INIHAYAG ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Martes, ipinauubaya nila sa gobyerno ang kapalaran ng isang pari na binihag ng mga bandidong Maute sa Marawi City. Ito ay makaraan ialok ng terror leader na si Abdullah Maute, na palalayain ang bihag na si Fr. Chito Suganob kapalit ng kalayaan ng kanyang mga magulang. “It’s a sensitive matter. …
Read More »Mahigit P5-B kita ng PCSO mula sa STL
INIHAYAG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan nitong Martes, kumita ang expanded Small Town Lottery (STL) nang mahigit P5 bilyon sa loob ng limang buwan ngayong taon. “We’ve already earned P5,018,967,224.14 which was 173.38% higher compared to the re-venue generated in the same period last year,” pahayag ni Balutan. Mula Enero hanggang Mayo 2016, nakapagtala ang …
Read More »Gov. Imee ikukulong sa kamara (‘Pag ‘di sumipot sa pagdinig)
NAKAHANDA na ang detention chamber para kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa Kamara kapag nabigo siyang dumalo sa susunod na pagdinig hinggil sa imbestigasyon kaugnay sa iregular na pagbili ng kanyang probinsiya ng P66.45 milyong halaga ng mga sasakyan, ayon sa pahayag ng isang mambabatas kahapon. Binalaan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chair ng House good government …
Read More »Rudy Fariñas “persona non grata” sa Ilocos Norte
INAPROBAHAN ng Ilocos Norte Provincial Board o Sangguniang Panlalawigan kahapon, ang Resolution No. 2017-06081, nagdedeklara kay 1st District Rep. Rodolfo “Rudy” C. Fariñas bilang “persona non grata.” Ang resolusyon ay i-nisponsoran nina SP Member and Lawyer Vicentito “Toto” M. Lazo at Vice Governor Angelo Marcos Barba. Technically, ang ibig sabihin ng legal term “persona non grata” ay “unwelcome person,” ipinahihiwatig …
Read More »Ang Ramadan
ISANG malaking krisis ang kinakaharap ng mga kapatid nating muslim ngunit hindi ito naging hadlang at ipinakita nila ang pagkakaisa kahapon sa Quirino Grandstand. Kasabay nang pasasalamat nila kay Allah ay pananalangin para sa kapayapaan ng bansa. Malaking tanong pa rin sa iba kung ano ang Ramadan, lalo sa isang bansang mas marami ang Kristiyano. Ano nga ba ang Ramadan …
Read More »Van sumalpok sa kotse, 1 sugatan (Sa Marcos Highway)
SUGATAN ang driver ng L300 van makaraan sumalpok sa isang kotse sa eastbound lane ng Marcos Highway, nitong Lunes ng madaling-araw. Ayon sa ulat, ang driver na si Val Veniega ay galing sa kanyang negosyong beerhouse at may kargang mga bote ng alak sa minamanehong L300 van. Papunta ng Marikina City si Veniega ngunit pagliko sa U-turn slot ay sumalpok …
Read More »P40-M bitbit ng 3 pasahero sa barko (Inimbitahan sa presinto)
INIMBITAHAN sa presinto ang tatlong pasahero ng barko sa Port of Cagayan de Oro makaraan makompiskahan nang aabot sa P40 milyon, nitong Lunes. Ayon kay Coast Guard spokesperson Commander Armand Balilo, nakasilid ang bulto-bultong pera sa apat sel-yadong kahon ng styropor. Iginiit ng tatlong pasahero na mga empleyado sila ng banko at nagprisenta ng kaukulang mga dokumento. Sa kabila nito, …
Read More »Bata patay sa tama ng bala ng NPA
DAVAO CITY – Patay ang isang 10-anyos batang lalaki makaraan tamaan ng bala ng baril mula sa pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. PM Sobrecarey, Caraga, Davao Oriental, kamakalawa. Ayon kay 10th Infantry Division spokesperson Rhyan Batchar, dakong 12:30 am nitong Linggo, 25 Hunyo, umabot sa 12 armadong rebelde sa ilalim ng Pulang Bagani Command 8, …
Read More »Liderato ng terorista gumuguho na — militar
GUMUGUHO na ang liderato ng mga terorista sa battle zone sa Marawi City, bunsod ng kanilang unti-unting pagkatalo sa sagupaan, ayon sa Philippine military kahapon. Sinabi ni Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera sa press briefing sa nabanggit na lungsod, ang tagumpay ng mga tropa ng gobyerno ay “irreversible” dahil paubos na ang bala ng local terrorist group …
Read More »Batalyon ng pulis ipinadala sa Marawi (Mula sa Calabarzon)
MANILA – Tumulak papuntang Marawi City nitong Lunes ang mga miyembro ng Regional Public Safety Batallion ng Calabarzon Police para tulungan ang puwersa ng pamahalaan na nakikisagupa sa Maute terror group. Sinabi ni Calabarzon Police director, Chief Supt. Mao Aplasca, katumbas nang ipinadalang police contingent ang halos isang batalyon. Sila ay nakabase sa Camp Macario Sakay sa Los Baños, Laguna. …
Read More »Muslim, Kristiyano magkaisa! Eid Mubarak!
ISANG mainit na pagbati ng kapayapaan para sa ating mga kababayang Muslim, lalo sa mga taga-Marawi City na hanggang ngayon ay binabalot pa rin ng lagim ng terorismo. Dahil tapos na nga ang Ramadan at tinuldukan ito ng pagdiriwang ng Eid al-Fitr, umaasa tayo na lalong pinagtibay ng kanilang pananampalataya ang mga kapatid nating Muslim na naiipit sa giyera roon …
Read More »Tara na’t balikan ang mayamang kultura’t sining ng Filipinas (Sa Pambansang Museo)
“MAKILALA at mapalago ang mayamang kulturang nakagisnan.” Sa pagbabago ng panahon, samot-saring kultura at paniniwala ang ating nakagisnan. Kilala ang Filipinas sa magaganda nitong tanawin, eskultura, at iba pang obra maestra. Sa modernong panahon, unti-unti nang nasisira at nawawala ang ilan sa mga kinagisnang kultura sa bansa kaya’t nakaisip na gumawa ng mas mabisang paraan upang mapanatili ito. Itinayo ang …
Read More »P1.5-B dengue vaccine, nakatengga sa cold storage ng gov’t
HALOS umabot na sa 200 namatay dahil sa dengue ngayong taon, ngunit nananatiling nakatengga sa cold storage ng gobyerno ang dengue vaccine, P1.5 bilyon ang halaga. Kasama sa mga nakaimbak na mga gamot at bakuna sa cold storage ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang dengvaxia, ang kauna-unahang bakuna kontra dengue sa mundo. Hindi gamot sa dengue ang dengvaxia, …
Read More »Para sa Eid’l Fitr: 500 MPD cops ide-deploy sa Luneta, Golden Mosque
UMAABOT sa 500 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang ide-deploy sa Quirino Grandstand at sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, ang hudyat ng pagtatapos ng Ramadan. Sinabi ni Supt. Edwin Margarejo, MPD public information chief, ang mga pulis ay ide-deploy dakong 4:00 am para sa panalangin na magsisimula dakong 5:00 am at matatapos …
Read More »Annyeong haseyo! Korean subject ituturo sa public schools – DepEd
ANG high school students na naka-enroll sa public school ay malapit nang turuan ng pagsasalita ng Korean, pahayag ng Department of Education (DepEd) nitong Biyernes, makaraan lagdaan ang memorandum of understanding kasama ng opisyal ng Korean embassy sa Manila. “The DepEd will introduce Korean language as a second foreign language and elective through a pilot program which will be conducted …
Read More »Omar Maute patay na (Indikasyon malakas) – Militar
Inihayag ng military malakas ang indikasyong patay na si Omar Maute, ang isa sa magkapatid na nagpondo sa teroristang grupo sa pag-atake sa Marawi City. Ang ulat hinggil sa posibleng pagkakapatay kay Maute ay unang nakarating sa militar dalawang linggo na ang nakararaan, pahayag ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesperson ng Joint Task Force Marawi, sa press conference sa Marawi …
Read More »P10-M shabu nakompiska sa bahay ng ex-mayor sa Marawi
MARAWI CITY – Kinompirma ng drug enforcement unit ng Philippine National Police (PNP) sa Marawi City ang pagkakakompiska ng dalawang kilo ng hinihinalang shabu, P10 milyon ang halaga, sa bahay ng isang dating alkalde ng lungsod, nitong Biyernes. Ayon sa report, nagsasagawa ng clearing operations ang pulisya sa Brgy. Bangon nang makakita ng ilang shabu paraphernalia. Sinundan nila ito hanggang …
Read More »Meralco Advisory, 4 na taon nang naghahatid ng impormasyon
SA kabila ng samo’tsaring masasamang balitang napapanood at napakikinggan, talaga namang nakaaalis ng bad vibes ang pagbungad sa TV screen ni Joe Zaldarriaga, ang spokesperson ng Meralco, na nagbabalita ng pagbaba ng presyo ng koryente ng P1.43 kada kilowatt-hour ngayong Hunyo. Ang pag-anunsiyo sa all-time high rate reduction ay natataon dahil ang Meralco Advisory, na isang TV commercial na naka-pattern …
Read More »Tore ni Acuzar binulabog ng bomb threat
NABULABOG sa isang bomb threat ang Victoria Towers sa Timog Avenue, Quezon City, nitong Huwebes ng umaga. Dakong 10:55 am nang kumalat ang balita kaugnay sa bomb threat sa condominium kaya agad pinalikas ang mga taong nasa commercial area ng gusali. Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ngunit naging negatibo ang resulta ng kanilang …
Read More »Bong Revilla na-high blood, no show sa plunder trial
HINDI nakadalo si dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa pagsisimula ng plunder trial laban sa kanya sa Sandiganbayan kaugnay sa maanomalayang disbursement ng kanyang pork barrel funds. Si Revilla ay dumanas ng hypertension kaya dinala sa St. Luke’s Medical Center, ayon sa kanyang abogado. Gayonman, walang natanggap ang Sandiganbayan justices na paunang abiso kaugnay sa kondisyon ni Revilla. Itinuloy …
Read More »Ex-PCGG chair Sabio guilty sa graft
HINATULAN ng Sandiganbayan First Division si dating PCGG chairman Camilo Sabio ng 12 hanggang 20 taon pagkabilanggo para sa dalawang bilang ng graft. Ang PCGG noong 2007 ay umupa ng tatlong Hyundai Starex, isang Toyota Altis, at isang Toyota Innova para sa halagang P5.93 milyon sa 36 buwan. Noong 2009, ang ahensiya ay muling pumasok sa lease contract na nagkalahalaga …
Read More »Maute members humalo sa bakwit (Armas inabandona)
INABANDONA ng mga miyembro ng ISIS-inspired Maute terror group ang kanilang armas at humalo sa civilian evacuees upang makalabas ng Marawi City sa gitna ng operasyon ng mga tropa ng gobyerno, ayon sa ulat ng military official nitong Huwebes. “As their bailiwick native land, the terrorists are knowledgeable of the terrain here in Marawi City. They are also using that …
Read More »Cebu Pacific’s Riyadh-Manila flight na-delay (Bunsod ng technical problem)
NANATILI ang Cebu Pacific flight 5J 741 mula Riyadh patungong Manila, sa King Khalid International Airport sa Riyadh habang patuloy ang maintenance ng nasabing eroplano, kahapon. Mayroong 432 pasahero ang nasabing flight, kabilang ang tatlong sanggol. Ang mga pasaherong may visa na maaaring makalabas ng paliparan ay inihatid sa accomodation na inilaan ng Cebu Pacific, o sa kanilang bahay. Ang …
Read More »P50-K Cocaine nasabat sa Makati
NAKOMPISKA ang tinatayang P50,000 halaga ng cocaine sa isang buy-bust operation sa Leviste St., Makati City nitong Miyerkoles. Arestado sa nasabing operasyon ang suspek na si Robert Siosion, 43, sa aktong pagbebenta ng naka-sachet na cocaine sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG). Nakuha mula kay Sioson ang pitong sachet ng …
Read More »Kapalaran ni Syrian President Bashar Al-Assad ‘di uulitin ni Pangulong Digong
ISA sa dahilan kung bakit nagdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay upang iligtas sa terorismo ang Mindanao. Siya mismo ay kinilabutan sa pangitain na siya ay parang si Bashar al- Assad ng Syria. Ayon kay Patrick Henningsen, Executive Editor ng 21st Century Wire.com, parehong sitwasyon ang kinasadlakan nina Duterte at Syrian President Bashar al-Assad na kapwa …
Read More »