Friday , December 27 2024

hataw tabloid

Bank grading project’ ikinasa ng Green Energy Coalition

NAKIBAHAGI ang mga miyembro ng Withdraw from Coal (WFC) Campaign sa pagpupulong ng  mga matataas na opisyal ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa pagsisimula ng pakikipag-ugnayan nito sa  mga bangko para sa kanilang  Coal Divestment Criteria at Scorecard. Ang ‘scorecard’ ay nangangahulugan na sila ang mangangasiwa sa proseso sa pagsusuri kung paano “green” ang bank’s investments ng mga policymakers, …

Read More »

Balik Probinsya convoy tinakasan, van tinutugis ng Albay police

road accident

TINUTUGIS ng pulisya ang inupahang van na may sakay na walong benepisaryo ng “Balik Probinsya” convoy na patungo sa isang quarantine facility sa lungsod ng Ligao, sa lalawigan ng Albay, kahapon, 7 Hunyo. Nabatid na naunang pinahimpil upang tingnan ang kaukulang mga dokumento ng Nissan van (F3V013) na minamaneho ng driver na kinilalang si Wilfredo Bautista, sa isang police border …

Read More »

Duplikadong FB accounts kumalat (Sa gitna ng protesta vs Anti-Terror Bill)

SIMULA noong Sabado, 6 Hunyo, mara­ming Filipino sa iba’t ibang lugar ang naba­hala nang mabatid na mayroong mga gina­wang pekeng 2nd Facebook account sa ilalim ng kanilang mga pangalan. Nagpahayag ng pagkabahala ang daan-daang estudyante mula sa mga paaralan sa Cebu, partikular sa University of the Philippines Cebu, Uni­versity of San Carlos, at San Jose Recoletos dahil sa naglabasang FB accounts …

Read More »

Taguig nagpasalamat kay Pangulong Duterte, at DPWH Sec. Villar sa ‘model bike highway’ sa C6 Road

Taguig bike lane Laguna Lake Highway

BUMUBUHOS ang taos-pusong pasasalamat mula sa mga siklista dahil sa bike lane na inilatag sa Laguna Lake Highway na proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte, at naisakatuparan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangu­nguna ni Secretary Mark Villar dahil ligtas na silang maka­pagbibisikleta sa kalsada. Ayon sa siklistang si Enrique Tija, 43-anyos na residente sa Barangay Napindan, ang …

Read More »

Retiradong pulis patay sa harap ng Manila Zoo  

dead

PATAY na natagpuan ang isang retiradong pulis sa tapat ng Manila Zoo, kahapon ng umaga, Huwebes sa Malate, Maynila.   Kinilala ang biktima na si dating senior police officer 2 Jaime Limon Asuncion, 67, may-asawa at residente sa 133 Lot 9 & 10 Block 3, Shiela St., Sucat, Parañaque City.   Nabatid sa ulat, si Asuncion ay nakitang wala nang …

Read More »

Tone-toneladang kamatis itinambak sa Vizcaya, Ifugao  

BUNSOD ng mababang presyo ng kamatis sa kabila ng mataas na produksiyon, napipilitan ang mga vegetable farmer na itambak na lamang sa gilid ng kalsada ng mga lalawigan ng Ifugao at Nueva Viscaya ang maliliit at katamtamang ang laking kamatis. Noong 2 Hunyo 2020, natagpuang itinambak sa mga kalsada sa bayan ng Tinoc sa lalawigan ng Ifugao ang tone-toneladang kamatis. …

Read More »

Barangay Bucal sa Laguna kontaminado ng poliovirus

ILANG buwan matapos makompirma ng mga awtoridad ang muling pagsulpot ng sakit, lumabas sa isang pagsusuri na positibo sa poliovirus ang mga water sample mula sa isang sapa sa lungsod ng Calamba, sa lalawigan ng Laguna.   Ipinag-utos ng mga opisyal ng Barangay Bucal sa kanilang mga nasasakupan na huwag magpunta sa Ligasong creek, kung saan nakuha ang water sample. …

Read More »

China telecom third telco? (HB No. 78 tangkang alisin ang telcos bilang public utilities — Carpio)

PINALUSOT ang House Bill No. 78 para makakawala ang telcos mula sa 60 percent Filipino ownership requirement ng Konstitusyon, ayon kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio. Ang HB No. 78 ay inaprobahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong 10 Marso 2020, isang linggo bago isailalim ang Metro Manila at ang ilang bahagi ng bansa ni Presidente Rodrigo Duterte sa …

Read More »

30 pasahero nakaligtas sa kotse vs PNR train

road accident

NAGBANGGAAN ang isang tren ng Philippine National Railways (PNR) at isang kotse na tumatawid sa riles sa Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.   Ayon kay Manila Police District – Abad Santos Station (MPD-PS7) commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo, first responder, dakong 4:50 am nagandap ang insidente sa lugar.   Sa ulat ni Manila Traffic Enforcement …

Read More »

KWF, ipinagpaliban ang mga timpalak pangwika ngayong 2020

IPINAGPALIBAN ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga timpalak pangwika (bukod sa Sanaysay ng Taón) ngayong 2020 bílang pagtalima sa National Budget Circular. No. 580. s. 2020 (“ADOPTION OF ECONOMY MEASURES IN THE GOVERNMENT DUE TO THE EMERGENCY HEALTH SITUATION”) partikular sa Seksiyon 1.3 Relative thereto, R.A. No. 11469 Section 4(v) directed the discontinuance of appropriated programs, projects or activities of any agency …

Read More »

4 empleyado wagi sa labor dispute vs ABS CBN (Naunsiyami ng COVID-19)

abs cbn

APAT na sinibak na empleyado ng ABS-CBN ang nagwagi sa kanilang inihaing reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) bago tuluyang nawala sa ere. Inilabas ng NLRC ang desisyong return-to-work order para kina Rowena “Wheng” Hidalgo Otida, Jerome “Jay” Manahan, at John E. Cuba.Kasamang nanalo ng tatlo sa kaso (NLRC-NCR case no. 05-06101-03) si Ricky de Belen, ngunit namatay sa isang …

Read More »

Payo ni Mayor Isko: Covid-19 contact tracing app gamitin ng estudyante

HINIMOK ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga estudyante sa Maynila na gumamit ng “Stay Safe” COVID-19 contact tracing mobile app. Sa ginanap na virtual conference sa pagitan ng  University and College presidents, sinabi ni Mayor Isko, ito ay para masubaybayan ng mga estudyante ang mga lugar kung saan may naninirahang COVID-19 positive para makaiwas na pumunta roon. “Ask …

Read More »

Pag-usad sa digital mula cash transactions panahon na — Globe

NGAYON na ang panahon para gawing digital mula cash ang pamamaraan ng pagbabayad. Ang malawakang paggamit ng cash ang magiging pangunahing balakid sa kampanya ng bansa para sa digitalization. Ito ang ipinaliwanag ni Globe President and CEO Ernest Cu sa isang panayam kamakailan hinggil sa ‘new normal.’ Ayon kay Cu, magiging mahirap ang mag-iskala kung ang mga negosyo, lalo na …

Read More »

2 SAP beneficiaries tiklo sa drug bust  

shabu drug arrest

NATIMBOG ng pulisya ang dalawang drug suspects na sinasabing mga benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan, sa lungsod ng Lucena, lalawigan ng Quezon, kahapon, Martes ng umaga, 2 Hunyo.   Ayon kay P/Lt. Romulo Albacea, hepe ng Lucena police, nahuli sa akto ng mga awtoridad ang delear ng isda na kinilalang si Wilfredo Hernandez, Jr., at tricycle driver …

Read More »

Nurse sa Baguio, bagong COVID-19 patient sa lungsod

Covid-19 positive

NAITALA ang isang 38-anyos lalaking nurse na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) bilang pangatlong kaso matapos mailipat ang lungsod ng Baguio sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).   Hindi inilabas ng Baguio General Hospital and Medical Center ang mga detalye ng health worker.   Sinabi ni Dr. Rowena Galpo, city health officer, sa management committee meeting sa Baguio …

Read More »

Sa Leyte… 22 Balik Probinsya negatibo sa COVID-19

NEGATIBO sa SARS Cov2, ang corona virus na sanhi ng COVID-19, ang 22 kataong kasama sa mga umuwi sa lalawigan ng Leyte sa ilalim ng programang Balik Probinsya Bgtaong Pag-asa (BP2) ng pamahalaan na naglalaan ng libreng transportasyon sa mga nagnanais umuwi sa kani-kanilang lalawigan.   Kasama ang sample na kinuha mula sa kanila sa 90 benepisaryo ng programang BP2 …

Read More »

PHLPost: Mga Post Office sa bansa bukas pa rin, iskedyul nito inanunsyo

Nananatiling bukas ang mga tanggapan ng post office sa buong Pilipinas upang maghatid at tumanggap ng liham at parsela. Ayon sa Philippine Postal Corporation o PHLPost, sinisiguro ng kanilang tanggapan na maihahatid ang mga ipinadadala ng publiko sa kabila ng ipinatutupad na Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) sa kalakhang Maynila at General Community Quarantine (GCQ) sa mga piling lugar sa …

Read More »

P50-M overpriced medical supplies, nasamsam ng BoC-CIIS

NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang tinatayang nasa P50 milyong halaga ng medical supplies at equipment mula sa mga bodegang sinalakay nila sa Wilson Street, Greenhills, San Juan at Malabon cities, na pagma-may-ari ng Omnibus Biomedical System, Inc. Ang naturang kompanya ay tinukoy kamakailan sa isang pagdinig sa Senado na nagbebenta ng overpriced automatic extraction machines …

Read More »

Suspensiyon ng LTFRB MC 2020-019 hirit ng bus passengers

LTFRB bus terminal

HINILING ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga pasahero ng pampublikong sasakyan, ang suspensiyon ng implementasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular (MC) 2020-019  o ang “Guidelines for the Operation of Public Utility Buses (PUBs) during the period of General Community Quarantine (GCQ)” sa Metro Manila. Ang unang maaapektohan ng implementasyon ng naturang LTFRB Memo na …

Read More »

Fake news vs Omnibus pinabulaanan (Walang monopolyo at dagdag-presyo)

MARIING itinatanggi ng  Omnibus Bio-Medical Systems. Inc, — ang tagapamahagi ng Sansure Biotech Inc., dito sa Filipinas — ang mga paratang na nagbenta sila ng gamit sa COVID-19 testing nang mas mataas na presyo sa nararapat. Ayon sa Omnibus, walang batayan at katotohanan ang lahat ng mga paratang. Bilang isang kompanya na nagbebenta ng gamit pang-medikal sa loob ng mahigit …

Read More »

Panganib sa ‘Balik Probinsiya’… 2 sa 100 umuwi sa Leyte positibo sa COVID-19

DALAWA sa 100 katao na umuwi sa lalawigan ng Leyte sa pamamagitan ng programang Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa (BP2) ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19). Ayon sa tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas sa isang press conference kahapon, Huwebes, 28 Mayo, ang mga nagpositibo ay isang 26-anyos lalaki mula sa bayan ng Tanauan, at isang 28-anyos na lalaki …

Read More »

Malvar, Tuloy Ang Laban!

ANG Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikang Pilipino 1896 (KAANAK 1896) na inorganisa ng National Historical Commission (NHC) noong 1991, na ang naging Founding Chairman ay si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., ang producer ng Malvar at apo ng Pambansang Bayaning si Hen. Miguel Malvar.   Ang isa sa primary goal ng KAANAK 1896 ay ang isama ang mga descendant ng Revolutionary Heroes sa dokumentasyon ng patuloy na pakikipaglaban para …

Read More »

KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ipinagpaliban ngayong 2020 (Dahil sa COVID-19)

DAHIL sa patuloy na banta ng COVID-19, ipinagpaliban ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagdaraos ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko para sa taóng 2020. Idaraos ang parangal sa 2021 at magbibigay ng kaukulang panahon upang makapaghanda ang KWF sang-ayon sa mga wastong hakbang pangkalusugan. Ang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ay isang prestihiyosong parangal para sa …

Read More »

Bayan Muna sa ERC: P108-B Meralco ‘overbillings’ ibalik sa konsumer

HINIKAYAT ng Bayan Muna ang  Energy Regulatory Commission (ERC) na ipabalik sa Manila Electric Company (Meralco) sa konsumers ang bahagi ng 108 bilyong overcharges, over-recoveries at bill deposits na nakolekta nitong nakalipas na mga taon. “This huge amount of money should have been refunded to Meralco’s customers years ago. In this time of great difficulty and need, it is unconscionable …

Read More »