Sunday , December 14 2025

hataw tabloid

Doktor ‘utak’ sa ambush sa abogado

MASUSING iniimbestigahan ang isang doktor bilang utak sa ambush sa isang abogado sa Quezon City kamakailan, na napatay ang isang suspek na pulis, ayon sa isang opisyal nitong Miyerkoles. Ayon sa ulat, hinawakan ni Atty. Arjel Cabatbat, ang target sa ambush, ang isang kaso na nagresulta sa pagkasibak sa trabaho ng naturang doktor, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe …

Read More »

‘Wag sanang paasa ang DOTr

MRT

DARATING na raw ang mga piyesa na kakailanganin para maayos ang mga tren ng MRT 3 na naging pasanin ng bawat pasahero nito sa mga nakalipas na taon. Ang mga piyesa ay ay manggagaling daw sa Germany, China at ilan pang bansa mula sa Europa. Dahil dito, unti-unting nagkakaroon ng pag-asa hindi lamang ang mga pasahero ng MRT kundi ang …

Read More »

Immigration dapat magbantay

OFW kuwait

Ngayon na nilagdaan na ang kautusan na total ban sa deployment ng mga OFWs sa Kuwait, asahan na marami pa rin magtatangka na lumabas patungo sa nasabing bansa para makapaghanapbuhay. Marami pa rin susugal na mga kababayan natin, lalo na’t desperadong magkaroon ng pagkaka-kitaan para suportahan ang pamilya. ‘Ika nga, kakapit sa patalim para sa pamilya. Dito natin masusukat kung …

Read More »

Misis tinaga ni mister (Nahuli kasama ng kalaguyo)

itak gulok taga dugo blood

ARESTADO ang 41-anyos lalaki makaraan tagain ang kanyang misis nang mahuli habang kasama ang umano’y kalagu­yo ng ginang sa Currimao, Ilocos Norte, nitong Sabado. Ang biktimang si Princess Rafanan, 31, ay nagkaroon ng sugat sa kamay makaraan tagain ng mister niyang si Frederick Rafanan. Sa imbestigasyon, nahuli ni Frederick na kasama ng kaniyang misis ang umano’y kalagu­yo na si Helmer …

Read More »

2 hipag nilaspag laborer arestado

prison rape

INARESTO ng mga awtoridad ang isang construction worker maka­raan ireklamo ng panggagahasa sa dalawa ni-yang hipag sa sa Sinait, Ilocos Sur. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Juemar Dulig, 30-anyos, inaresto nitong Sabado sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa. Inihayag ng pulisya, dinakip si Dulig sa construction site sa nabanggit na lugar. Taon 2017 nang …

Read More »

Caraga sapol ni Basyang

NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Tropical Storm Basyang (international name: Sanba) at maaaring bumagsak sa Caraga area ngayong Martes ng umaga, ayon sa state weather bureau kahapon. Sinabi ni PAGASA Weather Division Chief Esperanza Cayanan, ang mga residente sa Davao Oriental, Caraga at Eastern Visayas ay makararanas ng “scattered to widespread, moderate to heavy rains.” “Residents …

Read More »

Ex-poll chief Bautista arestohin (Utos ng Senate panel)

BUNSOD ng hindi pagsipot sa imbestigasyon sa kabila ng ipinadalang subpoena, nagdesisyon ang Senate banks committee nitong Lunes na i-cite of contempt si dating Comelec chairman Andres Bautista at iniutos ang pag-aresto sa kanya. Sinabi ni Senator Francis “Chiz” Escudero, chairman ng komite, hihilingin niya kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang pag-isyu ng warrant of arrest laban kay …

Read More »

Cainta police official patay sa enkuwentro

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang deputy chief ng Cainta police sa Rizal makaraan makabakbakan ang ilang drug suspect, nitong Linggo ng gabi. Nagresponde ang biktimang si Senior Insp. Jimmy Senosin at mga tauhan sa floodway ng Cainta mak­araan makatanggap ng tawag na may armadong grupo sa lugar, ayon kay Cainta police chief, Supt. Ray Rosero. Ngunit habang papasok ang mga operatiba …

Read More »

PCC kinalampag sa monopolyo sa power supply

electricity meralco

NANAWAGAN kahapon si Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo sa Philippine Competition Commission (PCC) na gumawa ng kaukulang hakbang para maputol ang monopolyo sa power supply sa bansa. Ayon kay Castelo, nasa ilalim ng kapangyarihan ng PCC ang pagsusulong sa interes ng mga mamimili, kabilang ang mga konsyumer ng koryente at pagpipigil sa mga mapagsamantalang kompanya na nasa sektor ng …

Read More »

Babala ni Albayalde: Tutulog-tulog na pulis walang bonus

MAWAWALAN ng bonus para sa sa isang bu­ong taon ang mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Napag-alaman, nagbabala si NCRPO Director Oscar Albayalde sa mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho na kakasuhan sila. “Puwedeng reprimand po ‘yan o suspension. ‘Pag ikaw ay na-suspende kahit na isang araw lang …

Read More »

Magdiriwang ng Valentine’s Day umiwas sa porno, unsafe sex

BAGO ang pagdiriwang ng Valentine’s Day, hinimok ng grupong Pro-Life Philippines ang publiko na umiwas sa pornograpiya at human immunodeficiency virus at acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS). Kasabay nito, namahagi ang grupo sa mga namamasyal sa Rizal Park sa Maynila ng mga kendi na may mga balot na mga mensahe ukol sa pag-iwas sa mga malalaswang pelikula at HIV/AIDS. May …

Read More »

Basyang signal no. 1 sa 4 areas ng Mindanao

PUMASOK na ang tropical storm na may international name “Sanba” sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Linggo ng gabi, at binigyan ng local name na “Basyang,” ayon sa state weather bureau PAGASA. Sinabi ng PAGASA, ang bagyo ay pumasok sa PAR dakong 7:00 ng gabi. Ang apat na eryang isinailalim sa tropical cyclone warning signal no.1 ay Dinagat Island, …

Read More »

Presyo ng palay bagsak ngayong anihan (Magsasaka nangamba)

UMALMA ang mga magsasaka sa parating na bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) dahil sasabay ito sa panahon ng anihan. Nakatakdang dumating sa susunod na buwan ang 250,000 metriko toneladang bigas na inangkat ng NFA, habang higit 3.5 milyong metriko tone­ladang palay ang inaasahang aanihin ng mga magsasaka. Dahil dito, pinangangambahan ng local farmers na babagsak ang presyo …

Read More »

Pinoy nurse, drivers wanted sa Czech Republic

PORMAL nang binuksan ng Czech Republic ang kanilang pintuan para mag-alok ng mga trabaho sa mga Filipino. Sinabi kamakailan ni Czech Ambassador to the Philippines Jaroslav Olsa, Jr., kailangan punan ng kanilang bansa ang pangangailangan sa mga manggagawa. Kabilang sa mga trabahong maaaring pasukin ng mga Filipino ay driver, manufacturing technician, warehouse manager, warehouse worker, forklift operator, baker, butcher, nurse, …

Read More »

Bus sumalpok sanggol, ina 1 pa patay 10 sugatan

road accident

DEL GALLEGO, Camarines Sur – Tatlong biktima ang patay habang 10 ang sugatan makaraan sumalpok ang isang bus sa puno sa gilid ng Andaya Highway sa bayang ito, nitong Sabado. Ayon sa mga pasahero, mabilis ang takbo ng Fortune Star bus na may 57 pasahero nang mawa­lan ng kontrol ang driver pagdating sa Brgy. Sinukpin, 9:00 ng gabi. Dahil dito, …

Read More »

China, Russia target ng DoLE (Para sa OFWs)

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo, ikinokonsidera nila ang mga bansang maaaring paglipatan sa overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Kuwait. “We are now in the process of looking alternative markets. One of them is China. And even Russia,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Tinatayang 800 undocumented OFWs sa Kuwait ang nakatakdang …

Read More »

OFWs bawal sa Kuwait

OFW kuwait

INIHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III, magpapalabas siya ng bagong order ngayong Lunes, hinggil sa pagpapatupad ng total deployment ban sa Filipino workers sa Kuwait. Sinabi ni Bello, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng order hinggil sa total deployment ban, hiwalay sa nakaraang utos na pagsususpende sa proseso ng bagong employment certificates. “This time, what the …

Read More »

Duterte haharap sa ICC

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaglaban ang sarili laban sa akusasyong crime against humanity na inihain laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kanyang drug war. Sa kabila nang kahandaan ng Pangulo bilang abogado, kompiyansa si Presidential Spokesman Harry Roque na maibabasura ang nasabing usapin sa ICC. Paliwanag ni Roque, hindi pa dapat magdiwang ang mga …

Read More »

Plunder case inihain ng VACC vs DTI chief (P1.1 bilyon nawala sa kaban ng bayan)

IPINAGHARAP ng kasong plunder, technical smuggling at economic sabotage ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) si Department of Trade and Industry (DTI) secretary  Ramon Lopez na chairman rin ng Board of Investment (BOI) dahil sa paggamit sa kanyang posisyon para paboran ang isang car manufacturer sa bansa. Bukod kay Lopez, sinampahan din ng kaso …

Read More »

Globe spearheads clean-up after successful Dinagyang Festival in Iloilo

SINCE the inception of the religious and cultural Dinagyang Festival in 1967, Iloilo hosts an annual celebration that includes a fluvial procession, street dancing, the Kasadyahan Cultural Parade, and the Dinagyang Ati Competition. According to estimates, this year’s Dinagyang drew in at least 50,000 spectators who watched the competition alone. Globe and Headrush volunteers collect confetti, bottles, cups, and other …

Read More »

Seminar sa Reoryentasyon sa Pagtuturo ng Panitikan, nakatakda sa Bikol at Bukidnon

LAYUNIN ng seminar na mabigyan ng reor­yentasyon ang mga guro sa pagtuturo ng panitikan na nakabatay sa likás na kata­ngian ng panitikang Filipino at maka-Filipinong pananaw. Magkakaroon ng mga panayam at talakayan hinggil sa halaga ng panitikan sa edukasyon, estado ng panitikan sa mga rehiyon, at lápit sa pagtuturo ng panitikan. Magsasagawa rin ng pakitang-turo sa epiko, kuwentong-bayan, at panitikang …

Read More »

Pelikultura 2018, pinakaaabangan ngayong Pebrero 19-21

KASABAY ng paggunita sa National Arts Month ngayong Pebrero, isasagawa ang Pelikultura: The Calabarzon Film Festival 2018  na itinatampok ang mga baguhan at propesyonal na filmmakers na mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon para ibahagi ang kanilang mga pelikula at kaalaman sa larangang ito. Kasama ang National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at Film Development Council …

Read More »

All About Love concert ni Jed, laan para sa MATA Foundation

INIHAHANDOG ng Ang Mata’y Alagaan Foundation, Inc. (MATA Foundation) ang Valentine concert na nagtatampok kay Jed Madela, ang All About Love sa Pebrero 14, 7:30 p.m. sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City. Layunin ng konsiyerto na makalikom ng pondo para sa mga benepisyaryo ng Mata Foundation. Kilala sa mga taguring The Voice at The Singer’s Singer, inaasahang muling pupukawin …

Read More »

Lovi, sinampolan ng pagiging Best Actress si Erich

PAANO kaya mag-re-react ang fans at supporters ni Erich Gonzales kapag napanood ang sinasabing mga eksenang nagpaka-aktres ultimo ang mga daliri at mga kamay at likod ni Lovi sa The Significant Other? Sa santambak na mga “very juicy, meaty, romantic and orgasmic combined as one scenes” nina Lovi at Tom Rodriguez sa pelikula, madadala at mapapahiyaw ka sa excitement na …

Read More »

Sa Ombudsman dalhin ang kaso

ombudsman

ISANG resolusyon ang inihain sa Senado na humihiling sa dalawang komite na imbestigahan ang sinasabing P100 milyong umano’y  tagong yaman ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at kanyang anak na babae na si Davao City Mayor Sara Duterte sa Bank of the Philippine Islands. Inihain ang resolusyon ni Senador Antonio Trillanes IV, kilalang pangunahing kritiko at kalaban ng pangulo at ng …

Read More »