Friday , October 25 2024

Witnesses vs De Lima hawak ng DoJ

TINIYAK ng Department of Justice (DoJ), haharap sa isasagawang imbestigasyon ng Kamara de Representante ang mga testigo laban kay Sen. Leila de Lima na iniuugnay sa mga nakakulong na drug lord sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, may lima hanggang anim silang testigo laban sa senadora na kinabibilangan ng prison guard, bagman at kaibigan ni De Lima.

Sa katunayan, mayroon na aniyang nagbigay ng sinumpaang salaysay at laman nito ang sanhi nang paglaganap ng operasyon ng droga sa NBP at ang naging kapabayaan ng dating mga opisyal ng DoJ kaya namayagpag ang operasyon.

Dagdag ni Aguirre, binanggit din ng isa sa mga testigo ang pangalan ng driver ni De Lima na nagsilbing  tagakolekta ng drug money mula sa mga high-profile drug lord.

At kahit tapos na ang eleksyon, nakikita pa rin aniya sina De Lima at ang kanyang dating karelasyon na si Ronnie Dayan sa Urbiztondo, Pangasinan.

Inihayag ni Aguirre, mayroon din silang hawak na ebidensiya laban kay dating Justice Undersecretary Francisco Baraan na ang pangalan ay nakaladkad sa sinasabing ugnayan ni De Lima sa mga drug lord sa Bilibid.

Ginawa ni Aguirre ang pahayag sa idinaos na Europe-Philippines Justice Reform Programme sa Marco Polo Hotel sa Ortigas kamakalawa.

Nauna nang sinabi ni Aguirre, kumakalap na sila ng testigo at ebidensya kaugnay nang pamamayagpag ng mga drug lord sa NBP.

Ang nasabing bagay ay mariing  itinanggi ni Atty. Baraan.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

FPJ Panday Bayanihan party-list nasungkit No.3 sa balota

NAKUHA ng FPJ Panday Bayanihan party-list ang isang prominenteng posisyon sa 2025 midterm election ballot …

BuCor Bureau of Corrections

Sa buong bansa  
240 PDLs pinalaya ng Bucor

PANIBAGONG 240 persons deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya ngayong araw ng Bureau of Corrections …

Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco Gumabao nag-aral para paghandaan pagkandidato

HATAWANni Ed de Leon MABUTI naman at naghanda pala kahit paano si Marco Gumabao kasabay ng kanyang …

Marian Rivera Balota

Pelikula ni Marian kumita

RATED Rni Rommel Gonzales MAS marami na nga ang nakanood ng pelikulang ni Marian Rivera nang magsimula …

PNP PRO3

Organized crime group nalansag 4 miyembro timbog sa PRO3

MATAPOS maglabas ng marching order si Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Juanito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *