Ang Zodiac Mo (November 12, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Posibleng makaranas ng mood swings bunsod nang tumitinding emosyon.

Taurus (May 13-June 21) Kapag naging matigas ang ulo ng isang taong mahal mo, subukan ang malambing na approach.

Gemini (June 21-July 20) Lalo pang mahahasa ang iyong kakayahan sa commercial, diplomatic at artistic skills.

Cancer (July 20-Aug. 10) Kung maiiwasan, huwag munang tatanggap ng ano mang kontrata sa negosyo o pipirmahang dokumento.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Hindi dapat palagi na lamang aasa sa ibinibigay ng kaibigan.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Magiging sweet at malambing sa pakikitungo sa mga tao lalo sa malalapit na kaibigan.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang unang bahagi ng araw na ito ay hindi mainam sa bagong inisyatibo.

Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring naising manatili sa bahay at mag-isa.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang araw ngayon ay mainam para sa pakikipag-bonding sa mahal sa buhay.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring problemahin mo maging ang problema ng iba.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Kung nais mong matupad ang iyong pangarap, pagsumikapan mo ito.

Pisces (March 11-April 18) Hindi mainam ang pagpapatupad ng mahalagang gawain ngayon habang may bumabagabag sa iyong isipan.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ikaw ay makararanas ng pagsiklab ng pagiging positibo sa buhay.

ni Lady Dee