Ipapalabas ng ABS-CBN and “ Battle For Greatness: Pacquiao vs Mayweather” sa Channel 2 sa Linggo, Mayo 3, mula ika-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon upang bigyan ng pagkakataon ang mga Kapamilyang mapanood ang sagupaan ng magkaribal na boksingero. Ang pag-ere ay sasamahan ng isang pre-fight show na pinamagatang “Isang Bayan Para Kay Pacman,” simula 9 ng umaga. Ang …
Read More »Bakit nga ba?
BAKIT three-point shot? Bakit hindi drive? Iyon ang naging katanungan ng mga fans patungkol sa tira ni Paul Lee sa huling dalawang segundo ng unang overtime period ng Game Seven ng Finals ng PBA Commissioners Cup noong Miyerkoles. Tabla kasi ang score, 106-all at nasa Rain Or Shine ang huling opensiba. Well, hindi rin naman puwedeng sisihin si Lee dahil …
Read More »Sa Araw ng mga Manggagawa: Obrero dumaing (Mababa ang sahod, kulang ang benepisyo, at talamak ang kontraktuwalisasyon)
ni Leonard Basilio. DAAN-DAANG militante ang lumahok sa kilos-protesta sa Mendiola Peace Arch sa Maynila bilang paggunita sa Labor Day. Bago nagmartsa patungong Mendiola, nagtipon muna ang mga demonstrador sa España, Manila City Hall, Liwasang Bonifacio sa Lawton at iba pang lugar. Sumama rin sa pagkilos ang mga grupo mula sa Southern Tagalog at iba pang karatig lalawigan. Panawagan ng …
Read More »Mababang welga ibinida ni PNoy
LABOR DAY. Nagtipon sa paanan ng makasaysayang Mendiola ang ibat’ibang mga militranteng grupo upang batikosin ang administration Aquino dahil lalo pa umanong nadagdagan ang mga walang trabaho sa kabila ng ipinatutupad na contractuallization sa mga manggagawa habang ginugunita ang dakilang Araw ng Paggawa kasabay na pinagbabato ng kamatis ng mga raliyista ang larawan ng mukha ng Pangulo. (BONG SON) IPINAGMALAKI …
Read More »PNoy sinalubong ng protesta sa Cebu
CEBU CITY – Sinalubong ng kilos protesta ang pagpunta ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Cebu para sa pagtitipon kaugnay sa Labor Day celebration. Sa itinerary ng presidente, dumalo siya sa isang job fair sa J. Mall sa lungsod ng Mandaue, Cebu at pagkatapos ay pumunta sa Philippine labor market forum sa bagong tayong gusali ng University of Cebu …
Read More »Dole job fair sa Pasay dinagsa
Thousands of jobseekers flock the Department of Labor and Employment (DOLE) Job and Livelihood Fair in line with the observance of Labor Day on Friday (May 1, 2015) at the Forum 1 & 2 of the Philippine International Convention Center (PICC) Complex in Pasay City. The “Araw ng Paggawa 2015” is themed “Disenteng Trabaho at Kabuhayan, Alay Natin sa Bayan.” …
Read More »Dalagita sinaktan, inihulog sa hagdan ng sariling ama (Dahil sa pagpapaligaw)
BAGUIO CITY – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang dalagita makaraan saktan ng sarili niyang ama sa inuupahan nilang bahay sa Pico, La Trinidad, Benguet kamakalawa. Ayon sa kapatid ng biktima, nakikipag-inoman ang kanilang ama nang komprontahin ang 16-anyos biktima hinggil sa pagpapaligaw. Hindi umimik ang biktima na ikinagalit ng kanilang ama kaya pinagpapalo siya ng walis at sinuntok …
Read More »Pamilya Veloso masama ang loob sa gobyerno
SA pagbabalik-Filipinas naglabas ng hinanakit ang pamilya at mga abogado ni Mary Jane Veloso hinggil sa anila’y kakulangan ng tulong ng gobyerno. Giit ni Celia Veloso, ina ni Mary Jane, sisingilin na nila ang pamahalaan na aniya’y nanloko sa kanila sabay patutsada kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. “Dumating kami rito sa Filipinas para maningil… Marami kaming pautang e kaya …
Read More »Veloso maililigtas ‘pag kumanta vs drug syndicate (Kampo ni MJ naghahanda na sa prelim probe vs recruiter)
INILUWAS ng mga tauhan ng Cabanatuan police patungo sa PNP GHQ sa Camp Crame sa Quezon City ang sinabing sumukong recruiter ni Mary Jane Veloso na si Maria Kristina Sergio. Kasama ni Sergio ang kanyang abogadong si Atty. Percida Acosta ng Public Attorneys’ Office (PAO) nang humarap kay DILG Secretaray Mar Roxas, PNP chief, Gen. Leonardo Espina at Justice Secretary …
Read More »Mary Jane pabuwenas kay Manny
ANG pagkakaligtas kay Mary Jane Veloso sa kamatayan ay indikasyong mananalo si eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Floyd Mayweather Jr. Ayon sa kilalang sports analyst na si Quinito Henson, ‘blessing’ para kay Pacman ang nangyari kay Veloso. Aniya, dahil sa kapangyarihan ng panalangin mula sa mga kababayang nagmamahal kay Mary Jane ay hindi natuloy ang firing …
Read More »Brownout sa Mindanao posible sa laban ni Pacquiao
TALIWAS sa pahayag ng National Electrification Administration (NEA), posible pa rin magka-brownout sa Mindanao sa bakbakang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. sa Linggo, Mayo 3. Sinabi ni Department of Enery (DoE) Secretary Jericho Petilla, batay ito sa pagre-review niya sa kontrata ng mga kooperatiba sa rehiyon. Una nang inireklamo ni Jaime Rivera, regional governor ng ARMM Philippine Chamber of Commerce and …
Read More »Pacman richest, Hicap poorest sa House solons
NANANATILING pinakamayamang kongresista si Filipino boxing superstar at Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Sa inisyal na impormasyon, halos P2 bilyon ang yaman ni Pacman na kinita niya mula sa pagboboksing. Si Pacquiao din ang isa sa itinuturing na top taxpayers, nagbayad siya nang mahigit P160 milyong buwis. Samantala, may pinakamababang asset record sa Kamara si Anak Pawis Rep. Fernando Hicap. Nagdeklara …
Read More »Project manager tigok sa motel
PATAY ang isang 57-anyos project manager makaraan manikip ang dibdib at mahirapang huminga mahigit isang oras makaraan mag-check-in sa motel kasama ng isang babae kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa John Paul Hospital ang biktimang kinilalang si Armando Singson, ng Block 4, Lot 34, Phase E-1, Francisco Homes, Brgy. Mulawin, San Jose Del Monte, …
Read More »Factory worker patay, sanggol, 1 pang anak sugatan sa Tamaraw FX
PATAY ang isang factory worker habang sugatan ang kanyang dalawang anak makaraan araruhin nang nawalan ng prenong sasakyan habang nakatayo sa bangketa kahapon ng umaga sa Malabon City. Durog ang ulo at katawan ng biktimang kinilalang si Edgar Sarmiento, 47, empleyado ng Globe Paper Mills, at residente ng 78 Melon St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod, sanhi ng pagkakabundol at …
Read More »Barker kritikal sa kabaro
BUNSOD ng inggit sa kinikita, agaw-buhay sa pagamutan ang isang barker makaraan saksakin ng kapwa barker sa Pasay City kahapon ng tanghali. Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Grover Stephen Rogo, 30, ng Edang St. Malibay Pasay City, sanhi ng isang tama ng saksak sa dibdib. Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek …
Read More »2 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa flyover
SUGATAN ang dalawa katao makaraan magkarambola ang tatlong sasakyan sa Katipunan Flyover kahapon. Pasado 4 a.m. nang mawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck na may kargang alak habang paakyat sa northbound lane at tumama sa isang Toyota Vios. Tuluyang nawalan ng kontrol ang truck na tumawid sa center island patungong southbound at sumalpok sa isang taxi. Isinugod sa pagamutan …
Read More »3 kelot kalaboso sa damo at boga
TATLONG SABOG TIMBOG. Nadakip ng mga tauhan ni Sr. Insp. Robert Bunayug ang tatlong suspek na sina Zarwin Hernandez, Jeff Contreras, at Jerickson Castro, pawang sabog sa marijuana, habang lulan ng Mitsubishi Lancer sa kanto ng Adriatico St. at Malvar St, Ermita, Maynila makaraan magpaputok ng baril sa na-sabing lugar. (BONG SON) ARESTADO ang tatlong lalaki makaraan magpaputok ng baril …
Read More »8 katao kinasuhan ng tax evasion
ISINAMPA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ang magkakahiwalay na tax evasion complaints sa walo katao na sangkot sa P414 million unsettled obligations. Ayon kay Revenue Commissioner Kim Henares, ang walo katao ay haharap sa kaso dahil sa pagmamatigas at tangkang hindi pagbabayad ng buwis, kabiguang magbigay nang tamang impormasyon sa annual income tax return at …
Read More »2 sugatan sa granada (Sa North Cotabato)
KIDAPAWAN CITY – Tatlo ang sugatan sa pagsabog dakong 7:05 p.m. kamakalawa sa lalawigan ng Cotabato. Kinilala ang mga sugatan na sina Shiela Calambro, 16; Leo Caligayan, 34; at Nenita Calambro, 41, pawang mga residente ng Sitio Balisawan, Brgy. Tomado, Aleosan, North Cotabato. Ayon kay Cotabato PNP provincial director, Senior Supt. Danilo Peralta, bumibili ng pagkain ang mga biktima sa …
Read More »Trabaho, mataas na kita sa bansa kailangan — Angara (Para pigilan ang pangingibang bansa)
TAHASANG sinabi ni Senador Sonny Angara sa pamahalaan na ang paglilikha nang maraming trabaho at mataas na suweldo ang susi upang hindi na makipagsapalaran sa ibang bansa ang mga Filipino para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ayon kay Angara, marapat lamang na pakinabangan ng Filipinas ang kakayahan at talento ng mga Filipino. “Sabihin na nating malaki ang naitutulong …
Read More »PM Lee Kuan Yew, paalam VP Nognog Binay, kapal mo,pwe!
THICKFACED ka talaga Rambotito Binay. Mantakin po ninyo Bayan, inihalintulad ng tarantadong hambog na si Nognog Binay ang kanyang sarili sa namayapang bayani na si Singaporean PM Lee Kuan Yew. DIYOS KO PO! Ang kapal ng pagmumukha mo BINAY. @#$%^&*()! Iba si PM Lee Kuan Yew, IBA KA NOGNOG, lalo na pagdating sa ISYU ng integridad, kredebilidad at moralidad ang …
Read More »Walang karapatan ang China sa teritoryo natin
NOONG Huwebes ay hinamon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang China na magpakita ng katibayan at mga larawan sa paratang na ang Pilipinas ay nagsasagawa rin ng sariling reclamation activities sa West Philippine Sea (South China Sea). Ayon kay AFP chief Gen. Gregorio Catapang, nakatitiyak siya na wala tayong ginagawa sa naturang lugar, maliban sa panatilihin doon ang …
Read More »Amazing: Bibe nasagip sa quacking ringtone ng bombero (Inanod sa imburnal)
SLIDELL, La. (AP) — Quack! Quack! Nasagip ng duck call ringtone ng Louisiana firefighter ang anim bibe na naanod patungo sa imburnal. Sinabi ni Spokesman Chad Duffaut ng St. Tammany Fire District #1, maging sa reyalistikong quacking sounds mula sa kanyang cellphone, umabot din ng 90 minuto bago nahuli ni Firefighter Cody Knecht ang apat na baby mallards sa southeast …
Read More »Feng Shui: Kandila sa south-west para sa matatag na relasyon
PARA sa mas matatag at malapit na relasyon, ilagay ang dalawang kandila sa south-west part ng bahay. Susuportahan ng fire chi ng kandila ang soil chi sa south-west, kaya mas mararamdaman ang pakiramdam na ito. Upang maging malinaw ang pag-iisip at upang pumasok sa inyong pamumuhay ang magandang pananaw, magsindi ng kandila sa north-east part ng bahay. Susuportahan ng fire …
Read More »Ang Zodiac Mo (May 01, 2015)
Aries (April 18-May 13) Masigla ka ngayon kaya naman para kang kiti-kiti sa pagiging malikot, bunsod nito posibleng ikayamot ito ng isang tao sa iyong paligid Taurus (May 13-June 21) Masyado mong napagtuunan ng pansin ang mga bagong kaganapan kaya naman mababalewala mo ang talagang mahalaga para sa iyo. Gemini (June 21-July 20) Magiging maganda ang pakikipagtalakayan ngayon, posibleng mag-iba …
Read More »