Friday , January 9 2026

Maricris Valdez Nicasio

Bagong pangulo at opisyales ng SPEEd pinangalanan 

SPEEd

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINIRANG ng grupong SPEEd ang bagong pangulo at iba pang opisyal nito kasabay ng pagsisimula ng taong 2026. Inihalal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Tessa Mauricio-Arriola, lifestyle at entertainment editor ng The Manila Times, bilang bagong pangulo. Pinamumunuan na ngayon ni Mauricio-Arriola ang organisasyong nagsimula bilang isang social club ng mga entertainment editors mula sa mga pambansang broadsheet, nangungunang …

Read More »

Cong de Lima sobrang na-touch sa I’m Perfect: inirekomenda at ipinagmalaki

Im Perfect Sylvia Sanchez Leila De Lima

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INA sa ina at hindi politika. Ito ang binigyang linaw at ibinahagi ng aktres/prodyuser Sylvia Sanchez sa pagpunta ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima sa Block Screening ng MMFF 2025entry ng Nathan Studios, I’m Perfect noong Lunes sa Fisher Mall VIP Cinema 1. Kasamang nanood ng kongresista ang anak niyang si Israel na may autism spectrum. Magiliw na binati si de Lima bukod kina …

Read More »

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach program na 150 kabahayan mula sa mga kalapit na barangay ang nabiyayaan ng tulong, saya, at makabuluhang samahan. Bawat kabahayan ay kinatawan ng buong pamilya—mga magulang at anak—bilang pagpapakita ng paniniwala ng Foundation na ang tunay na diwa ng pagbibigay ay mas nararamdaman kapag magkakasama …

Read More »

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SRR Origins

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere night ng SRR:Evil Origins na isinagawa sa Gateway Cinema 11 and 16 noong Huwebes ng gabi. SRO ang dalawang sinehang inilaan sa premiere night ng SRR: Evil Origins at positibo ang reaction ng mga manonood. Maagang dumating sa sinehan sina Annabelle Rama kasama sina Ruffa at Mon Gutierrez bilang suporta kay Richard na bida sa …

Read More »

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

Unmarry cast

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening ng pelikula nila ni Zanjoe Marudo na  entry ng Quantum Films at Cineko Productions sa 51st Metro Manila Film Festival, ang UnMarry, Sabado ng gabi sa Trinoma Cinema 6, Quezon City. Hindi na kasi ito nakapagsalitang mabuti nang hingan ng pagbati nang tawagin siya nang pumasok na sa sinehan. Tiyak na ikinagulat niya ang …

Read More »

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime Achievement award nito dahil sa hindi magandang karanasan sa mismong gabi ng parangal. Naganap ang 38th Aliw Awards noong December 15, 2025 sa Manila Hotel. Hindi nabigyang pagkakataon si Zsa Zsa na makapagsalita matapos tawagin bilang isa sa recipient ng Lifetime Achievement Award gayung tatlo lamang silang …

Read More »

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

Andrea Brillantes Rekonek

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away man, magkalayo-layo man, sa huli pamilya pa rin ang matatakbuhan at dadamay. Dumagsa ang fans sa red-carpet premiere ng Rekonek noong Disyembre 17, Miyerkoles ng gabi, sa Trinoma, Quezon City. Maaga pa lang ay marami na ang nag-abang na fans sa pagdating ng mga bida ng Rekonek. As …

Read More »

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may akda ng 60 Dream Holidays Around the World, si Ms Christine Dayrit. Ito ang naibahagi ng dating Cinema Evaluation Board (CEB) chair nang ilunsad ang librong koleksiyon ng kanyang mga travel article na lumabas sa The Philippine Star simula 2000, sa Cultural Centre of Lipa Lobby sa Lipa, Batangas noong Lunes, December 15, …

Read More »

Zsa Zsa ibabalik Lifetime Achievement Award ng Aliw 

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANLIIT si Zsa Zsa Padilla pagkatapos hindi mabigyang pagkakataong makapag-speech matapos matanggap ang pagkilalang Lifetime Achievement Award sa katatapos na 38th Aliw Awards noong  Disyembre 15, Lunes ng gabi, sa Manila Hotel.  Isasauli rin ni Zsa Zsa Padilla ang tropenong ipinagkaloob sa kanya. Isang open letter ang ipinost ni Zsa Zsa sa kanyang Facebook at Instagram na nagpapahayag ng kanyang saloobin …

Read More »

Piolo nanggigil kay Jasmine, sinubasib ng halik

Jasmine Curtis Smith Piolo Pascual

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TIYAK na marami ang maiinggit kay Jasmine Curtis Smith kapag napanood nila ang pelikulang Manila’s Finest na pinagbibidahan nila Piolo Pascual at Enrique Gil sa December 25, 2025. Isa sa walong entries sa 51st Metro Manila Film Festival ang Manila’s Finest na nagkaroon ng Premiere Screening noong Lunes ng gabi sa Robinson’s Place Manila. Sa isang tagpo kasi ng pelikula, kitang-kita ang panggigigil ni Piolo kay Jasmine nang …

Read More »

MTRCB ratings ng 8 pelikula sa MMFF inilabas

MMFF 2025 Movies

NATAPOS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala Sotto ang pagrerebyu ng walong opisyal na pelikulang kalahok sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF). “Patunay ito ng aming dedikasyon at matibay na suporta sa mga lokal na pelikula sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na klasipikasyon,” ani Sotto. Karamihan sa walong pelikula ay nakatanggap ng G …

Read More »

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

Daniel Padilla Kaila Estrada

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila Estrada. Viral ang videos and photos nina Daniel at Kaila  na magkasamang nanood ng concert ng IV of Spadessa Mall of Asia Arena.  Spotted ang dalawa na sweet na sweet sa concert. Kumalat din ang photo na nakaakbay ang aktor sa rumored girlfriend at nakunan din ang …

Read More »

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

Ice Seguerra Being Ice

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at purihin ang memoir concert nito, ang Being Ice: Live! Magbabalik ito para sa isang gabi na punompuno ng magagandang musika at performance  sa makasaysayang New Frontier Theater sa Cubao sa Pebrero 27, 2026. Itinuturing na pagbabalik sa pinagmulan ni Ice ang konsiyerto dahil anang sasawa nitong si Liza Diño-Se­guerra, pagbabalik-Cubao …

Read More »

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong entries sa 51st Metro Manila Film Festival na 15 taon na niyang nabuo ang konsepto ng pelikula. Marami na ring beses niyang inilako sa maraming producers. Bagamat marami naman ang nagka-interes, tanging si Sylvia Sanchez at sumugal at hindi siya nahirapang kumbinsihin na gawin ang pelikula. Katwiran ni Sylvia, …

Read More »

Fil-Am singer-songwriter iiwan America para sa local showbiz career

Celesst Mar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAHILIG sa dagat at malaking bahagi ng kanyang musika ay nagpapakita ng pagmamahal sa marine life. Ito ang Fil-Am singer na inilunsad at ipinakilala kamakailan sa entertainment press, ang singer-songwriter na si Celesst Mar. Ang Celesst Mar ay Latin-inspired screen name na ang kahulugan ay “heavenly sea.” Kasalukuyang nasa ’Pinas si Celesst Mar para i-promote ang debut …

Read More »

FranSeth sa balik MMFF: ginalingan at pinaghandaan

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK sa huling Spotlight Presscon ng 2025 ang mga Star Magic artist na mapapanood sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Kabilang sina Francine Diaz at Seth Fedelin-dalawa sa mga bida ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins. Matapos manalo bilang Movie Loveteam of the Year sa 41st PMPC Star Awards for Movies para sa My Future You, balik sa big screen ang tambalang FranSeth para muling magpasaya sa …

Read More »

Parade of Stars sa Dec 19

MMFF Parade

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa Makati bilang sila ang hst city sa taong ito. Ang Parade of Stars ay hudyat ng pagsisimula ng MMFF’s nationwide screening ng walong kalahok na pelikula. Ito ay ang Call Me Mother, Rekonek, Manila’s Finest, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, I’m Perfect, Love You So Bad, UnMaryy, at Bar Boys: After …

Read More »

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

Tonton Gutierrez im perfect

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang artista/bida sa 51stMetro Manila Film Festival entry ng Nathan Studios, ang I’m Perfect na mapapanood simula December 25, 2025. Ang tinutukoy ni Tonton ay sina Earl Amaba at Kystel Go na may Down Syndrome. “Kakaibang pelikula ito. Ang mga artista namin dito ay may down syndrome, we’re really surprised. Ang gagaling nila! Ang husay …

Read More »

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

Bianca de Vera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang mga update at ang tuloy-tuloy na momentum ng kanyang karera. Bago pa man ang kanyang Pinoy Big Brother Collab stint, ilang beses nang napanood si Bianca sa harap ng kamera at nagbigay buhay na sa iba’t ibang roles. Ngayon, naghahanda siya para sa lead role niya sa MMFF …

Read More »

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

TobaccOFF NOW

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng mga istorya ukol sa youth culture, identity, at powerful tobacco control narratives sa isasagawang TobaccOFF NOW! Film Festival Pre-Screening Press Conference, bago ang opisyal na premiere ng festival. Inorganisa ito ng Amber Studios sa pakikipagtulungan ng Metro Manila Development Authority, Metro Manila Film Festival, HealthJustice Philippines, Parents Against Vape, Action …

Read More »

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

Ka Tunying Anthony Taberna

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya kaya kalokohan na ikabit ang pangalan niya. Sa Kasama, Kasalo, Pasasalamat: TGC partner’s Appreciation Day ng Taberna Group of Companies na pag-aari nila ng asawa niyang si Mrs. T or Rossel Taberna, naiiling at natatawa ang batikang broadcast journalist/entrepreneur na ikinakabit ang kanyang pangalan sa mga Discaya. Ang mag-asawang Discaya ang …

Read More »

Imelda Papin naiyak sa paglulunsad ng Pilipino Tayo

Imelda Papin Pilipino Tayo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI napigilang maiyak ni music icon na si Ms Imelda Papin matapos palakpakan, purihin ang paglulunsad ng kanyang Pilipino Tayo song na composed and arranged by Mon del Rosario sa Taghalang Pasigueno noong Lunes ng hapon na diluhan ng mga tagasuporta niya mula sa iba’t ibang grupo at lugar. “This song reminds us that no matter where life takes us, we remain …

Read More »

Sen Lito sa bibida sa kanyang biopic: Anak o apo ko, kay Coco pag-uusapan naming pamilya 

Mark Lapid Lito Lapid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINILING pala ni Sen. Robin Padilla kay Sen. Lito Lapid ang istorya nito. Ito ang ibinahagi ni Sen Lito sa pa-Christmas lunch niya sa entertainment press noong Lunes, December 8, 2025 sa Max’s Restaurant. Kinausap daw ni Sen. Robin si Sen Lito two weeks or a month ago kung pwedeng gawin ang Lito Lapid Story. Ang naging tugon ng senador/actor, “Sabi …

Read More »

Isha Ponti, Andrea Gutierrez may patutunayan sa The Next Ones

Isha Ponti Andrea Gutierrez

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MALALIM at personal para sa tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti ang pagsusulat ng kanta.  “Songwriting is like storytelling. The lyrics, the sounds—they carry emotions. When you mix it all together, you create a whole story that people can feel,” ani Isha sa media conference and launch event ng newest Christmas anthem na Wala Ka Sa Pasko. Natutuwa ang …

Read More »

Bianca de Vera naiyak sa Love You So Bad mediacon 

Bianca De Vera Love You So Bad Will Ashley Dustin Yu

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez REWARDING. Ito ang tinuran ni Bianca De Vera at hindi napigilang maiyak pagkatapos mapanood ang trailer ng pelikula nilang Love You So Bad nina Will Ashley at Dustin Yu  sa  mediacon, Lunes ng gabi na ginanap sa Dolphy Theater. Hindi halos makapaniwala ang tatlo na bida na sila sa pelikula pagkatapos nilang lumabas sa PBB; Collab. Ang Love You So Bad ay handog ng Star Cinema, Regal Entertainment, at GMA Pictures na …

Read More »