Thursday , October 3 2024

Español nagwala sa condo parking kalaboso

KALABOSO ang isang Español nang magwala at sirain ang salamin ng sasakyan ng isa sa mga tenant  at manuntok ng guwardyang umaawat sa kanya sa parking area ng isang condominium sa Makati City.

Kinilala ang arestadong suspek na si Jairo Ruiz Ibanez, 36, ng Purok 5,  General Luna, Siargao, Surigao del Norte, nahaharap sa kasong malicious mischief, alarm and  scandal, assault at  resisting arrest.

Kinilala ang mga nagreklamo na sina Edd Paolo Morales, 30, ng Prime Tower Suits, Bgy. Poblacion sa naturang lungsod; Allaniel Mayangao, 33, guwardiya ng naturang condominium, mga tanod ng naturang barangay na sina Rosalie Mosquisa at Mariloi Sallo.

Sa nakarating na ulat kay Makati City police chief  S/Supt. Rogelio Simon,  dakong 5:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa parking area sa ikalawang palapag ng Makati Prime Tower Suites.

Bigla umanong nagwala ang nasabing dayuhan at winasak ang helmet ng kanyang motorsiklo.

Inawat siya ni Morales, ngunit imbes tumigil ang suspek ay sinira ang salamin ng bintana ng kanyang sasakyan.

Humingi ng tulong si Morales sa  nakatalagang guwardyang si Mayangao upang awatin ang nagwawalang dayuhan.

Pero sinuntok nito ang guwardiya at binato ng hollow block sa bandang likuran. Kaya nagpasyang tumawag  ng mga tanod para ipahuli ang nagwawalang suspek.

Ngunit binalingan ng dayuhan  ang mga tanod na humuhuli sa kanya, ngunit nadala rin sa himpilan ng pulisya.

 

About Jaja Garcia

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *