Sunday , December 22 2024

Leonard Basilio

Witnesses vs De Lima hawak ng DoJ

TINIYAK ng Department of Justice (DoJ), haharap sa isasagawang imbestigasyon ng Kamara de Representante ang mga testigo laban kay Sen. Leila de Lima na iniuugnay sa mga nakakulong na drug lord sa New Bilibid Prisons (NBP). Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, may lima hanggang anim silang testigo laban sa senadora na kinabibilangan ng prison guard, bagman at kaibigan ni …

Read More »

61-anyos driver nagbaril sa sentido (Problemado sa pera)

dead gun

PATAY ang isang 61-anyos jeepney driver makaraan magbaril sa sarili dahil sa prolema sa pera kamakalawa sa Tondo, Maynila. Binawian ng buhay habang dinadala sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Edmund Cruz, ng 341 Coral Street, Tondo, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balingan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 10:30 pm nang maganap ang insidente sa …

Read More »

Vendor patay sa saksak

PINATAY sa saksak ng isang lasenggo ang kanyang 43-anyos live-in partner nang hindi makapagbigay ng pambili ng alak sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay sa Gat Andres Bonifacio  Memorial Medical Center dakong  9:57 pm ang biktimang si Baunut Mapusali, residente sa Block 11, Baseco Compound, Port Area. Habang pinaghahanap ang suspek na si Lux Mangcao  alyas …

Read More »

Kelot patay dyowa timbog sa droga

PATAY ang isang 37-anyos lalaki habang naaresto ang kanyang kinakasama sa buy-bust operation  kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Si Allan Eufemio, residente ng Benita St., Gagalangin, Tondo ay namatay noon din habang naaresto ang kinakasama niyang si Lanie de Guzman, 35, ng nasabing lugar. Batay sa ulat ni Det. Milbert Balinggan ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section, bandang 10:10 …

Read More »

Nabuhawi pumanaw na

TULUYAN nang binawian ng buhay kamakalawa ang isang security guard na malubhang nasugatan nang tamaan ng bakal sa ulo sa kasagsagan nang pananalasa ng buhawi sa lungsod ng Maynila nitong Linggo ng hapon. Sa ulat ni Supt. Santiago Pascual III, station commander ng Manila Police District (MPD) – Station 3, dakong 4:30 pm nitong Martes nang ideklarang patay ng mga …

Read More »

Leeg ng garbage collector sumabit sa kable, tigbak (Nahulog sa truck)

road traffic accident

PATAY ang isang basurero makaraan mahulog mula sa isang garbage truck nang sumabit ang kanyang leeg sa isang nakalaylay na kable habang nakaupo sa ibabaw ng naturang sasakyan sa Sampaloc, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jonel Cataylo, 25, ng Building 26, Unit 119, Permanent Housing, Balut, Tondo, Maynila. Ayon sa …

Read More »

Drug supplier sa Maynila tumba sa pulis

shabu drugs dead

  PATAY ang isang hindi nakilalang lalaking hinihinalang supplier ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin kahapon sa Sampaloc, Maynila. Agad binawian ng buhay ang hindi nakilalang lalaking tinatayang may gulang na 35 hanggang 40-anyos, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang drug bust sa 1040 Paquita St., Sampaloc. Ayon kay Supt. Aquino B. Olivar, station …

Read More »

Bahay ng 200 pamilya winasak ng buhawi sa maynila

UMABOT sa 200 pamilya sa Baseco, Tondo, Maynila ang naapektohan nang pananalasa ng isang buhawi sa Maynila nitong Linggo. Tumagal ng sampu hanggang 15 minuto ang pananalasa ng buhawi na nagsimula sa Block 1, Gasangan, hanggang sa Intramuros, tumawid ng Burgos at dumaan ng Lawton, sa likod ng Central Post Office hanggang Sampaloc dakong 5:00 pm. “Nagulat na lang ako …

Read More »

3 Chinese arestado sa drug raid sa Maynila

shabu drug arrest

ARESTADO ang tatlong Chinese national na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng droga sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Binondo, Maynila nitong Sabado ng gabi. Nadakip ang mga suspek nang halughugin ng NBI Anti-Illegal Drugs Division ang bahay ng isang Shenghua Zang sa Attaco building, Sto. Cristo St., sa bisa ng search warrant. Narekober sa nasabing bahay …

Read More »

2 karnaper patay sa shootout

dead gun police

PATAY ang dalawang hinihinalang karnaper  nang makipagbarilin sa nagpapatrolyang mga pulis makaraan sitahin sa hinahatak na motorsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga napatay sa alyas Sammy,  20-25 anyos, at alyas Intoy, 20-25-anyos. Ang mga suspek ay binawian ng buhay habang isinusugod sa Ospital ng Tondo. Sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, …

Read More »

Pader sa Old Bilibid Compound gumuho (2 patay, 15 sugatan)

DALAWA ang kompirmadong patay sa pagguho ng pader sa Oroquieta St., Old Bilibid Compound, Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga. Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Chief Johnny Yu, kinilala ang mga biktimang magkapatid na sina Argielyn Joy, 16, at Mary Verina 14-anyos. Habang nasa 15 ang sugatan kabilang sina Rommel Ebio, 31, at Arnold Gomez, …

Read More »

2 patay, 1 arestado sa anti-drug ops

PATAY ang dalawang lalaki habang arestado ang isang babaeng kanilang kaanak nang lumaban sa mga pulis na nagsisilbi ng search warrant sa kanilang tahanan sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa. Kinilala ang mga napatay na sina Alvin Comia, 39, tubong Laguna, at Gaerlan Makahilig, nasa hustong gulang; kapwa residente sa Road 1, Bagong Sikat, Punta, Sta. Ana. Batay sa imbestigasyon ni …

Read More »

Tulak patay sa buy-bust, live-in partner arestado

PATAY ang isang 45-anyos hinihinalang drug pusher habang arestado ang kanyang live-in partner nang maaktohan habang nagre-repack ng shabu sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Chief Insp. Leandro Gutierrez ng Gandara PCP, ang napatay na si Reynaldo Viscaino, residente ng Room 202, Tiaoqui Building, 523 Bustos St., Sta. Cruz, Maynila, habang arestado ang kanyang kinakasamang si Erlinda …

Read More »

Sasakyan ng politiko gamit sa flesh trade (5 bugaw tiklo sa NBI)

NALAMBAT ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation  (NBI) ang limang indibidwal na hinihinalang bugaw ng mga menor de edad sa mga parokyano ng panandaliang aliw, sa pagsalakay sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Bukod sa pagsadlak sa mga kabataan sa prostitusyon, inaasahang kakalkalin din ng NBI-Death Investigation Division, ang natuklasang may red plate “No. 8” na isang Avanza …

Read More »

P2.5-M puslit na kendi mula China nasabat (Sa BoC)

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila South Harbor ang limang container van na naglalaman ng P2.5 milyong halaga ng iba’t ibang klase ng puslit na kendi mula sa China. Ito ay makaraan ang inspeksiyon na isinagawa ng BoC sa pangunguna ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Base sa entry declaration ng nasabing kargmento, dumating ang limang …

Read More »

2 holdaper pumalag sa parak, tigbak

PATAY ang dalawang hindi nakilalang lalaking hinihinalang mga holdaper nang lumaban sa sumitang mga pulis sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw. Sa imbestigasyon ni Senior Insp. Elias Dematera, commander ng Gulod Police Station ng Manila Police District, dakong 2:00 am nang mamataan nang nagpapatrolyang mga pulis ang mga suspek na tumalon sa center island malapit sa Altura Bridge sa Sampaloc. …

Read More »

Kelot utas sa love triangle

gun dead

HINIHINALANG love triangle ang motibo sa pagpatay sa isang 42-anyos lalaking miyembro ng Sigue- sigue Commando na pinagbabaril ng riding in tandem sa Tondo, Maynila kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Hasan Husen Sarip, jobless, ng 2184 Batangas Street, Tondo. Sa imbestigasyon ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District Homicide Section, dakong 2:15 pm nang maganap ang …

Read More »

Lola patay sa tren, 2 paa naputol

NAPUTOL ang dalawang paa ng isang 60 anyos lola makaraan mahagip ng tren ng Philippine National Railways (PNR) habang nagte-text sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Norma Taylan, nakatira sa 922 Antipolo St., Sampaloc, Maynila. Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima patawid sa riles malapit sa España Station nang mahagip ng tren na patungong Tutuban dakong …

Read More »

Tulak pinatay sa loob ng bahay

dead

PINASOK ng hindi nakilalang mga lalaki ang bahay ng isang hinihinalang drug pusher at siya ay pinagbabaril sa Pandacan, Maynila kahapon ng madaling-araw. Wala nang buhay nang matagpuan sa kanilang bahay ang biktimang si Terry Cayuvit, 34, walang hanapbuhay, miyembro ng Bahala na Gang, at residente ng 2828 Beata Street, Pandacan, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, …

Read More »

Kaso vs road rage suspect dedisisyonan ng piskalya

RERESOLUSYONAN na ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) ang kasong murder at frustrated murder laban sa road rage suspect na si Vhon Martin Tanto. Ang preliminary investigation ay pinangunahan nina Assistant State Prosecutors Robert Ong, Honey Delgado at Jeanette Dacpano. Hindi na nagsumite ng counter affidavit ang kampo ni Tanto. Ayon kay Atty. Trixie Angeles, abogado ni …

Read More »

Estudyante nahulog sa railings ng PUP

SUGATAN ang isang 17-anyos lalaking estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) nang mawalan ng balanse at mahulog mula sa kinauupuang railings ng isang gusali sa loob ng unibersidad sa Sta. Mesa, Maynila kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa UERM Memorial Hospital ang biktimang si Euclid Gareth dela Peña, 1st year student ng  Bachelor of Arts of Filipinology …

Read More »

2 Chinese drug lord itinumba sa Maynila

shabu drugs dead

KAPWA pinagbabaril ang isang lalaki at isang babaeng parehas na “Chinese looking” at itinapon ng hindi nakikilalang mga suspek kahapon ng madaling araw sa magkahiwalay na lugar sa Maynia. Unang natagpuan dakong 3:30 am ng isang pedestrian na si Mesalyn Milagros Probadora, 45, ang bangkay ng lalaking Chinese, edad 30-35, may taas na 5’4, nakasuot ng maong na pantalon, itim …

Read More »

5 ‘labor leaders’ tiklo sa kotong

arrest prison

TIMBOG sa mga elemento ng Manila Police Ditrict-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang limang miyembro ng isang labor group na nagpakilalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at nangikil ng P100,000 sa isang kompanya, sa isang kilalang foodchain sa Intramuros, Maynila kamakalawa ng umaga. Nakadetine na sa MPD-Integrated Jail ang mga suspek na kinilalang sina Alicia Apurillo, 63, …

Read More »

Bebot utas sa saksak ng ex-dyowa

Stab saksak dead

PATAY ang isang 27-anyos ginang makaraan pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner habang nagtatalo sa Tondo, Maynila kamakalawa. Ayon sa ulat ng pulisya, 13 beses sinaksak ng suspek na si Resie Sese, 30, ang dati niyang kinakasama na si Rizza Sanchez, 27, kapwa residente ng 226 H. Lopez, Balut, Tondo, Maynila. Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balingan ng Manila Police …

Read More »

P10-M shabu iniwan sa jeepney

ISINUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) ng isang jeepney driver ang dalawang kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P10 milyon, iniwan sa kanyang sasakyan ng hindi nakilalang pasahero noong Hulyo 23 sa Bacoor, Cavite. Iniharap ni NBI-AIDD chief, Atty. Joel Tovera sa mga mamamahayag ang jeepney driver na si alyas Joel. “Nakatulog ‘yung lalaking pasahero, tapos nang makarating kami sa …

Read More »