ni Nonie V. Nicasio BUKOD sa pagiging Dance and Fashion Diva, si Regine Tolentino ay isa ring healthy lifestyle advocate. Sa matagumpay na Summer Style Savvy with Regine Tolentino sa Eastwood Mall na ginanap recently, isa ito napansin namin sa kanya. Nang amin nga siyang mapakapayam, binigyan empasis niya ang kahalagahan ng healthy lifestyle lalo na sa isang tulad niyang …
Read More »Vhong Navarro, okay lang makatrabaho si Ellen Adarna
ni Nonie V. Nicasio NAINTRIGA ang pagkawala ni Ellen Adarna sa pelikulang pinagbibidahan ni Vhong Navarro titled Da Possessed na mapapanood na sa April 19. Una kasing napa-ulat na isa sa casts dito si Ellen, ngunit biglang nagbago ng line-up ang pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Joyce Bernal. Kaya dito nagsimula o nagkaroon ng kulay o intriga. Kaibigan kasi …
Read More »Kris Aquino pumalag sa massacre movie nila ni Derek Ramsay (Baka mas feel ang drama romance?)
ni Peter Ledesma DAHIL si Kris Aquino ang Queen ng mga massacre movie ay gusto ni Mother Lily Monteverde na pagsamahin sila ni ni Derek Ramsay sa ipo-produce na massacre film na hango sa isang controversial crime. Pero agad na tinanggihan ni Kris ang offer ni madera dahil ang feeling siguro ng sikat na TV host-actress, kahit na reyna pa …
Read More »Magsasaka, baboy todas sa koryente (Nagpaligo ng mga alaga)
CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang magsasaka nang tangkain saklolohan ang kanyang mga alagang baboy na nakoryente sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela. Kinilala ang biktimang si Mark Jay Abon, 20, may-asawa, magsasaka at residente sa nasabing lugar. Si Abon ay nagtungo sa kanyang piggery ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay upang linisin ang kulungan ng kanyang mga …
Read More »Pag-ibig mensahe ng Palm Sunday – Tagle
BINASBASAN ng pari ang mga palaspas ng mga deboto bilang hudyat ng Semana Santa sa Redemptorist Church, Baclaran, Paranaque City. (JIMMY HAO) MAS mabibigyan nang kabuluhan ang paggunita ng mga mananampalataya ng Semana Santa sa pamamagitan nang pagtulong sa kanilang kapwa. Sa kanyang mensahe, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kababayan na isabuhay ang mga aral hinggil …
Read More »Laptop bawal sa Bar exam-SC
HINDI pinayagan ng Korte Suprema ang paggamit ng laptop sa panahon ng Bar Examinations. Sa en banc resolution noong April 1, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang kahilingan ng isang Cora C. Amarga na pahintulutan ang paggamit ng laptop ng mga examinee. Paliwanag ng SC, walang balido at walang kapani-paniwalang dahilan upang pagbigyan ang petisyon ni Amarga na naglalayong magamit ang …
Read More »8 patay, 14 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan
DAVAO CITY – Patay ang walo katao, kabilang ang isang sanggol, habang 14 ang sugatan sa banggaan ng apat na sasakyan sa bahagi ng Ma-a Diversion road dakong 8 p.m. kamakalawa. Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck kaya nabangga ang mga sasakyang sinusundan kabilang na ang puting Tamaraw FX na may lulang 15 katao. Kinilala ang …
Read More »Bradley KO kay PacMan (Palasyo ‘pumusta’)
UMAASA ang Palasyo na mapatutumba ni pambansang kamao Manny Pacquiao ang katunggaling si Timothy Bardley, Jr., sa kanilang rematch ngayon sa Las Vegas, Nevada. “Ang mensahe po natin doon sa Pambansang Kamao ay umaasa po tayong isa na namang pagtumba ang mangyayari at mananaig. Confident tayo na mananaig si Manny Pacquiao over Timothy Bradley,” ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. …
Read More »P20-M patong vs Tiamzons isinubi ni Gazmin, Roxas (Bayan Muna Rep. hinamon ng Palasyo)
HINAMON ng Palasyo si Bayan Muna Rep. Isagani Zarate na maglabas ng katibayan sa kanyang alegasyong ibinulsa ng dalawang miyembro ng Gabinete ang reward money para sa pagdakip sa matataas na opisyal ng kilusang komunista sa bansa. Kinuwestiyon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang batayan ni Zarate sa pagbibintang kina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Interior Secretary Mar Roxas …
Read More »Cabañero inasunto ng pageant organizer
Kinasuhan ng organizer ng Miss Bikini Philippines pageant ang dating kandidatang si Roxanne Cabañero. Humirit ang Slimmers World International ng P1 milyon danyos para sa paulit-ulit na pagbanggit ni Cabañero sa pangalan ng organisasyon at sa Miss Bikini Philippines sa inihaing reklamo at mga panayam kaugnay ng umano’y panggagahasa sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro. Nakasaad sa kasong …
Read More »Suportahan natin si Manny Pacquiao
HINDI man sing-init ang usapan ng mga dating laban ni MANNY PACQUIAO, aminin natin na lahat tayong mga Pinoy ay umaasam na mabawi niya ang korona sa WBO welterweight rematch nila ngayon ni Tim Bradley. Marami ang naniniwala na mababawi ni Pacman ang nasabing korona. Lalo na’t llamado ngayon si Manny at lumalarga ng pustahang P250 manalo ng P100 sa …
Read More »Bading na pulis itinalaga sa Agusan checkpoint
BUTUAN CITY – Umani ng positibong reaksyon at komento mula sa mga sibilyan, mga motorista at kahit sa iba’t ibang sektor ng komunidad ang nag-click ngayon na “gay initiative” na ini-adopt ng mga tauhan ng 133rd Regional Public Safety Company (RPSC) na idine-deploy sa kanilang checkpoint sa Agusan del Sur. Napag-alaman, dahil sa layunin ng Philippine National Police (PNP) na …
Read More »Deniece, Cedric 5 pa no bail (Mosyon vs illegal detention ibinasura)
WALANG piyansa ang serious illegal detention na kinakaharap nina Deniece Cornejo, Cedric Lee at limang iba pang akusado. Naghain ng motion for the determination of probable cause ang kampo nina Lee at Cornejo ukol sa kasong serious illegal detention na iniakusa ng aktor na si Ferdinand “Vhong” Navarro. Ngunit ilang minuto makaraan ang pagsusumite ng mosyon, ipinabalik ito ng Taguig …
Read More »Lifestyle check sa mga mambabatas, pabor na pabor tayo d’yan!
GUSTO natin ang panukala ni Senator Grace Poe na isailalim din sa lifestyle check silang mga Senador. Talaga naman kasing nakapagtataka ang ‘YAMAN’ ng mga politiko sa atin bansa. Wala namang establisadong negosyo pero hanep ang kanilang asset & properties. Gaya na lang ni Senator Lito Lapid, napabalita kamakailan na bumili na naman ng bagong mansion (P16 million worth) sa …
Read More »Proteksyon ng US sa ‘Pinas tiniyak
TINIYAK ng Amerika na poprotektahan nila ang mga kaalyadong Pilipinas at Japan sa hidwaan sa China bilang pagtupad sa kanilang mutual treaty obligations sa mga bansang ito. Sa totoo lang, parang sampal ito sa mukha ng mga buwayang Intsik dahil binitiwan ni US Defense Sec. Chuck Hagel ang naturang pahayag habang nasa China at kaharap si Chinese Defense Minister Chang …
Read More »Totoo ba o hindi? Ang tangkang pangingikil ni MRT GM Vitangcol et’ al?
VITANG inang iyan! Ayon sa ibinulgar ng CZECH Ambassador sa Filipinas na si Amb. Joseph Rychtar. Worth $30 million, ang hinihinging padulas ni Vitangcol et al sa isang CZECH company, ang INEKON Group, para umano’y makuha ng kompanyang ito ang kontrata para sa 48 coaches. Ayon po ito bayan sa ‘extortion exposed’ ng CZECH Ambassador sa Filipinas Amb. Joseph Rychtar. …
Read More »TNT target ang 9-0 karta
TULUYANG pagpasok sa quarterfinals ang hangad ng Meralco sa pagkikita nila ng Barako Bull sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang 5:45 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Tatapusin naman ng Talk N Textang elimination round schedule nto kontra Globalport sa 8 pmmain game. Ang Tropang texters ay nasa unang puwesto at nakatiyak na ng twice-to-beat …
Read More »Import ng TNT naospital
HINDI sigurado si coach Norman Black kung lalaro ang import niyang si Richard Howell ng Talk n Text mamaya kontra Globalport sa huling asignatura ng Tropang Texters sa eliminations ng PBA Commissioner’s Cup. Sumakit ang balikat ni Howell dahil sa masama niyang bagsak dulot ng foul ni Paul Lee sa ikatlong quarter ng larong pinagwagihan ng Texters, 85-82. Nasa ospital …
Read More »Gomez, Bitoon naghati sa puntos
NAGHARAP sa round seven ang dalawang Pinoy GMs na sina John Paul Gomez at Richard Bitoon kaya naman nauwi lang sa draw ang kanilang laban sa DYTM Raja Nazrin Shah KL International Open Chess Championships 2014 sa Malaysia kamakalawa. May tig 5 puntos sina No.3 seed Gomez (elo 2524) at ranked No. 20 Bitoon (elo 2414) sa event na ipinatutupad …
Read More »Tsismis lang si Chism
MALIIT ba ang mga kamay ni Wayne Chism o mahina lanng talaga sa rebounding? Iyan ang katanungang bumalibol sa isipan ng mga fans ng Rain Or Shine matapos na matalo ang kanilang paboritong koponan sa nangungunang Talk N Text, 85-82 noong Miyerkoles. Iyon ang ikaapat na kabiguan ng Elasto Painters na ngayon ay kasama ng Barangay Ginebra, Meralco at Air …
Read More »Feng shui tips para sa harmonious home
SIMULAN ang paggamit ng feng shui cures makaraan isagawa ang clutter clearing. Ang paninirahan sa clutter-free home ay magdudulot ng kalinawan at malakas na energy levels sa inyong bahay. Ang tahanan na clutter free ay maaari ring makinabang mula sa inyong feng shui decorating efforts at pasisiglahin ang good feng shui energy. Narito ang basic feng shui tips para sa …
Read More »Ang Zodiac Mo
Aries (April 18-May 13) Maaaring maging mahalaga sa iyo ngayon ang material side ng buhay. Taurus (May 13-June 21) Ang iyong aksyon ngayon ay madedetermina sa iyong kasalukuyang sitwasyon sa pamilya at career. Gemini (June 21-July 20) Upang magkaroon ng kapanatagan, siguruhin ang financial positions. Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi magkakaroon ng financial problem kung sisiguruhin na magtitira ng pera …
Read More »Dyebs sa tabong kulay green
Gd am po, Ano po ba ang ibig ipahiwatig kapag nanaginip ka ng tumatae sa tbong kulay green. Salamt po (09303341049) To 09303341049, Ang ganitong panaginip ay maaaring nagpapakita na ang ilang aspeto ng pagkatao mo ay marumi o negatibo. Kailangan mong kilalanin at ilabas ang ganitong mga emosyon, kahit na hindi maganda o nakakahiya man ito. Ilabas ang mga …
Read More »Dress nagiging transparent kapag ‘turned-on’ sa crush
LUMIKHA ang Dutch designer ng damit na nagiging transparent kapag na-turned on ang nagsusuot nito sa kanyang ‘crush’. Ang Intimacy 2.0 dress ay may nakatagong sensors na maaaring ma-detect ang body temperature at heart rate ng nagsusuot nito. Kapag tumaas ang ‘response’ bunsod ng pagkabighani sa isang tao, ang damit ay nagiging ‘see-through,’ palatandaan na nakuha ang kanyang atensyon ng …
Read More »Mga alamat tungkol sa regla (Totoo ba o hindi?) (Last part)
TINALAKAY namin ito para malaman ninyo kung alin ang totoo o hindi. 4. Alamat: Ang pag-inom ng beer ay magpapalakas sa daloy ng dugo Ang dami ng dugong nawawala habang may regla ay nakadepende sa dami ng dugong nakaimbak sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong linggo. Depende rin ito sa hormonal level ng babae. Hindi nakaiimpluwensya ang pag-inom ng beer …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com