100K Filipino English teachers wanted sa China

PLANONG kumuha o mag-hire ng 100,000 Filipino English teachers ang China sa pama­magi­tan ng nangungunang online provider ng English as Second Language (ESL) education.

Kasama si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, ipinaliwanag ng mga kinatawan mula sa kompanyang ‘51 Talk’ kung paano nila matutu­lungan ang mga gurong Filipino para sa mas magandang oportunidad sa trabaho.

Dito ay ipinaliwanag ng mga taga-51 Talk ang mga estratehiya para sa ugnayang ito o koo­perasyon na magsisilbing gabay ng mga Filipino English teachers upang makalahok at makina­bang mula sa 500 billion Yuan o 72 billion US dollars na English training industry sa China.

Ayon kay Zhao, balak din nilang i-promote ang kahusayan ng mga gu­rong Filipino, hindi la­mang sa kanilang bansa kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bulod dito, paliwa­nag ni Zhao, bahagi rin ito nang pagpapalakas ng English Second Language industry sa Filipinas.

 (JAJA GARCIA)