Monday , December 15 2025

hataw tabloid

Chinese telcos papasukin sa PH — Duterte (Nabuwisit sa bagal ng telcos sa bansa)

DAVAO CITY – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang telecommunication companies (telcos) sa bansa gaya ng Smart, PLDT, Globe at Sun Cellular, na ayusin ang serbisyo kung ayaw nilang makatikim sa kanya. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa National Banana Congress sa Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte, nagtitiis lamang siya ngayon at nagpapasensiya sa mabagal na serbisyo ng telcos. …

Read More »

Pinoy sa US pinag-iingat sa Hurricane Matthew

PINAALALAHANAN ng embahada ng Filipinas sa Amerika ang mga Filipino sa apat na estado na nakatakdang hagupitin ng Hurricane Matthew. Ayon sa Philippine embassy, dapat sumunod ang mga Filipino sa utos ng mga opisyal sa Florida, Georgia, North at South Carolina at lumikas. Nasa 225,000 Filipino ang nakatira sa apat na estado na inaasahang tatamaan ng bagyo. Sa estado ng …

Read More »

Samar niyanig ng magnitude 4.5 lindol

earthquake lindol

NAYANIG sa magnitude 4.5 lindol ang Samar at Leyte bandang 3:09 am kahapon. Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol 48 kilometro sa hilagang-silangan ng Catbalogan, Samar. May lalim na 36 kilometro ang naturang lindol at tectonic ang ori-gin. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bayan sa Northern Samar, Eastern Samar, Tacloban City, Borongan City,  at …

Read More »

Drug case vs De Lima ikinakasa — DoJ

INIHAHANDA na ng Department of Justice (DoJ) ang isasampang kaso laban kay Sen. Leila de Lima. Sinabi ni DoJ Sec. Vitaliano Aguirre II, kakasuhan ang senadora ng kasong paglabag sa Dangerous Drug Act, Section 5, sakop nito ang pagbebenta, trading, administration, dispensation, delivery, distribution at transportation ng ilegal na droga. Aniya, gagawing batayan nila sa pagsasampa ng kaso ang testimonya …

Read More »

Lookout bulletin vs driver ni De Lima

MAGPAPALABAS ang Department of Justice (DoJ) ng lookout bulletin laban sa dating driver ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Dayan. Ito ay nang mabigong sumipot si Dayan sa pagdinig ng House Justice Committee kahapon kaugnay ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Paliwanag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, mayroon pang 24 oras si Dayan para magpaliwanag …

Read More »

Senador na lulong sa cocaine tukuyin (Senators kay VM Duterte)

HINAMON ng mga senador si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na pangalanan ang binabanggit niyang senador na gumagamit ng cocaine. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, seryosong akusasyon ito at maaaring maging kasiraan ng lahat ng senador hangga’t hindi pinapangalanan ang tunay na dawit sa ilegal na gawain. Habang para kay Senate President Koko Pimentel, saka na lang niya papatulan …

Read More »

Anti-wiretapping, bank secrecy law aamyendahan

PLANO ng House committee on Justice na amyendahan ang ilang mga batas sa gitna ng imbestigayson hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) Sinabi ni Justice Committee chairman Reynaldo Umali, ang nakikita nilang kailangan “i-relax” na batas ang Anti-Wiretapping Law at ang Bank Secrecy Law ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Ngunit paglilinaw ni Umali, mahigpit …

Read More »

Digong drug war rating ibinida ng Palasyo

ITINUTURING ng Malacañang na pagpapatibay sa landslide victory ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 84 porsiyento ng mga Filipino ay kontento sa ‘all-out war’ laban sa ilegal na droga ng administrasyon. Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, patunay itong naniniwala ang mayorya ng mga kababayan na epektibo ang inilunsad na …

Read More »

Cocaine ipinalit ng drug addicts sa shabu — Bato

NAGBABALA si PNP chief Director General Ronald dela Rosa sa mga drug dependent na tigilan na ang kanilang masamang bisyo. Ito’y sa harap nang pagmahal ng presyo ng shabu na ngayon ay pumapatak na sa P6 milyon hanggang P7 milyon kada kilo kompara sa dating P1 milyon kada kilo nito. Sinabi ni Dela Rosa, bunsod nang mahal na bentahan ay …

Read More »

Militar kakayanin kahit walang aid mula sa US at EU

TINIYAK ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, kakayanin pa rin ng puwersa ng militar ng Filipinas kahit wala na ang foreign financial assistance mula sa Amerika at European Union (EU). Ito ay makaraan patulan at hamunin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabanta ng US at EU na maaari nilang bawiin ang kanilang ibinibigay na tulong sa bansa. Nag-ugat ito sa tumataas …

Read More »

Ama patay, anak, apo sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo

TUGUEGARAO CITY – Patay ang isang lalaki habang apat ang sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Edwardo Danga habang sugatan ang kanyang angkas na anak at apo. Sugatan din ang lulan nang nakabanggaang motorsiklo na kapwa menor de edad. Batay sa imbestigasyon, sinabi ni Police Senior Inspector Ronnie Labbao, …

Read More »

‘Mangkukulam’ itinumba sa ComVal

DAVAO CITY – Patay ang isang 72-anyos lola nang pagbabarilin makaraan akusahan na isang mangkukulam sa Purok 5, Matilo, Nabunturan, Compostella Valley Province kamakalawa. Hustisya ang sigaw ng pamilya ng biktimang si Pilagia Curimatmat, 72, biyuda, binaril ng hindi nakilalang suspek. Ayon sa anak ng biktima na si Sherly Curimatmat Sanchez, nabigla siya nang makarinig nang sunod-sunod na putok ng …

Read More »

Wikang pambansa gagamitin sa pananalapi

MAGING sa banking o pananalapi ay maaaring gamitin ang Wikang Filipino, ayon kay Deputy Governor Diwa C. Guinigundo ng Monetary Stability Sector ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Bilang isa sa tagapanayam sa Pambansang Kumperensya at Sawikaan 2016 na ginanap sa University of the Philippines-Diliman, binigyang-diin ni Guinigundo ang aniya’y tatlong bagay na nagbubunsod ng pagbabago sa wika. Una sa listahan …

Read More »

Rosanna Roces lover ng Bilibid drug boss (Buking ng gov’t asset)

Rosanna Roces

IKINANTA ng isang self-styled government asset ang dating sexy star na si Rosanna Roces bilang mistress ng convicted drug kingpin. Binanggit ito ni Nonile Arile kasabay nang pagkilala sa sinasabing masterminds at coddlers ng multi-million peso drug ring sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Si Arile, dating pulis at convicted sa kidnapping and murder, ay tumestigo sa House inquiry …

Read More »

De Lima, Dayan may 2 sex video — ex-Security aide

MULING nabuhay ang isyu ng sinasabing sex video ni Sen. Leila de Lima dahil sa testimonya ng dating security aide niya na si Jhunel Sanchez. Sa salaysay ni Sanchez, sinabi niyang nakita niya ang dalawang sex video nina De Lima at Ronnie Dayan mula sa naiwang cellular phone na pinakialaman ng driver na si “Bantam.” Una aniya ay naka-pose ang …

Read More »

Guro nalunod sa selebrasyon ng teacher’s day

LA UNION – Nahaluan ng kalungkutan ang masaya sanang selebrasyon ng Teachers’ Day kamakalawa nang malunod ang isang guro sa bayan ng Naguilian. Base sa report ng pulisya, kinilala ang biktimang si Larry Marquez, 24, residente ng Brgy. Palintucang, Bauang, La Union. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagtungo ang biktima sa naturang resort kasama ang mga kapwa guro upang …

Read More »

5 patay sa sagupaan ng 2 pamilya sa Basilan

dead gun police

ZAMBOANGA CITY – Limang kalalakihan ang namatay sa enkwentro nang magkaaway na pamilya sa Sitio Langaray, Brgy. Manaul, Sumisip lalawigan ng Basilan kahapon ng umaga. Ayon sa ulat ng PNP, dakong 7:40 am nang magkasagupa ang magkalabang angkan ng Abdulmuin at Alih. Dalawa sa mga namatay ay mula sa angkan ng Abdulmuin na kinilalang sina Illang Manisan at Serny Julti. …

Read More »

EDCA pwedeng ibasura – Panelo

KASUNOD ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatitigil niya ang Philippines-United States Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), ang pagrerebisa ng nasabing kasunduan ang magiging aksiyon ng Malacañang, ayon kay presidential chief legal counsel Atty. Salvador Panelo. Sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Ermita, Maynila, sinabi ng batikang abogado na may nakapaloob na clause sa EDCA na …

Read More »

Dagdag ‘combat pay’ maagang pamasko sa Philippine Army

HINDI maibsan ang tuwang nadarama ngayon ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ay kasunod nang pagpapalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order No. 03 na nagbibigay nang dagdag na combat duty pay at combat incentive pay sa mga sundalo. Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Benjamin Hao, itinuturing nila itong maagang pamaskong handog ng …

Read More »

Walang sex video – Koko

MAGING ang alyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ay duda kung totoo ang sinasabing sex video ni Senador Leila de Lima at driver ng senador. “Actually, I believe that there is no video. There is no actual video. Some have shown me a video but it does not involve any member of the …

Read More »

Mayor Espinosa arestado sa drugs

TULUYAN nang inaresto ng Albuera, Leyte PNP si Mayor Rolando Espinosa kahapon umaga. Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, agad nilang isinilbi ang dalawang warrant of arrest laban sa alkalde makaraan nilang matanggap kahapon. Ang unang warrant ay para sa possesion on illegal drugs na aabot sa 11.4 kg, habang ang ikalawa ay para sa illegal possesion of firearms. Isinailalim …

Read More »

Pinoy maids sa HK ‘di na maglilinis ng bintana

PARA sa kanilang kaligtasan, hindi na paglilinisin ng mga bintana sa labas ng matataas na flat ng kanilang mga amo ang mga Filipina domestic helper. Sa memo mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) noong Oktubre 1, sinabi ni Labor Attache Jalilo dela Torre, simula sa Oktubre 15, lahat ng kontrata para sa Filipino domestic helpers ay dapat maglalaman ng …

Read More »

Listahan ng parokyano ni Krista Miller hawak na ng PNP

HAWAK na ng Quezon City Police District (QCPD) ang listahan ng mga parokyano ng model at aktres na si Krista Miller sa negosyo ng ilegal na droga. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Senior Supt. Guillermo Eleazar, nagbigay na ng mga pangalan si Miller na kanyang benebentahan ng droga. Sinabi ni Eleazar, sama-sama na aniya sa listahan ang …

Read More »

Drug transaction sa bilibid patuloy – DoJ

AMINADO si Department of Justice (DoJ) Sec. Vitaliano Aguirre, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin 100 porsiyentong drug-free ang New Bilibid Prison (NBP). Aniya, noong nakaraang linggo ay mayroon pa rin mga ebidensiya na may nangyayaring transaksiyon ng droga sa loob ng pambansang piitan. Sa ngayon, sa pagtaya ng Justice Secretary ay naibaba na sa 90 porsiyento ang transaksiyon …

Read More »