Monday , December 23 2024

hataw tabloid

Hazard pay para sa hukom isinulong

NAIS bigyan ng hazard pay ng isang mambabatas ang lahat ng mga hukom sa bansa dahil na rin sa peligrosong katungkulan na kanilang ginagampanan. “The nature of work of RTC judges exposes them to risks and perils to life considering that they handle heinous crimes, syndicated crimes and drug cases,” sambit ni Rep. Edcel Lagman. Nakasaad sa House Bill 4024 …

Read More »

Konsehala na dating Miss Earth sugatan sa ambush

SUGATAN ang dating Miss Earth-Philippines na konsehala ng Hagonoy, Bulacan, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Paombong, Bulacan. Sa impormasyon mula kay Senior Supt. Joel Orduna,  Bulacan Police Director,  kinilala ang biktimang si Konsehal Francis Dianne Cervantes, 32, residente ng Brgy. Mercado. Naganap ang bigong pagpatay kay Cervantes dakong 7:30 p.m. sa bayan ng Paombong. Sinasabing …

Read More »

3 PNoy Cabinets no ‘K’ sa P515-M PDAF probe

UMALMA ang Palasyo sa akusasyon na walang “K” ang tatlong miyembro ng gabinete na inatasan ni Pangulong Benig-no Aquino III na mag-imbestiga sa kwestiyonableng P515 milyong pork barrel na ibinigay sa National Commission on Muslim Filipinos sa pamamagitan ng Office of the President. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi  sangkot sa isyu sina Budget Secretary Florencio Abad Jr., Executive …

Read More »

Ex-NBI director, deputy tipster ni Napoles

IKINANTA ng dating opisyal ng National Bureau of Investigation na si dating NBI chief Nonnatus Rojas at current NBI Deputy Director for Regional Services Rafael Ragos ang dalawang NBI officials na nakipag-meeting kay Janet Lim Napoles bago naaresto ang pork barrel scam queen nitong nakaraang taon. Gayunman, idiniin ni Rojas na nangyari ang kanilang meeting kay Napoles bago pa mag-isyu …

Read More »

Baril ni mayor ginamit sa suicide ng kapatid

DAGUPAN CITY – Patay na nang matagpuan ang kapatid na babae ng isang alkalde sa kanilang bahay sa Brgy. Gumata, San Carlos City, lalawigan ng Pangasinan. Pinaniniwalaang nagbaril sa sarili ang 18-anyos kapatid ni San Carlos City Mayor Jullier “Ayoy” Resuello na isang nursing student. Gamit ang caliber .22 baril na pagmamay ari ng alkalde, winakasan ng estudyante ang buhay …

Read More »

4-anyos totoy tinurbo ng 14-anyos pinsan

CAGAYAN DE ORO CITY – Nadakip ng mga tauhan ng  Kibawe Police Station ang 14-ayos binatilyong gumahasa sa kanyang 4-anyos totoy na pinsan sa Kibawe, Bukidnon. Sa ulat, ginahasa ng suspek ang kanyang pinsan habang nagdaraos ng reunion ang kanilang pamilya noong Disyembre taon 2013. Ayon kay S/Insp. Harvey Sanchez, hepe ng Kibawe Police Station, base sa resulta sa medico …

Read More »

Umebak sa gilid ng Pasig river taxi driver nalunod

NALUNOD ang 65-anyos taxi driver nang nahulog sa Pasig River habang umeetsas sa gilid nito sa Intramuros, Manila kamakalawa ng hapon. Nakababa pa ang underwear hanggang tuhod nang iahon ang bangkay ng biktimang si Guilermo Casaway ng Brgy. 656, Zone 69, Manila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Crispino Ocampo, dakong 3:30 p.m. nang makitang palutang-lutang ang biktima sa Pasig River …

Read More »

Ulo ng kelot durog sa dos por dos (Nakipag-agawan sa mic)

NADUROG ang ulo ng 26-anyos lalaki matapos pagtulungan hatawin ng dos por dos ng tatlong hindi nakilalang suspek makaraan makipag-agawan sa mikropono sa videoke bar kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Bryan Timpug, ng Block 8A, Lot 16, Phase 2, Hito St., Brgy. Longos, Malabon City. Batay sa ulat ni SPO1 …

Read More »

Magsyota pinilit magtalik ng armado (Bebot ginahasa rin ng suspek)

MASUSING iniimbestigahan ng pulisya ang kaso ng magkasintahang sinasabing pinilit na magtalik ng armadong lalaki sa lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan noong Linggo ng tanghali. Inihayag ni San Jose Del Monte Police Chief Supt. Joel Estaris, pinaghahanap na ang suspek na inilarawan ng mga biktima. Ngunit duda ang mga awtoridad sa 21-anyos lalaking sinasabing pinilit ng armado …

Read More »

Abesamis pinaiimbestigahan sa PNP ang pagpatay sa barangay chairman sa Caloocan

HINILING ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Atty. Edmund Abesamis sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbes-tigasyon upang matukoy ang motibo at ang pag-kakakilanlan ng mga salarin sa pagpatay sa barangay chairman sa Caloocan City noong Martes ng umaga. Kasabay nito, nakiramay din si Abesamis sa pamilya ng napaslang na si Chairman Pedro Ramirez, 57-anyos …

Read More »

Shocked ang mga avid followers ni Ate Vi!

  ni  Pete Ampoloquio, Jr. Hahahahahahahaha! Shocked ang mga dyed in the wool Vilmanians ni Ms. Vilma Santos when our write-up on their idol came out some two days ago. All the while kasi, they had this misconception that I was no longer that fond of her and had shifted my loyalty and devotion to other actresses. Of course I …

Read More »

Abogadong opisyal ng PIAP-NBDB utas sa tambang

MASUSING iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang pagpatay sa isang abogado na konektado sa pag-iimprenta ng libro na tinambangan habang lulan ng kanyang kotse sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Sta. Ana Hospital si Atty. Clinton Laudencia, Jr., 53, tubong Muñoz, Nueva Ecija at residente ng #677 Lerma St., Mandaluyong City,  sanhi …

Read More »

P10-M patong vs Tiamzons bigtime racket ng gov’t/AFP

“MUKHANG pinagkakakitaan pa ng gobyerno at militar ang ilegal na pag-aresto at pagdukot ng peace consultants, mga aktibista at ordinaryong sibilyan,” pahayag ni Karapatan secretary general Cristina Palabay kaugnay sa P10-milyon patong sa ulo ng mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria. “The Aquino government’s practice of criminalizing political acts to cover up the illegal arrests of peace consultants, activists and …

Read More »

Droga at krimen sa Caloocan City hindi na masawata!

MALAPIT na raw mabansagang drug capital at hired killers capital ang Caloocan City dahil sa napakalalang problema ngayon sa peace and order ng lungsod na mayroong malaking papel sa kasaysayan ng pagsusulong ng kalayaan ng bansa. Hindi ba’t ang dating “Kalookan” ay kilalang sanktwaryo ng mga rebulosyonaryo noong panahon ng Katipunan? Pero ngayon ay nagiging pugad na umano ng mga …

Read More »

Alias PO-2-10 Dila Penya bagman ng MPD PS-2

NAMUMUTIKTIK ang iba’t ibang klaseng sugal lupa at mesa ng color games sa nasasakupan ng Manila Police District (MPD) police station-2 dahil sa isang nagpapakilalang pagador/enkargado ng nasabing Presinto. Binigyan aniya ng GO-SIGNAL ng isang alias PO-2-10 DILA PENYA ng MPD PS-2 ASUNCION PCP ang mga ilegalista para makakolektong ng ‘pitsa’ para raw sa kanyang bossing na si alias DEMAPERA?! …

Read More »

Imbestigahan ang ‘Pindot System’ sa BI (Paging: SoJ Leila de Lima)

May bagong modus operandi  na naman daw kaya madaling nakapapasok ang blacklisted foreigners sa NAIA Terminals 1, 2 & 3. “Now you see it, next time you don’t.” ‘Yan daw ang sistema na mina-magic sa computer ang pangalan ng isang blacklisted foreigner dahil masyadong mahirap ngayon ang sistema sa Bureau of Immigration (BI) sa lifting ng kaso nila. Kapag nagkasundo …

Read More »

DENR NCR binabalewala ng Rock Energy Int’l Corp.!?

MUKHANG walang kredebilidad ang Department of Energy and Natural Resources – National Capital Region (DENR-NCR) sa Rock Energy Int’l Corp., dahil binabalewala lang ng vice president nito na isang Mario Veloso ang ORDER na BAWAL nang magbagsak ng COAL sa port area lalo na’t kung malapit sa food establishments. Sa ating pagkakaalam, ang Rock Energy International Corporation ay nagsimula ng …

Read More »

“Miss U” sa Pasay City sinalakay, kinamkam ng ‘Agaw-KTV Gang’

NITONG nakaraaang linggo, parang mga bandidong gestapo na basta na lamang pinasok at sinalakay ng isang grupo na pinamumunuan ng isang talunang konsehal sa Maynila ang isang KTV Club cum putahan sa Pasay City. Ang tinutukoy natin ay ang “Miss U” na kilalang prente ng prostitusyon at pabrika ng sakit na “tulo” sa F.B. Harrison, malapit sa kanto ng kalye …

Read More »

Lakas ‘di makatutulong kay Binay

MAGPAPAHINA lamang sa gagawing laban ni VP Jojo Binay sa 2016 presidential race ang pagkuha niya sa partidong Lakas. Ito ang malinaw na mangyayari sakaling magkaroon ng alyansa ang bubuuing partido ni Binay at Lakas ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo. Bukod kasi sa wala nang appeal ang Lakas sa madla dahil sa sandamakmak na kontrobersiyang …

Read More »

Banat kay Erwin Tulfo, may malisya!

MUKHANG umaandar na ang makinarya ng isang makapangyarihang partido ngayon pa lamang at sa unang bugso ng arangkada, ang ace broadcaster at commentator ng TV 5 na si Erwin Tulfo ang tinamaan. Sa banner ng pahayagang PDI, malisyosong  isinangkot si Tulfo, nakababatang kapatid ng beteranong  newspaperman na si Ramon Tulfo sa anomalya  sa PDAF  sangkot ang pondo ng National Agribusiness …

Read More »

Coco, ‘di kayang tapatan at pataubin!

 ni  Jay Orencia MILYA-MILYA ang agwat sa ratings ng teleseryeng Ikaw Lamang sa kalaban nitong programa sa kabilang estasyon. Simula sa pag-uumpisa nito hanggang ngayon, ito pa rin ang nangunguna. Sino ba naman ang tatalo sa lakas ng karisma ng bidang aktor na si Coco Martin? Lahat ng teleseryeng kanyang pinagbidahan, tinutukan ng karamihan at palagi siya ang number one. …

Read More »

Julia, sobrang kabado sa Mira Bella

ni  Jay Orencia MASUWERTE ang pinakabagong alaga ng Kapamilya Network na si Julia Barretto. Kahit wala pang napatutunayan sa trabahong kinahiligan, isang malaking proyekto agad ang ipinagkatiwala sa kanya, anmg Mira Bella. Pero, hindi dapat matuwa o maging kampante si Julia dahil isang malaking hamon sa kakayahan niya bilang artista ang Mira Bella. Dapat niyang patunayan na karapat-dapat siya bilang …

Read More »

Herbert, secret admirer ni Kris?! (‘YES he is what I’ve been praying for’)

ni  Reggee Bonoan ILANG araw na naming kinukulit si Kris Aquino tungkol sa identity ng manliligaw niya na nagpapasaya raw sa kanya nitong mga huling araw dahil kaliwa’t kanan na rin nasusulat kung sino ito. Tinanong namin kung truliling si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang sinasabing secret admirer niya, pero ang sagot sa amin ni Kris, “deadma.” Ibig sabihin …

Read More »

Indie movie with Derek, ‘di tuloy

  ni  Reggee Bonoan Anyway, hinayang na hinayang naman si Kris sa alok sa kanya na indie film kasama si Derek Ramsay na planong isali sa Barcelona Film Festival dahil hindi na naman niya puwedeng tanggapin. Dati na siyang inalok ni Direk Jun Lana noong nakaraang taon para sa pelikulang Barber’s Tale pero hindi niya tinanggap dahil kailangan niyang magpakalbo …

Read More »

Sam, nagtayo naman ng kapehan (After ng bar restaurant…)

ni  Reggee Bonoan SA edad 30, aminado si Sam Milby na kailangan na niyang paghandaan ang kanyang kinabukasan dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya sa showbiz lalo’t maraming nagsusulputang mga batang aktor ngayon. Say nga ng manager ni Sam na si Erickson Raymundo, “iba ang cycle ngayon, pabata ng pabata ang mga artista, kaya siguro kailangan mong gumawa …

Read More »