Saturday , June 6 2026
Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf of her brother.

Sa viral video ng kapatid ni Pokwang na minaltrato ang nakasanggang mag-amang magkakariton, ang aktres-host ang humingi ng tawad para sa maangas na kapatid.

Agad na umaksyon ang LTO na isuspinde ang lisensya ng kapatid (for 90 days) ni Pokwang sa bisa na rin ng nakitang mga ebidensya. Pero may mambabatas ngang nanawagan ng mas matinding parusa laban dito.

Umapela si Pokwang para sa kapatid na umano’y nagbanta pang babarilin ang nakasagi sa kanyang Hilux car na magkakariton ayon sa ilang tsika.

Masyado raw “epal” ang awra ng kapatid ng aktres-host na kahit inaawat na raw ng asawa nito ay tila mas lalo pang nagyabang. At kahit daw umiiyak na ang batang anak ng magkakariton dahil sa pagsapok ng driver sa ama, deadma lang daw ito.

Sa post nga ni Pokwang na humihingi ng ‘sorry’ para sa kapatid ay kinol-out pa nito ang mambabatas na mas intindihin nito ang problema ng bayan kaysa mangialam sa ganoong senaryo. 

Hindi naging maganda ang reception ng madla sa panawagan ni Pokwang lalo’t wala naman daw ipinakitang remorse ang ‘ma-epal’ nitong kapatid.

Ang nakakaloka pa, kahit ang humble beginning ng pamilya nila ay naungkat pa at ipinamukha ng netizen ngayong mayroon na raw itong matatawag na yaman at power.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …