Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na dapat sampahan ng kaso si dating House Speaker Martin Romualdez dahil sa multi-bilyong pisong anomalya sa flood control projects.

Nitong nakaraang Huwebes sa year-end press conference ng Kalihim, inirerekomenda ng DPWH ang pagsasampa ng kaso laban sa 87 indibiduwal na sangkot sa flood control fiasco. Pinakamataas sa listahan si Romualdez at ang kanyang Appropriations Chairman noon, si dating Cong. Zaldy Co.

Ang anomalya sa proyekto sa panahon nina Romualdez at Co ay nagtagal ng ilang taon. Bilyon-bilyong pisong pondo ng gobyerno ang nasayang at hininalamg pinaghati-hatian ng mga sangkot, habang libo-libong pamilya ang patuloy na binabaha taon-taon.

Pero bakit kaya tila wala pa rin aksiyon ang  Ombudsman o si Chairman Boying Remulla para panagutin si Romualdez? Wala pa nga ba? 

Buti pa sa kaso kay Co, may malinaw nang hakbang: may graft at malversation complaints, ilan sa kanyang arrest warrants ay nailabas na, at nakansela ang passport. Ang ilan sa maliliit na sangkot ay naaresto na rin. Kahit malayo pa ang hustisya, may naumpisahan na.

Nakababahala ang kawalang-galaw ng kaso kay Romualdez. Noong Nobyembre, inirekomenda na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na sampahan siya ng kaso. Hanggang ngayon, wala pa rin aktuwal na kaso mula sa Office of the Ombudsman, walang freeze order, at walang pormal na aksiyon, kahit lumalakas ang mga alegasyon laban sa kanya.

Tumitindi tuloy ang hinala na may proteksiyon si Romualdez mula sa Ombudsman—kapartido, kaalyado, at ka-brod sa fraternity. Habang ang iba, kahit binura na sa listahan ng ICI, ay patuloy na pinupuntirya, si Romualdez ay tila may espesyal na trato.

Ang may kinikilingang hustisya na ito ay nagpapakita ng hindi pantay na pagpapatupad ng batas. Kung tunay na seryoso ang gobyerno sa kampanya kontra korupsiyon, lahat ng sangkot ay dapat pantay-pantay na haharap sa hustisya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee Marcos, ang ‘Baba-nocchio’ ng Senado

SIPATni Mat Vicencio PAGKAKAIBA ni Senator Imee Marcos kay Pinocchio: Si Pinocchio ang ilong ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …