Friday , January 28 2022

Drug supplier sa Maynila tumba sa pulis

 

PATAY ang isang hindi nakilalang lalaking hinihinalang supplier ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin kahapon sa Sampaloc, Maynila.

Agad binawian ng buhay ang hindi nakilalang lalaking tinatayang may gulang na 35 hanggang 40-anyos, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang drug bust sa 1040 Paquita St., Sampaloc.

Ayon kay Supt. Aquino B. Olivar, station commander ng Sampaloc Police Station (PS-4), unang tinutukan ng suspek ng .38 kalibreng baril ang mga pulis na humantong sa palitan ng putok.

Isang Alvin Gonzalez, isa sa apat na hinihinalang tulak ng droga na naaresto noong Agosto 13 sa Paquita St., ang nagturo sa mga pulis sa kinaroroonan ng suspek.

( LEONARD BASILIO, may kasamang uklat nina Joana Cruz at Kimbee Yabut )

2 SANGKOT SA DROGA  TINADTAD NG BALA

TADTAD ng tama ng bala nang matagpuan ang bangkay ng  dalawang lalakimg sinasabing sangkot sa droga sa magkahiwalay na insidente sa Taguig City at Parañaque City, iniulat kahapon.

Base sa ulat ng Taguig City Police, natagpuan ang bangkay ng hindi nakilalang lalaki dakong 12:30 am sa Nepelis St., Brgy. Sta. Ana ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat ng Parañaque City Police, dakong 3:30 am nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa 16th St., Puyat Compound, Brgy. Tambo ng naturang lungsod.

(JAJA GARCIA )

About Leonard Basilio

Check Also

Manny Villar ABS-CBN

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na …

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President …

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of …

Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna …

Leave a Reply