Sunday , December 14 2025

hataw tabloid

P107-M sa Grand Lotto 6/55 may nanalo na

NAPANALUNAN ng nag-iisang bettor ang jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Grand Lotto 6/55. Tumataginting na P107,366,364 ang iuuwi ng lone bettor. May lucky number combination itong 52-17-20-43-15-19. Habang hindi naibulsa ang premyo sa Lotto 6/42 na P21,877,988, may winning combination na 01-38-17-28-34-39.

Read More »

P1-M shabu kompiskado sa buy bust ops sa Butuan

BUTUAN CITY – Umaabot sa halagang P1.1 milyon ang nakompiskang shabu sa buy-bust operation sa lungsod na ito. Inilunsad ang operas-yon pasado 9:50 pm kamakalawa ng gabi ng pinagsanib na puwersa ng Butuan City Police Station 2 at 3 sa Brgy. Masau ng nasabing lungsod. Kinilala ni S/Insp. Roland Orculio ang naarestong suspek na si Alan Regundo Yamba, residente ng …

Read More »

2 patay sa Laguna drug bust

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher habang isang pulis ang sugatan sa drug buy-bust operation sa Bay, Laguna nitong Linggo ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na mga suspek na sina Frederick Fule at Ryan Ferdie Pulutan. Ayon sa Laguna Police Provincial Office, nagsagawa ang mga operatiba ng drug buy-bust operation sa Brgy. Dila, bayan ng Bay dakong 1:30 …

Read More »

Drug suspect utas sa parak

PATAY ang isang lalaking hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Ricky Pahati, alyas Echo, residente sa Daang Bakal St.,  Brgy. 59, ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon nina PO3 Noel Bollosa at PO2 Cesar Garcia, dakong 12: 55 am nang maganap ang insidente sa Daang …

Read More »

Aiza Seguerra, Tito Sotto nagkainitan sa condom

BINATIKOS ni National Youth Commission (NYC) chair at singer na si Aiza Seguerra si Senador Vicente “Tito” Sotto III kagnay sa pagtuol ng senador sa planong pamamahagi ng condom sa mga paaralan ng Department of Health (DoH). Sa Facebook post, tinawag ni Seguerra ang atensiyon ni Sotto at bi-nigyang diin ang pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS at teenage pregnancy sa …

Read More »

Paglilinaw ng DoH: Libreng condom sa paaralan depende sa DepEd

INILINAW ni Health Secretary Paulyn Ubial, hindi pa sila namimigay ng libreng condoms sa mga paaralan. Aniya, ang pagbibigay ng libreng condom ay plano pa lamang at kailangan pa nilang kumunsulta sa Department of Education (DepEd). Ngunit kapag hindi pumayag ang mga guro, principals at school officials ay hindi nila igigiit ang nasabing plano. Kasabay nito, idinepensa ng DoH ang …

Read More »

Mt. Pulag nagyelo 1°C temperatura

BAGUIO CITY – Halos mabalot ng yelo ilang bahagi ng Mt. Pulag sa bayan ng Kabayan, Benguet. Ito ay nang magkaroon ng frost o tumigas ang ilang mga pananim at damo roon, partikular sa Badabak Ranger Station at toktok na bahagi ng bundok. Ayon sa Mt. Pulag Park Ma-nagement, tinatayang aabot sa one degrees Celsius ang tempe-ratura ngayon sa ikatlong …

Read More »

Hardship allowance ng titsers aprub na

MASAYANG ibinalita ng Malacañang ang pagpapalabas ng “hardship allowance” ng mga guro sa pampublikong paaralan. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman  Ernesto  Abella,  inaprobahan ni Education Sec. Leonor Briones ang P977 milyon sa budget ng DepEd para sa nasabing allowance. Ayon kay Abella, saklaw ng budget ang halos 17,000 eskuwelahan na ang mga guro ay nagtuturo sa …

Read More »

Kampanya ng INC sa 2017 inilarga na (“Ikinararangal ko na ako ay Iglesia ni Cristo…”)

INILUNSAD kamakailan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan na si Ka-patid na Eduardo V. Manalo, ang bagong temang gagabay sa mga gawaing inilalatag ng Iglesia para sa buong 2017: “Ikinararangal ko na ako ay Iglesia Ni Cristo.” “Napili at napagkasunduan ang adhikaing Isulong ang ikapagta-tagumpay ng lahat ng mga gawain sa Iglesia at ang pagsasakatuparan nito …

Read More »

Huwag paduro sa NDF

Duterte CPP-NPA-NDF

“KUNG ayaw mo, ‘di wag mo!”  Ito dapat ang maging attitude ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa ginagawang pananakot ng National Democratic Front (NDF) na maaari nilang bawiin ang idineklarang unilateral ceasefire. Ayon sa NDF, ang bantang pagbawi ng unilateral ceasefire ay dahil na rin umano sa hindi pagtupad ng pamahalaan sa pagpapalaya sa political prisoners at ang patuloy na …

Read More »

2 solons pasok sa narco-list

INIHAYAG ni House Speaker Pantaleon Alvarez kahapon, dalawang incumbent members ng House of Representatives ang kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa media briefing, si-nabi ni Alvarez, ang isa dalawang kongresista ay naberipika na ng ilang mga ahensiya bilang “drug protector.” Gayonman, tumanggi si Alvarez  na magbigay ng iba pang detalye kaugnay sa dalawang kongresistang sangkot sa droga, ngunit …

Read More »

195 PNP personnel positibo sa drug test

Drug test

UMABOT sa 195 pulis at non-uniformed personnel (NUP) ang nagpositibo sa isinagawang random drug test (RDT) ng PNP Crime Laboratory. Ayon kay C/Supt. Aurelio Trampe, Director ng PNP Crime Laboratory, sa nasabing bilang ay 188 ang pulis at pito ang non-uniformed personnel (NUP). Ito ay mula sa taon 2016 hanggang ika-17 ng Enero, at 100 porsiyento sa kanila ay gumagamit …

Read More »

Pacquiao ‘referee’ sa Trillanes vs Zubiri sa Senado

NAGMISTULANG referee si Sen. Manny Pacquiao at iba pang mga senador dahil sa pag-awat sa muntikang pagpapang-abot nina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Juan Miguel Zubiri. Ito’y makaraan pagtalunan ng dalawa ang isyu ng posibleng whitewash sa imbestigasyon sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI). Nag-ugat ang bangayan sa pahayag ni Zubiri na dapat ang Senate Blue Ribbon Committee …

Read More »

PH nag-isyu ng note verbale sa China (Sa weapon systems buildup sa WPS)

KINOMPIRMA ng Malacañang ang pagpapadala ng note verbale sa China kaugnay sa weapon systems buildup sa artificial islands sa South China Sea o West Philippine Sea. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernes Abella, hindi makatutulong ang agresibo at provocative diplomacy kaya minabuti nilang gawing pormal ang paghawak sa isyu. Ayon kay Abella, magpapatuloy ang pagsusulong ng Filipinas sa ating soberanya sa …

Read More »

Mag-utol na paslit nalunod sa Zambo Norte

DIPOLOG CITY – Kinompirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), may dalawang nalunod sa pagbaha sa probinsiya ng Zamboanga del Norte. Ayon kay Mary Ann Sabanal, admin officer ng PDRRMO, kinilala ang magkapatid na biktimang sina Lee Ann Bayron, 5-anyos, at Elay Bayron, 3-anyos, ng Lipras, Roxas, nitong pro-binsya. Dagdag ng opisyal, nag-overflow ang tubig-baha sa bahay …

Read More »

Paslit, lolo, teenager patay sa CDO flood

UMAKYAT na sa tatlo ang bilang ng mga namatay habang 3,000 residente ang apektado ng matinding baha sa Cagayan de Oro City. Napag-alaman, kabilang sa mga biktima ang isang 14-anyos binatilyo na gumuho ang bahay dahil sa flash floods. Ang iba pang biktima ay 7-anyos batang babae mula sa Misamis Oriental, at isang 84-anyos lolo mula sa riverside community. Sila …

Read More »

8-anyos nene inasawa ng ama

TUGUEGARAO CITY – Swak sa kulungan ang isang lalaki makaraan ang paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang 8-anyos anak na babae sa Ballesteros, Cagayan. Una rito, naglakas-loob ang bata na magsumbong sa kanyang guro at sinamahan siya na dumulog sa pulisya. Sa salaysay ng biktima, Grade 1 pa lamang siya nang simulan halayin ng kanyang ama ngunit hindi nagawang magsumbong dahil …

Read More »

7 death toll sa sumabog na LPG station

MANILA – Umakyat na sa pito ang bilang ng mga namatay sa pagsabog sa Omni Gas Corporation nitong nakaraang linggo sa lungsod ng Pasig. “Unfortunately, this morning, may natanggap kaming information na mayroon nadagdag na dalawa,” ayon kay S/Supt. Wilberto Neil Kwan Tiu, regional director ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng National Capital Region. Ang impormasyon ay kinompirma rin …

Read More »

Nahihibang si Erap

NITONG nakalipas na piyesta ng Pandacan, Linggo, sinabi ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na ang patuloy na biyayang natatanggap ng lungsod, lalo ng mga mamamayan nito, ay dahil sa mga himala ng Sto. Niño. Walang kagatol-gatol na ipinagmayabang ni Erap na dahil daw sa patnubay ng Sto. Niño kaya tuluyang nagkaisa ang mga mamamayan at siyang dahilan para magtulungan …

Read More »

Disbarment case vs Roque

KASONG disbarment ang isinampa sa Supreme Court laban sa abogadong si Harry Roque dahil sa walang habas na pagkalat ng mga kasinungalingan at malisyosong mga akusasyon, at pag-atake sa integridad at reputasyon ng kanyang kapwa abogado at Kabayan Party-List Representative Ron P. Salo. Sa kanyang Complaint-Affidavit, idinetalye ni Salo ang ilang pangyayari na gumawa si Roque ng kalunos-lunos at nakasisirang-puring …

Read More »

Vanity tax binawi ng solon

BINAWI ni Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe ang panukalang buwisan ang cosmetic products at beauty services. Ito aniya ang kanyang naging desisyon makaraan sabihin ni Budget Sec. Benjamin Diokno na may pera pa ang gobyerno kaya hindi na kailangan ng karagdagang buwis. Bukod dito, ang pag-urong niya sa panukalang vanity tax ay dahil sa pag-alma ng maraming sektor. Aniya, …

Read More »

Elitista patawan ng buwis (Huwag mahihirap) — Solon

INIREKOMENDA ng isang kongresista na targetin ng gobyerno na patawan ng buwis ang mga elitista sa bansa. Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, hindi dapat ang mahihirap ang puntirya nang mas mataas na buwis kundi iyong mga napabilang sa Forbes’ 50 pinakamayayaman sa Filipinas. Pahayag  ito  ng  kongresista kasabay ng planong patawan ng P6 excise tax ang mga produktong petrolyo. …

Read More »

1 patay, 6 sugatan sa granadang inihagis (Sa parking lot sa Laguna)

explode grenade

PATAY ang isang lalaki habang anim ang sugatan makaraan hagisan ng granada ng hindi nakilalang mga lalaki ang mga trabahante sa San Pedro, Laguna. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Laguna-PNP, inihagis ang granada sa mga lalaking gumagawa ng bakod sa isang parking lot sa naturang lugar. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente habang tinutugis ang mga …

Read More »

Poverty rate hike epekto ng kalamidad – Palasyo

NANINIWALA ang Malacañang, epekto ng bagyong Karen at Lawin ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey sa Self-Rated Poverty o nagsasabing sila’y mahihirap. Magugunitang sa isinagawang survey sa huling bahagi ng 2016, nasa 44 porsiyento ng mga Filipino ang nagsabing mahirap sila, mas mataas ng dalawang porsiyento sa survey noong Setyembre. Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, mas malakas …

Read More »

Tulak patay, 2 pa arestado sa drug ops

dead prison

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis habang arestado ang mag-live-in partner sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Caloocan City kahapon ng umaga. Agad binawian ng buhay sa insidente si Joselito Regis, alyas Dagul, 25, ng Blk. 39, Lot 6, SalayaSalay St., Dagat-Dagatan, Brgy. 12, habang arestado si Arthur de Vera, 42, at live-in partner niyang …

Read More »