Friday , December 19 2025

hataw tabloid

Brodkaster sa Butuan arestado sa cyberlibel

DINAKIP sa lungsod ng Butuan ang isang brodkaster sa radyo sa lungsod ng Butuan, lalawigan ng Agusan del Norte, nitong Martes, 18 Agosto, dahil sa akusasyong paglabag sa cybercrime law.   Kinilala ng Butuan police ang suspek na si Ramil Bangues, station manager at anchor ng dxBC sa ilalim ng Radio Mindanao Network (RMN).   Si Bangues rin ang pangulo …

Read More »

10 dating rebelde binigyan ng ayuda

NAKATANGGAP ng tseke bilang ayuda ang 10 dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA), mula sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration (E-Clip) sa isinagawang awarding ceremony ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga, Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA). Sa nasabing seremonya, nakatanggap ng tig-P65,000 ang bawat dating  miyembro ng New People’s Army (NPA) at tig-P15,000 …

Read More »

Gen. Rhodel Sermonia: Bayani kontra CoVid-19 “Rektang Bayanihan” itinatag para umayuda

SA GITNA ng krisis dulot ng pandemyang CoVid-19, maraming mga kababayan na may ginintuang puso ang gumawa ng paraan sa abot ng kanilang munting kakayanan upang makatulong sa kapwa. Lingid sa kaalaman ng nakararami, isa rito ang maituturing na gumawa ng kabayanihan sa kapwa na si Central Luzon Philippine National Police (PNP) Regional Director, Brig. Gen. Rhodel Sermonia na nanguna …

Read More »

2-M shares sa Dito binawi ng Mercedes importer

AYAW paawat ni Auto Nation Group, Inc., chair Greg Yu sa pagbebenta ng kanyang shares sa DITO-CME Holdings Corp., ang kompanya na magpapatakbo sa third telco player sa bansa. Ang Auto Nation ang exclusive distributor ng Mercedes Benz at American auto brands Chrysler, Dodge, Jeep at  Ram sa Filipinas. Sa report ng isang website, ibinenta ng DITO independent director ang …

Read More »

Ex-PNP colonel nadaganan ng 3-palapag na bahay, 20 sugatan (Masbate niyanig ng magnitude 6.6 lindol)

earthquake lindol

PATAY ang isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP), habang sugatan ang iba, nang bumagsak at gumuho ang kanyang tatlong-palapag na bahay sa magnitude 6.6 lindol na yumanig sa bayan ng Cataingan, sa lalawigan ng Masbate, noong Martes ng umaga, 18 Agosto. Unang nasukat ang pagyanig ng lupa sa magnitude 6.5, na tumama 5 kilometro sa timog kanluran ng …

Read More »

Ayuda sa tourism, pinalawak pa sa Bayanihan 2

NAGHAHANDA ngayon ang mga mambabatas na dagdagan pa ng mahigit P15 bilyon ang tulong para sa sektor ng turismo at iba pang industriyang nasalanta ng pandemyang CoVid-19 sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One bill (Bayanihan 2). Ang tourism industry na matagal nang dumaraing sa epekto ng pandemya ay maaaring makakuha ng pautang mula sa binabalak na mas pinalaki …

Read More »

Babaeng HR activist pinaslang Bacolod City (Echanis inilibing na)

ISANG babaeng human rights activist na nakabase sa Bacolod, ang pinaslang nitong Lunes ng gabi, ilang oras matapos ihimlay sa kanyang huling hantungan sa Metro Manila ang pinaslang din na NDF peace consultant na si Randall “Randy” Echanis. Si Zara Alvarez, 39 anyos, ng Negros Island Health Integrated Program at dating political prisoner ay pinaslang sa Eroreco Village, Barangay Mandalaga, …

Read More »

P81-M shabu huli sa HQ ng courier service sa Cebu

NASAMSAM ng mga awtoridad ang 12 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P81.6 milyon sa J&T Express Regional Headquarters sa lungsod ng Mandaue, lalawigan ng Cebu, nang mag-random inspection noong Sabado ng hapon, 15 Agosto. Sa kanilang pahayag nitong Linggo, 16 Agosto, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ikinasa ng kanilang Regional Office 7 – Seaport …

Read More »

Grizzlies sinipa ng Trail Blazers sa playoffs

LAKE BUENA VISTA, Fla. —Tiniyak ni Damian Lillard at ng Portland Trail Blazers na lalarga  sila sa playoff.  Tinalo  nila ang Memphis Grizzlies, 126-122 sa  play-in game  para makasampa sila  sa 8th seed ng West sa Walt Disney World. Sa nasabing laban ay hindi lang mag-isang  binalikat ni Lillard ang opensa ng Trail Blazers nang tulungan siya nina CJ McCollum, Jusuf Nurkic at …

Read More »

‘Power firm’ lalong nadiin sa isyu ng BMW (Sa paliwanag ng sariling abogado)

LALONG nagbukas ng mas maraming tanong ang tangkang pagdepensa ng Panay Electric Company (PECO) sa kinuku­westiyong pagbili ng kompanya ng luxury car na BMW mula sa kanilang Capital Expenditure (CAPEX) na kalaunan ay ibinenta sa kanilang Pangulo nang mawalan na ng prankisa. Una nang lumabas sa mga pahayagan ang nadiskubreng pagbili ng PECO ng BMW 520d sedan noong 2015 mula …

Read More »

10 medtechs kailangan sa Maynila

NAGHAHANAP ng 10 medical technologists ang lungsod ng Maynila para sa laboratoryo ng Sta. Ana Hospital kaugnay ng pagsisikap na makontrol ang krisis sa kalusugan dulot ng pandemyang CoVid-19. Base sa anunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nangangailangan ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng mga medical technologist na itatalaga sa laboratoryo ng polymerase chain reaction (PCR) machine. Ibinida ni Mayor …

Read More »

Teachers, pamilya tinamaan ng COVID-19 (Sa Baguio City)

Covid-19 positive

HALOS wala nang dalawang linggo bago magsimula ang klase sa 24 Agosto, nagpositibo sa CoVid-19 halos lahat ng miyembro ng pamilya ng mga guro sa lungsod ng Baguio. Dahil dito, nagdesisyon ang isang miyembro ng pamilya na ilabas ang kaniyang pagkakakilanlan upang mapabilis ang contact tracing at mailahad ang kanilang karanasan kaugnay ng sakit. Nagsimula umano ito nang isa sa …

Read More »

‘Pabayang’ power firm tablado (Sa Iloilo City)

WALANG basehan ang apela ng Panay Electric Company (PECO) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maibalik ang kanilang Certificate of Convenience and Necessity (CPCN)  at mapayagang muling makapag-operate bilang Distribution Utility (DU) sa Iloilo City dahil wala nang legal na kapangyarihan para gawin ito. Ito ang paglilinaw ni dating Parañaque congressman Gus Tambunting bilang reaksiyon sa inihaing supplemental motion for …

Read More »

I Am Gina, ilulunsad ng ABS-CBN

GINUGUNITA ngayong buwan ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Environment Secretary at ABS-CBN Foundation chairperson Gina Lopez. Ang alaala ng kanyang mga makabuluhang programang pantao at mga aral sa buhay na kanyang itinuro ay mapapanood sa mga cable TV programs at digital platforms ng ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Foundation sa buong buwan ng Agosto. Ang pinakaaabangan ng lahat ay ang paglulunsad ng librong, I Am …

Read More »

4,000 ‘jumper’ ng koryente nakompiska sa 42 barangays (Sa Iloilo City)

MAHIGIT isang linggo o 10 araw lamang ay umabot na sa 4,000 illegal connection ang ‘naaresto’ ng distribution utility na More Power and Electric Corp., (More Power) sa ilalim ng inilunsad nitong “Oplan Valeria”  na nakatuon para mawakasan ang matagal nang problemang electric jumper sa Iloilo City. Ayon kay Ariel Castañeda, hepe ng Apprehension Team ng More Power, ang mga …

Read More »

Political dynasties tunay na oligarchs sa PH — Ateneo dean

MAS laganap ang oligarkiya ngayon kaysa noon. Ito ang binigyang-diin ni Ateneo School of Government Dean Ron Mendoza kasabay ng pagsalungat sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabuwag na ng pamahalaan ang political oligarchs sa bansa. Sa panayam ng isang television news channel kamakailan, sinabi ni Mendoza na ang political dynasties ang tunay na oligarchs  sa Filipinas. “They are …

Read More »

Respeto sa batas paalala sa PECO

SINABIHAN ng Distribution Utility na More Electric and Power Corp, (More Power) ang Panay Electric Company (PECO) na respetohin at sundin ang itinakda ng batas sa harap ng nagpapatuloy na legal battle sa pagitan ng dalawang power firm at nakatakdang pag­papalabas ng desisyon ng Supreme Court (SC) sa legalidad ng inihaing expropriation case, kahit may legal remedies. Kasabay nito, kinastigo …

Read More »

Pabillo nagluksa sa pagpanaw ni ‘Dirty Harry’

NAGLULUKSA sa pag­panaw ni dating Senador at Manila Mayor Alfredo S. Lim ang Apostolic administrator ng Archdiocese of Manila na si Bishop Broderick Pabillo. Ayon kay Pabillo, napa­ka­raming nagawa ni Lim sa kanyang pagsisilbi sa bansa at sa Lungsod ng Maynila kaya maaalala niya bilang opisyal na nagbigay ng libreng edukasyon at ser­bisyo medikal sa mahihirap na mamamayan sa lungsod. …

Read More »

Editoryal: BMW ng power utility company pag-abuso sa consumers’ money

EDITORIAL logo

KUNG ang vital industry gaya ng serbisyo sa koryente ay pinagkikitaan, pinaglilingkod sa interes ng may-ari ng kompanya, at hindi na kinakalinga ang kanilang consumers, dapat pa ba silang pagkatiwalaan? Sa Iloilo City dalawang transport group ang umapela sa Energy Regulatory Commission(ERC) na silipin at imbestigahan ang Capital Expenditure ng Panay Electric Company (PECO) matapos lumitaw na ang pondong inaprobahan …

Read More »

Isinusulong na Cha-cha pro-dynasty, pro-China — Solon at Bayan Muna

Law court case dismissed

BINATIKOS nina House Deputy Minority Leader Carlos Zarate at Bayan Muna chair Neri Colmenares ang muling pagsisikap ng administrasyong Duterte na isulong ang Charter change. Ayon kina Zarate at Colmenares, ang naturang Cha-cha ay may bagong nilalaman pero tinanggal ang  constitutional provisions na magbibigay ng proteksiyon sa Filipinas mula sa expansionism ng China sa West Philippine Sea, gayondin ang pagkakaloob …

Read More »

Sunog sanhi ng jumper at poste ng koryente naibsan sa Iloilo City (Bagong power utility pinuri)

MULA sa dalawa hanggang tatlong  insidente ng sunog na naitatala kada buwan dulot ng illegal power connection sa mga squatter areas sa Iloilo City, wala pang nagaganap na sunog sa nakalipas na limang  buwan mula nang tanggalin sa Panay Electric Company (PECO) ang pangangasiwa sa power supply ng koryente at i-takeover ng bagong distribution utility na More Power and Electric …

Read More »

Sibak o suspensiyon vs LGUs na mag-iipit ng cell tower work permits ng telcos (3-araw ultimatum ni Digong)

cellphone tower

HANGGANG tatlong araw na lamang ang palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units (LGUs) upang aksiyonan ang construction permit applications ng telecom companies para sa pagpapatayo ng cellular towers sa buong bansa. Nagbanta ang Pangulo na sinomang hindi makasunod sa ‘3-day ultimatum’ ay kanyang pakakasuhan at posibleng masuspinde o masibak. Kasamang binalaan ni Duterte ang mga punong barangay …

Read More »

P15-B pondo ng Philhealth ibinulsa ng ‘mafioso’

Philhealth bagman money

AABOT sa P15 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang sinabing ‘ibinulsa’ ng mga miyembro ng ‘mafia’ sa loob ng state-run health insurer sa taong 2019, ayon sa dating anti-fraud officer na tinawag itong ‘crime of the year.’ Sinabi ni Atty. Thorrsson Montes Keith sa Senate hearing kahapon lahat umano ng miyembro ng executive committee ng PhilHealth ang …

Read More »

2 Pinoy patay, 6 sugatan sa 2 pagsabog sa Beirut

DALAWANG Filipino ang iniulat na namatay at anim ang sugatan sa dalawang magkasunod at malalakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon, kahapon, kompirma ng Department of Foreign Affairs (DFA). “Per latest report from the Philippine Embassy, 2 Filipinos have been reported killed and 6 injured. All were in their employers homes during the explosion,” pahayag sa mga mamamahayag ni Foreign Affairs …

Read More »