Tuesday , January 31 2023

Dingdong Dantes, nagbabalik bilang Medicol brand ambassador  

HAPPY at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakararanas ng pandemya, it makes me grateful,” bungad na pahayag ni  Dingdong Dantes nang ianunsiyo ng Unilab ang pagiging endorser ng Medicol.

 

Ang pag-aanunsiyo ay isinagawa ng brand manager ng Medicol na si Lisa Angeli K. de Leon. Aniya, matagal nang miyembro ang bidang actor sa Descendants of the Sun PH ng Unilab family.  

 

“Ini-launch ang campaign noong July and we are exploring projects na pwede kaming mag-collaborate to inspire Filipinos to rise above the challenges, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Masaya po kaming makatrabaho muli si Dingdong muli,” sambit ni de Leon.

 

Taong 2008 unang nating endorser ng Medicol si Dingdong at malaki ang pasasalamat ng aktor dahil ito ang unang brand na nagtiwala sa kanya. 

 

“Isa pong pribilehiyo ang maging brand ambassador. Ako po ay kaisa nila sa pagsusulong ng mas malusog na Pilipinas, one quality medicine at a time. Katulad ng Unilab, naniniwala rin po ako na ang de kalidad na health care ay dapat abot-kaya ng bawat Filipino,” ani Dingdong.

***

Pinakamabisang pain reliever

Ipinahayag pa ni de Leon na ang Medicol ay dumaan sa maraming reinventions simula noong una itong ipakilala sa mga tao noong1979. Mula sa pagiging paracetamol tablet, ito ay naging ibuprofen caplet noong 2000s para magbigay ng mas mabilis at mas mabisang pain relief.

 

Taong 2010, inilunsad naman ang Medicol Advance 200mg bilang kauna-unahang ibuprofen softgel sa bansa. Mas mabilis ang bias nito dahil sa ibufluid technology. 

 

At noong 2013, mas pinalawak ng Medicol ang kanilang offering sa pamamagitan ng paglunsad ng unang 400mg ibuprofen softgel sabansa. Sa kasalukuyan, nananatiling nag-iisa ang Medicol 400 sa merkado.

 

“Mula sa pagiging headache brand, isa na siyang clinically proven medicine to relieve different types of pain gaya ng migraine, toothache, dysmenorrhea, body pain at maging post-operative pains gaya ng tooth extraction,” kuwento pa ni de Leon,

 

“Dito pumapasok kung bakit si Dingdong ang perfect ambassador para sa Medicol. Napakarami nang nagbago sa Medicol at kay Dingdong. Kung paano nag-develop ang brand ay ganoon din si Dingdong over the years. He embodies the brand with his multi-faceted character and achievements. Si Dingdong ang perfect person to represent the brand’s promise of helping be your best self,” giit ni de Leon.

***

Buhos ang blessings

Samantala, bukod sa pagiging brand ambassador ng Medicol, abala rin si Dingdong sa maraming bagay kahit may pandemic. Katatapos lamang niya sa lock-in taping para sa Descendants of the Sun na malapit nang magbalik-television. May taping din siya tuwing Linggo para sa Amazing Earth. Siya rin ang director ng kanyang maybahay na si Marian Rivera para sa show at ibang endorsement shoots nito.

 

Aktibo rin si Dingdong sa YesPinoy Foundation at sa DingDongPH na online marketplace at delivery app na inilunsad niya kamakailan.

 

“Nagagawa ko ang lahat ng ito dahil sa supporta ng aking pamilya at ng aking komunidad who appreciate my craft and my contributions sa mga industriyang kinabibilangan ko,” sambit pa ni Dingdong.

 

Sa pagtungtong naman ni Dingdong sa edad 40, ano kaya ang dapat asahan mula sa kanya?

 

 “I would like to think that I am still a work in progress and the best is yet to come. Marami akong pangarap para sa pamilya ko, para sa entertainment industry na humubog sa akin, at pangarap para sa communities and sectors na maaari ko pang matulungan.

 

“Itong pandemya, it has been testing my faith and patience. Sinusubok ako sa mga paraan kung paano ko masisiguro ang safety and health ng pamilya ko at ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero alam ko na in His perfect time, this too shall pass,” pagtatapos ng aktor.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil online teacher

Single-mom BPO worker happy sa positive results ng paggamit ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                I’m Marie …

KathNielDaniel Padilla Kathryn Bernardo TnT

Daniel Kathryn may bagong pasabog;TNT may pa-Valentine’s treat

TIYAK na marami ang matutuwang KathNiel fans dahil may bagong proyekto sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ito ang TVC …

Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm 2

DONGYAN binulabog ang Angeles; Beautéderm Corporate Headquarters pinasinayaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGKA-TRAPIK-TRAPIK ang kahabaan ng Angeles City nang bumulaga sa pasinaya …

Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm

DongYan at Ms. Rhea Tan, pinangunahan ang unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters. Pinangunahan ng Beautederm President at CEO …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Tamang pagkain, body exercises pinagmumulan ng ‘chi’ sa ating katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Matagal na …

Leave a Reply