ng marahas na pananakot sa mga residente sa Brgy. San Pedro, lungsod ng San Jose Del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong madaling araw ng Martes, 21 Enero. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, dinakip ng mga tauhan ng San Jose del …
Read More »
Sumpak iwinasiwas
SIGA NG BARANGAY KINALAWIT
ARESTADO ang isang lalaki matapos isumbong ng isang concerned citizen dahil sa pagdadala ng sumpak o improvised shotgun sa Brgy. Paradise 3, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang suspek na si alyas Ron, sinasabing nagsisiga-sigaan sa naturang lugar at madalas ipanakot ang sumpak sa mga residente. Kaugnay ng sumbong, agad tumugon ang mga tauhan …
Read More »Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo
WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office ang isang makeshift drug den na humantong sa pagkakaaresto sa maintainer nito sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Minuyan 2, lungsod ng San Jose del Monte, nitong Sabado ng gabi, 18 Enero. Ayon sa ng team leader ng PDEA, isinagawa ang operasyon dakong 10:03 pm kamakalawa na …
Read More »Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando
“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at maayos na pasilidad ng mga paaralan sa buong lalawigan ng Bulacan. Ito po ay bahagi pa rin ng ating pangunahing layunin na palakasin ang sektor ng edukasyon dito sa ating lalawigan, na isa sa mga susi sa pagkakaroon natin ng maunlad, mapayapa, at masaganang lipunan.” …
Read More »2 OEC violators sa Bulacan timbog
INARESTO ng pulisya ang dalawang indibiduwal na lumabag sa Omnibus Election Code (OEC) sa isinagawang Comelec Checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 12 Enero. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang isa sa mga nadakip na si alyas Raul, sinita sa COMELEC checkpoint na isinagawa ng …
Read More »
Mula sa bagong hepe ng PRO3
Election security pinalakas, sabay-sabay na checkpoints inilunsad sa Central Luzon
UPANG matiyak ang mas mataas na seguridad sa pagsisimula ng panahon ng halalan para sa pambansa at lokal na mga posisyon, naglunsad ang PRO3 PNP ng sabay-sabay na checkpoint operations sa buong Central Luzon. Inihayag ng bagong itinalagang Regional Director ng PRO 3, P/BGen. Jean Fajardo, 314 checkpoints ang naitatag sa buong rehiyon, na may 2,438 police personnel ang naka-deploy …
Read More »
Sa Bulacan
3 tulak, 4 wanted person nasakote
SA PATULOY na anti-criminality operations ng Bulacan PNP, nadakip ang tatlong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga, at apat na pinaghahanap ng batas sa iba’t ibang lugar sa lalawigan hanggang nitong Linggo, 12 Enero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ng magkahiwalay na buybust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) …
Read More »P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan
MATAGUMPAY na naisagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 (RFU 3), sa pakikipagtulungan ng PRO 3 at Bulacan Police Provincial Office, ang dalawang magkahiwalay na operasyon sa ilalim ng Oplan Megashopper sa Meycayayan City, Bulacan kamakalawa. Naging target ng operasyon ang mga ilegal na bodega sa naturang lungsod na sangkot sa pagpupuslit ng mga used …
Read More »
Sa San Miguel, Bulacan
SUNDALO NATAGPUANG PATAY SA BARRACKS
WALA nang buhay at may tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo nang matagpuan ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) sa kanilang headquarters sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes, 9 Enero. Sa ulat ni P/Lt. Col. Ronnie Albino, hepe ng San Miguel MPS, kinilala ang biktima na si Sgt. Henry Española, nakatalaga sa Philippine …
Read More »SMC wagi sa paglilinis ng Pampanga River
MULING nakapuntos ang San Miguel Corporation (SMC) ng isa pang panalo sa kanilang ambisyosong pagsisikap na tumulong para pagaanin ang pagbaha sa kabuuan ng Luzon, matapos makompleto ang paglilinis sa malawak na Pampanga River, at matanggal ang 700,000 tons ng banlik at iba pang mga basura. Mula kalagitnaan ng Agosto hanggang Disyembre, tinanggal ng SMC ang 694,372 metro kubikong …
Read More »3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat
NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680,000 sa isang buybust operation na isinagawa sa Brgy. Del Pilar, lungsod ng San Fernando, sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa ulat, sa pakikipagtulungan ng Intel/Station Drug Enforcement Unit, San Fernando CPS sa Regional Intelligence Unit 3 …
Read More »
Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT
ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, at tatlong sangkot sa ilegal na sugal sa sunod-sunod na anti-criminality operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles, 8 Enero. Ayon sa mga ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com