Thursday , July 10 2025

Plunder case inihain ng VACC vs DTI chief (P1.1 bilyon nawala sa kaban ng bayan)

IPINAGHARAP ng kasong plunder, technical smuggling at economic sabotage ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) si Department of Trade and Industry (DTI) secretary  Ramon Lopez na chairman rin ng Board of Investment (BOI) dahil sa paggamit sa kanyang posisyon para paboran ang isang car manufacturer sa bansa.

Bukod kay Lopez, sinampahan din ng kaso ng VACC ang 10 opisyal ng Hyundia Motor Company (HMC) at Hyundai Asia Resource Inc, (HARI) dahil sa paglabag sa Section 3602 ng Tariff and Customs Code of the Philippines in relation to Section 1400 ng Republic Act 10863.

Tinukoy nina Atty. Manuel Obedoza at Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng VACC, ang iba pang kinasuhan na sina Mong-Koo Chung, Chairman ng HMC; Won-Hee Lee, Chief Executive Officer ng HMC; Yong Suk Lee, Pre-sident ng HMC; Richard Lee, Chairman Emeritus ng HARI; Edward Go, Chairman ng HARI; Conrad Marty Vice Chairman ng HARI; Ma. Fe Perez-Agudo, President and CEO ng HARI; Eleazar Reyes, Member ng Board of Director ng HARI; Ladislao Avilla Jr., Board Member ng HARI at Cristina Salvador na siyang Customs broker ng HARI.

Isa pang Undersecrtary ng DTI na hindi pa tinutukoy ang pangalan ang sasampahan din ng kaso ng VACC sa susu-nod na mga araw.

Sa 12-pahinang inihaing kaso, sinabi nina attorneys Obedoza at Topacio, nalugi nang mahigit sa P1 bilyon ang gobyerno na dapat ay collection na VAT at Customs duties mula sa importation ng iba’t ibang motor vehicle ng HMC.

“As a result of HARI’s false pretenses and fraudulent representation, the government was defrauded of collecting VAT and Customs duties from its importation in the amounts of P1.1 billion,” ani Obedoza.

Nakasaad sa reklamo, ang DTI at BOI ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na ang mandato ay ipatupad ang rationalization program ng gobyerno, bantayan at patawan ng parusa ang mga kom-panyang lumalabag sa umiiral na batas at hindi magpagamit sa mga nabanggit.

Sinabi nina Atty. Obedoza at Atty. Topacio, ang pagsasampa nila ng kaso laban kay Lopez at iba pang res-pondent ay layunin nilang makatulong sa kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang ginagawang graft and corruption ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.

“Bukod sa droga ay galit din ang Pangulong Duterte sa graft and corruption. Nais ng VACC na makatulong sa kampanya ng Pangulo,” ani Topacio.

(HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PAGCOR Online Betting Gaming Gambling

Panawagan ng online gaming operators
MAS MATALINONG REGULASYON SA LEGAL KAYSA IBULID SA BLACK MARKET

NANAWAGAN ang 14 lisensiyadong online gaming operators sa Filipinas na maglatag o bumuo nang mas …

Makati City

P8.96-B babayaran ng Makati
Mayor Nancy nais ibasura ‘Settlement agreement’ sa naudlot na subway project Imbestigasyon ikakasa

NAKATAKDANG maghain ng mosyon sa pag-atras at pagtutol sa Singapore International Arbitration Center (SIAC) ang …

Blind Item, man woman silhouette

Showbiz couple magkahiwalay ng kwarto 

I-FLEXni Jun Nardo HIWALAY na raw ang isang kilalang showbiz couple na may anak. Magkaiba sila ng …

Online Betting Gaming Gambling

Babala ng mga eksperto:
Pagbabawal ng online gaming kaduda-duda, black market lalakas pa

NAGBABALA ang isang kilalang ekspertong legal na maaaring lalong lumala ang epekto ng iresponsableng pagsusugal …

Senate Senado

SP Chiz may 16 pirma — JV

TIYAK na tiyak nang muling mauupo si Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang pinuno ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *