Friday , November 22 2024

Jaja Garcia

Bunso todas sa kuyang may sayad

Stab saksak dead

SINAKSAK hanggang mapatay ng 38-anyos binata na sinasabing may diprensiya sa pag-iisip ang nakababatang kapatid sa Parañaque City, nitong Linggo ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si Jonathan dela Vega Capistrano, 28, binata, construction worker, tubong-Naga Catanduanes, residente sa Capernum, Purok 7, Morales Compound, Barangay Moonwalk, dahil sa mga saksak sa iba’t ibang …

Read More »

Nagpulot-gata sa Maldives ‘inangkin’ ng dagat (Mag-asawang nurse na high school sweethearts)

TRAHEDYA ang kinau­wian ng pag-ibig ng mag-asawang overseas Filipino workers (OFWs) na piniling magpulot-gata sa Maldives mata­pos ang kanilang kasal dalawang linggo na ang nakararaan. Kinilala ang mag-asawang high school sweethearts na sina Leomer at Erika Joyce Lagradilla na ikinasal bago matapos ang taong 2018 Ayon sa mga kaanak at kaibigan, high school sweethearts at 10 taong naging magkasintahan ang …

Read More »

15-anyos sinaksak sa leeg

knife saksak

SA hindi malamang dahilan, sinaksak sa leeg ang isang 15-anyos na lalaki ng isang suspek sa Makati City, Sabado ng gabi. Ginagamot sa Ospital ng Makati (OsMak) ang 15-anyos na menor de edad biktima, sanhi ng isang saksak sa kanang leeg. Pinaghahanap ng Makati City Police ang suspek na kinilalang si Mark Ian Hidalgo, alyas Yaya, nasa hustong gulang, residente …

Read More »

BOSS project muling inilunsad ng Taguig LGU

INILUNSAD muli ng Taguig City government ang Business One-Stop Shop (BOSS) program sa lungsod upang maka­pagbigay ginhawa sa entrepreneurs at business owners sa siyudad. Sa 3-20 Enero 2019, ipapatupad muli ang BOSS program na walang weekend breaks, nang sa gayon ay maalalayan ang mga negosyante na abala sa kanilang mga gawain mula Lunes hanggang Linggo. Muling mabibigyang ang mga negosyante …

Read More »

P.3-M nadale ng salisi gang

money thief

TINATAYANG aabot sa P300,000 ang nakulimbat ng isang babaeng miyem­bro ng umano’y Salisi Gang, mga tseke, mama­haling gamit, cash, gadget at iba pa sa isang nego­syante sa loob ng clinic sa Muntinlupa City, Sabado ng hapon. Halos manlumo nang dumulog sa himpi­lan ng Muntinlupa City Police ang biktima na kinilalang si Suzette Lavin, 44, upang irekla­mo ang nangyaring pag­nanakaw. Patuloy …

Read More »

Deguito ng RCBC 7-taon kulong sa money laundering

APAT hanggang pitong taong pagka­kakulong ang inihatol ng Makati City Regional Trial Court (RTC) sa dating RCBC Jupiter branch manager sa kasong money laundering kahapon ng umaga sa lungsod. Sa 26-pahinang desi­syon ni Makati RTC Judge Cesar Untalan ng Branch 149, si Maia Santos-Deguito, nasa hustong, dating RCBC manager ay may sapat na basehan para idiin sa kaso sa walong …

Read More »

Pekeng enforcer kalaboso sa Pasay

arrest posas

INIREKLAMO ng pangongotong ang 57-anyos lalaki na nagpanggap na traffic enforcer ng isang rider na hinihingan ng lagay kapalit ng hindi umano pag-iisyu ng tiket sa ginawang vilotation ng biktima sa Pasay City kahapon ng umaga. Sa report na natanggap ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores, ang hinuling suspek ay kinilalang si Marcelo Frias, taga-Pilapil St., Bangkusay, Tondo Maynila. …

Read More »

DILG officer ‘kalaboso’ sa bomb joke

ISANG babaeng opera­tion officer 7 ng Depart­ment of Interior and Local Government (DILG) ang  nasa balag na alanganin matapos magbiro na may dala siyang bomba sa loob ng Cuneta Astrodome sa Pasay City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Pasay City Police chief S/Supt. Noel Flores, ang inarestong DILG operation Officer 7 na si Elsie Castillo, 57,  taga-Santan Road, Almar Subdivision, …

Read More »

Barangay secretary tinodas ng tandem

riding in tandem dead

ISANG barangay secre­tary ang sunod-sundo na pinaputukan ng baril hanggang malagutan ng hininga ng isa sa lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo sa tabi ng barangay hall sa Pasay City, kamakalawa ng hapon. Nalagutan ng hininga sa Pasay City General Hospital dakong 6:02 ng gabi ang biktimang si Jackielyn Antonio y San­tos, kalihim ng Barangay 124, Zone 14, sanhi ng mga …

Read More »

NCRPO handa sa kapistahan ng Nazareno (7,100 pulis itatalaga)

INIHAYAG ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar na magtatalaga sila nang mahigit 7,000 pulis sa darating na 9 Enero para sa pista ng Itim na Nazareno upang magmantina ng seguridad at peace and order sa labas at bisinidad ng Quiapo. “Sa atin pong preparation, we will be fielding around 7,100 police personnel kasama na po ‘yung augmentation …

Read More »

Metro crime rate bumagsak dahil sa anti-drug war

Guillermo Eleazar

BUMABA nang 21 porsiyento ang krimen sa Metro Manila mula sa 18,524 noong taon 2017 ay naging 14,633 crime rate nitong 2018. Ito ang inihayag kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.   Dahil sa patuloy na giyera kontra droga, maituturing na bumaba ang krimen sa Metro Manila nitong 2018 kompara noong nakaraang taon, ani Eleazar . …

Read More »

Español nagwala sa condo parking kalaboso

prison

KALABOSO ang isang Español nang magwala at sirain ang salamin ng sasakyan ng isa sa mga tenant  at manuntok ng guwardyang umaawat sa kanya sa parking area ng isang condominium sa Makati City. Kinilala ang arestadong suspek na si Jairo Ruiz Ibanez, 36, ng Purok 5,  General Luna, Siargao, Surigao del Norte, nahaharap sa kasong malicious mischief, alarm and  scandal, assault at  …

Read More »

P6-M tangkang nakawin sa kompanya, Chinese tiklo

INIREKLAMO sa Pasay City Police ang isang Chinese national na nagtangkang nakawin ang P6,000,000 sa pinagtatraba­huang kompanya sa Pasay City, nitong Miyerkoles ng gabi. Nagwala sa loob ng Station Investigation Detective and Management Branch ng Pasay Police, ang suspek na si Jiang Jun, 24-anyos, computer encoder ng Altech Innova­tion Business, kaya tulong-tulong ang mga imbestigador sa pag-awat sa kanya. Nahaharap ang …

Read More »

2 Pinoy sugatan sa school bus mishap sa HK

road accident

ISA sa dalawang Filipino na sinabing sugatan sa insidenteng kinasa­sang­kutan ng school bus sa Hong Kong, ay nakalabas na sa pagamutan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Base sa ulat na nakarating sa DFA mula sa Konsulado ng Filipinas sa Hong Kong, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan sa dala­wang nasugatang Filipino makaraan magkaaberya ang isang school bus sa North …

Read More »

Pusakal na tulak todas sa P3.4-M shabu, bala at baril (2 babae sugatan, 6 arestado)

dead gun

PATAY ang isang lalaki habang dalawa ang suga­tan sa ikinasang opera­syon nang pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng Regional Drug Enforce­ment Unit ng National Capital Regional Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency (RDEU-NCRPO-PDEA) at Makati City Police, laban sa umano’y isang grupo ng mga kriminal sa Brgy. Pio Del Pilar, Maka­ti City, nitong Miyerkoles ng gabi. Agad namatay sa …

Read More »

100K Filipino English teachers wanted sa China

PLANONG kumuha o mag-hire ng 100,000 Filipino English teachers ang China sa pama­magi­tan ng nangungunang online provider ng English as Second Language (ESL) education. Kasama si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, ipinaliwanag ng mga kinatawan mula sa kompanyang ‘51 Talk’ kung paano nila matutu­lungan ang mga gurong Filipino para sa mas magandang oportunidad sa trabaho. Dito ay ipinaliwanag ng …

Read More »

Trillanes malayang nakalabas sa bansa (Patungo sa US, Europe)

NAKAALIS na ng bansa si Senator Antonio Tril­lanes lV kahapon mata­pos bigyan ng pahintulot ng korte ng Makati na makaalis ng bansa. Mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, sakay ng Eva Air via Taipei patungong Esta­dos Unidos ay umalis ang senador dakong 3:00 ng madaling-araw kaha­pon. Nakalabas ng bansa si Trillanes makaraan pagbigyan ni Makati City Regional Trial Court …

Read More »

OFW naipit ng 2 bus todas (Sa Makati City)

PATAY ang isang overseas Filipino worker (OFW) makaraan magitgit at maipit ng dalawang pampasaherong bus sa loading and unloading area sa Makati City, nitong Sabado ng gabi. Nalagutan ng hininga sa Ospital ng Makati ang biktimang si Luis Ora­cion, nasa hustong gu­lang, isang OFW, resi­dente sa Sitio Militar Project 8, Quezon City, sanhi ng matinding pinsala sa katawan. Nasa kustodiya …

Read More »

Bilibid ililipat — Faeldon

nbp bilibid

NAUPO na bilang ba­gong director ng Bureau of Corrections (BuCor) kahapon si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon at inihayag na sa susunod na tatlong taon ay tatanggalin na ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Sinabi niya ito sa harap ng mga kawani ng BuCor nang dumalo siya sa kanyang unang flag ceremony. Aniya, ang pagliilpat …

Read More »

Loaf bread P2 taas presyo (Paborito sa Noche Buena)

INAPROBAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon ang P2 dagdag presyo para sa branded loaf bread. Sinabi ni DTI Con­sumer Protection Advo­cacy Bureau director Dominic Tolentino, ang kanilang hakbangin ay bunsod ng price hike ng mga sangkap sa pag­gawa ng tinapay tulad ng arena at asukal. Ayon sa DTI, sa P2 dagdag-presyo ay hindi sakop ang pandesal, low-cost Pinoy …

Read More »

Ex-PBA coach inasunto sa pamamaril

Dante Silverio

SINAMPAHAN ng kaso sa Makati Prose­cutor’s Office ang da­ting coach ng Philippine Basketball Association (PBA) at sports car enthusiast na si Dante Silverio, makaraan ma­maril sa kanilang lugar. Inaresto si Silverio ng mga tauhan ng Makati City Police dahil sa kasong alarm scan­dal. Base sa ulat ng puli­s-ya, si Silverio, 81, ay hinuli ng pulisya noong 9 Nobyembre, bandang 10:23 am sa loob …

Read More »

‘Stairway to heaven’ footbridge idinepensa ng MMDA (Sa Kamuning)

stairway to heaven footbridge Mount EDSA biyaheng langit footbridge

HINDI para sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens at mga buntis ang napakataas na footbridge sa EDSA-Kamuning sa Que­zon City kundi sa mga able-bodied pedestrians, ayon sa  Metropolitan Manila Deve­lop­ment Authority (MMDA). Inihayag ito ni MMDA General Manager Jose Arturo “Jojo” Garcia Jr., makaraan mag-viral sa social media ang retrato ng footbridge at binira ng ilang netizens ang sobrang taas na …

Read More »

NCRPO nakatutok sa unibersidad at kolehiyo sa ‘Red October’ ouster plot

PATULOY na mino-monitor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila na sinasa­bing pinagrerekrutan ng CPP-NPA para sa kanilang planong “Red October” na magpapabagsak kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Kasunod ito sa inilabas na listahan ng mga paaralan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na pa­wang nasa Metro Manila. Binigyang linaw ni …

Read More »

Mag-utol niratrat, 1 dedbol

dead gun police

PATAY ang isang 21-anyos lalaki habang sugatan ang kanyang kapatid nang pagbaba­rilin sila habang lulan ng motorsiklo, ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng Toyota Innova sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi. Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Angelbert Paco, 21, residente sa 101 Purok 6, Tramo Heights, Brgy. Sucat ng siyudad, sanhi ng mga tama …

Read More »

Drug personality, 1 pa tiklo sa parak

drugs pot session arrest

BAGSAK sa piitan ang isang lalaking kabilang sa drugs watchlist at kanyang kasama nang maaktohang bumabatak ng ilegal na droga sa isang apartment sa Pasay City, kamakalawa ng hapon. Nakakulong sa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Vicente Dineros, nasa drugs watchlist, 43, may asawa, tint installer, at residente sa Champaca St., Brgy. 137, Zone …

Read More »