Friday , December 19 2025

hataw tabloid

Tanod huli sa ‘shabu’  

shabu drug arrest

ARESTADO ang 27-anyos barangay tanod matapos mahulihan ng hinihinalang shabu malapit sa riles ng PNR sa Sampaloc, Maynila nitong Martes.   Kinilala ang suspek na si Terencio Palo, barangay tanod sa Barangay 422.   Sa report, nakuha sa suspek ang shabu na may timbang na kalahating gramo at aabot sa P2,000 ang halaga.   Nasa kustodiya ng Sampaloc Police ang …

Read More »

3 Sayaff nalambat ng NBI sa Taguig at Sampaloc, Maynila

npa arrest

NALAMBAT ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) sa serye ng operasyon nitong Hulyo 17, 20 at 21 sa magkakahiwalay na lugar sa Taguig at Sampaloc, Maynila.   Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang mga ASG  member na sina Ben Saudi alyas Erie; Ajvier Kuhutan, alyas Jaber; at kapatid …

Read More »

Chinese businessman binoga saka ninakawan

dead gun police

PATAY ang isang negosyanteng Chinese nang barilin, habang naglalakad sa kalsada, ng isang gunman kamakalawa ng hapon malapit sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at T. Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila. Kinilala ang biktima na si Richman Neal Chua So, 48 anyos, may-ari ng Lamp & Lights Store sa nasabing lugar. Ayon sa pulisya, batay sa CCTV footage, dakong 5:00 …

Read More »

BMW ibinenta sa presidente (Paliwanag ng PECO hiningi)

DALAWANG transport group mula sa Iloilo City ang umapela sa Energy Regulatory Commission(ERC) na silipin at imbestigahan ang Capital Expenditure ng Panay Electric Company (PECO) matapos lumitaw na ang pondong inaprobahan para sa pagbili ng transportation equipment ay ibinili ng luxury car na BMW at nang mawalan ng prankisa ang kompanya ay ibinenta sa pangulo nito. Ayon sa Western Visayas …

Read More »

Bukod sa groceries, bills payment at essential goods (10 fun at safe activities na pwedeng gawin sa SM)

Mag-go-grocery ka ba, mamimili ng essential goods o magbabayad ng bills? Lahat ng ito at marami pang iba, magagawa mo ng ligtas at nang isang puntahan lang sa SM. At dahil sa #SafeMallingAtSM campaign, safe at laging enjoyable ang malling experience tuwing magagawi ka sa SM. Pero bukod sa grocery shopping and bills errands, ’eto ang mga pwedeng gawin para …

Read More »

Manila Government, Globe Business assist public schools with data plans for online learning

The city government of Manila will be providing public school students with free access to online learning platforms under Globe’s BatangMaynilaSurf Plans. The telco giant also gave 11,000 LTE pocket mobile WiFi devices to the city for its public school teachers, as they prepare for the blended learning programs to be set by the Department of Education (DepEd). Schools will …

Read More »

On line na ang 2020 kasambahay, kasambuhay search

NAGSIMULA na ang ikalimang taong edisyon ng Kasambahay, kasambuhay Pilipinas Awards na pinalaki ang biyayang cash para sa mga kikilalaning outstanding kasambahay. Kasabay nito, ginawa rin itong online para hindi na kailangan pang umalis ng bahay ang kasambahay para lang sumali. “Mula sa dating P75,000.00, nasisiyahan kami na P100,000.00 na ang biyayang makakamit ng bawat isa sa 10 hihiranging outstanding …

Read More »

Realidad sa SONA iginiit ng ‘green think-tank’

NANAWAGAN kahapon ang Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), isang ‘sustainable think-tank’ sa Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang hindi pagkakapare-pareho niyang  State of the Nation Address (SONA)  ukol sa ‘environment’ at ang realidad upang maproteksiyonan ang kalikasan sa ilalim ng kaniyang administrasyon. Ito ay makaraang ideklara ng Pangulong Duterte na ang responsableng paggamit sa mga likas na yaman …

Read More »

Clean energy advocates, desmayado sa SONA

P4P Power for People Coalition

DESMAYADO ang mga konsumer at grupong nagsusulong ng malinis na koryente sa kinalabasan ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes dahil sa kawalan ng mga plano para sa sektor ng enerhiya sa mga solusyong inilatag ni Pangulong Duterte sa paglaban ng bansa sa COVID-19. Bago ang SONA, mariin nang isinusulong ng Power for People Coalition (P4P) ang …

Read More »

EDITORYAL: Tagong oligarko namamayagpag

EDITORIAL logo

KUNG inaakala ng marami na ang oligarkiya sa bansa ay binubuo lang ng malalaki at mga sikat na negosyante na namamayagpag sa kasalukuyan, isang pagkakamali ‘yan. Maraming oligarko ang hindi napapansin dahil sila ay nakatago sa inaakalang maliit na negosyo pero sa totoo lang malaki na ang naisubi at nakapagbukas pa ng offshore accounts. Isang abogado mula sa Iloilo City …

Read More »

Mobile Serology Testing laban sa COVID-19, inilunsad sa Maynila

INILUNSAD na rin sa lungsod ng Maynila ang kauna-unahang Mobile Serology Testing na magagamit sa tulot-tuloy na mass testing program ng pamahalaan laban sa COVID-19. Pinangunahan ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa Barangay 836, Zone 91 sa Pandacan at sa Barangay 97, Zone 8 sa Tondo, Maynila. Ang nasabing Mobile …

Read More »

Kooperasyon kailangan para matiyak sapat na fixed broadband infrastructure sa ‘new normal’

ANG implementasyon ng quarantine protocols, travel restrictions at physical distancing dahil sa COVID-19 pandemic ay marahas na nakapagpabago sa pamumuhay ng mga Filipino at sa pananatili nilang ‘connected.’ Sa katunayan, ang paglipat sa tinatawag na ‘new normal’ ay madaling maunawaan dahil ginawa ng pandemya ang internet connectivity na isang basic essential sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pinoy, tulad ng …

Read More »

‘Power relief and reforms’ para sa COVID-19 recovery iginiit sa SONA

NAKIISA ang clean energy advocates sa mga grupong nagsagawa ng kilos protesta sa ilalim ng “SONAgkaisa” banner sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Complex sa Quezon City, nitong Lunes ng hapon. Dito ay muling hiniling ng grupo na pinangungunahan ng Power for People Coalition (P4P) at Withdraw from Coal (WFC) network …

Read More »

Lola namatay sa Bacolod (Habang nakapila sa distribusyon ng SAP)

Helping Hand senior citizen

BINAWIAN ng buhay ang isang matandang babae noong Huwebes, 23 Hulyo, sa Barangay Villamonte, lungsod ng Bacolod, sa lalawigan ng Negros Occidental, habang nakapila sa namamahagi ng social amelioration program (SAP) benefit na ilalaan para sa pangangailangan ng mga apo. Kinilala ni Barangay Chairman Rommel Flores ang pumanaw na residenteng si Aurelia Magbanua, 87 anyos, mula sa Purok Sabes. Ani …

Read More »

Anomalya sa ‘foreign assisted project’ isinumbong sa Senado at sa Pangulo

ISINUMBONG ng isang Filipino-Chinese contractor kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Vicente Sotto III ang umano’y nagaganap na katiwalian sa mga ‘foreign-assisted projects’ ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa mga liham na ipinadala ng isang nagpakilalang Jingxy Fu, ng China Gezhouba Group Corporation Limited, na may tanggapan sa High South Corporate Tower, 26th St., corner Avenue, …

Read More »

Abogado sa Iloilo kakasa vs PECO (Kung sasampahan ng disbarment case)

ITINURING na harassment ng isang abogado sa Iloilo City ang banta ng Panay Electric Company (PECO) na sasampahan siya ng disbarment sa Korte Suprema kasunod ng pagbubunyag ng pagkakaroon ng offshore companies ng dating Distribution Utility. Ayon kay Atty. Zafiro Lauron malinaw sa bantang paghahain ng kasong disbarment laban sa kanya, nais siyang patahimikin sa isyu, iginiit ng abogado na …

Read More »

36 LSI mula Negros Occ positibo sa COVID-19

Covid-19 positive

HINDI bababa sa 35 locally stranded individuals (LSIs) mula sa lalawigan ng Negros Occidental at isang Bacolodnon ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) matapos sumailalim sa testing.   Sa mga bagong kaso, lima ay mula sa lungsod ng Sagay City, tig-tatlo mula sa bayan ng Hinigaran, at mga lungsod ng Bago, at Victorias; tigdalawa mula sa mga bayan ng Murcia, …

Read More »

Prinsipal sa Cotabato itinumba ng bala

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang school principal nang barilin sa bayan ng Pikit, lalawigan ng Cotabato, noong Huwebes ng umaga, 23 Hulyo.   Kinilala ni P/Capt. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit municipal police, ang biktimang si Abdullah Hussain, 43 anyos, residente sa Barangay Fort Pikit, sa naturang bayan.   Nabatid na si Hussain ay punong-guro ng Dagadas Elementary School na …

Read More »

Hamon sa PECO: ‘No offshore companies’ sa Bahamas ebidensiya ilabas — Lawyer

HINDI sapat ang pagtanggi ng Panay Electric Company (PECO) na wala silang offshore companies bagkus hinamong maglabas ng kanilang ebidensiya na magpapatunay na wala silang tagong investments sa British Virgin Islands na kilalang taguan ng illegal funds at ginagamit sa money laundering scheme. Ayon kay Atty. Zafiro Lauron, kung walang itinatago ang PECO ay madali itong makahihingi ng sertipikasyon sa …

Read More »

Globe, Google for Education magpalalakas sa digital learning ng mga paaralan

HABANG papalapit ang pagbubukas ng klase, ang mga paaralan at unibersidad ay naghahanda para gamitin at i-maximize ang distance learning kasunod ng  quarantine guidelines ng gobyerno. Ang Globe ay nakipag-partner sa Google for Education upang matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mas mahusay na academic services at i-transform ang digital learning experience. Ang Google for Education ay isang ecosystem ng …

Read More »

Lola natagpuang patay sa sasakyan ng Agusan del Norte provincial gov’t

dead

NATAGPUANG wala nang buhay ang katawan ng isang matandang babae sa loob ng sasakyang pag-aari ng provincial government ng Agusan del Norte nitong Lunes, 20 Hulyo.   Nabatid na nakapangalan ang sasakyan sa Agusan del Norte Provincial Capitol at minamaneho ng isang empleyado ng kapitolyo na kinilalang si Rodrigo Agang.   Papasok sa trabaho si Agang nang bumungad sa kaniyang …

Read More »

LSI’s mula sa high-risk areas bawal pumasok sa Caticlan Port

IPINAGBAWAL ang pagpasok sa Caticlan Port, ang pangunahing gateway patungong isla ng Boracay, sa bayan ng Malay, Aklan ng mga locally stranded individuals (LSI) mula sa mga lugar na mataas ang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) kabilang ang Metro Manila at lalawigan ng Cebu.   Kinompirma ni Malay Mayor Frolibar Bautista na naglabas siya ng executive order alinsunod …

Read More »

Cebu Pacific Advisory: Davao flight passengers kailangan magharap ng RT-PCR swab test

IPINAAALALA ng Cebu Pacific na alinsunod sa mga regulasyong itinalaga ng lokal na pamahalaan ng Davao, simula kahapon, 20 Hulyo, kinakailangang makapagbigay ang mga pasaherong patungong lungsod ng Davao ng COVID-19 RT-PCR (Swab) Test na may negatibong resulta at ginawa sa loob ng 48-oras bago ang departure.   Kaugnay nito, ang Coronavirus Antibody Blood (Rapid) Test ay hindi tatanggapin, at …

Read More »