HINATULAN ng Sandiganbayan na makulong si dating Development Bank of the Philippines (DBP) Chairman of the Board Vitaliano Nañagas II dahil sa kasong estafa at katiwalian. Ayon sa ulat ng Office of the Ombudsman, hinatulan ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang si Nañagas na makulong ng anim hanggang 10 taon dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, apat hanggang …
Read More »Pili Pinas 2016 Presidential Debate ng ABS-CBN, pumalo sa 40.6% na national tv rating (Pinakapinanood na Pili Pinas presidential debate!)
INABANGAN at tinutukan ng maraming Filipino sa buong bansa ang huling paghaharap ng limang presidential candidates sa Presidential Town Hall Debate ng ABS-CBN noong Linggo (Abril 24), na pumalo sa national TV rating na 40.6%, base sa datos ng Kantar Media. Ito ang pinakatinutukang paghaharap ng mga kandidato sa Pili Pinas 2016 presidential debate series ng Commission on Elections. Wagi …
Read More »Ex-LWUA Head Pichay, 3 pa swak sa graft
SASAMPAHAN ng patong-patong na kaso sa Sandiganbayan si dating Local Water Utilities Administration (LWUA) administrator Prospero Pichay at iba pa niyang mga kasamahan. Tinukoy ng Office of the Ombudsman ang paglabag ni Pichay sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards of Government Employee dahil sa paggamit ng P1.5 milyon fund para mag-sponsor sa isang …
Read More »INC mabilis na tumulong sa biktima (Sa pinakabagong lindol sa Japan)
MABILIS na tumugon sa pangangailangan ng mga biktima ng nakaraang lindol sa bansang Japan ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa pamamagitan ng pagbigay ng libo-libong kahon ng relief goods sa ilalim ng programang Lingap o International Aid for Humanity nito. Sinabi ni Glicerio B. Santos, Jr., ng INC noong Linggo, naiparating at naipamigay ng INC ang relief packs sa mga …
Read More »Salceda: Si Chiz ang VP ko (Baliktaran sa Bicol, Leni laglag)
TILA pangitain sa politika na yayanig sa bansa sa huling dalawang linggo bago ang halalan, sumabog nitong Biyernes ang anunsiyo ni Albay Governor at Liberal Party (LP) regional chairman Joey Salceda na susuportahan niya ang kandidatura ng kapwa Bikolano na si Sen. Chiz Escudero. Ayon kay Salceda, ikinokonsidera niya sa kanyang pagpili ang 18-taong karanasan ng beteranong senador laban sa …
Read More »Batas Militar ibabalik ni Digong – Rosales (Justice system binabarya)
NAGKAKATOTOO na ang sinabi ng dating Commission on Human Rights (CHR) Chair Loretta “Etta” Rosales na ang sistema ng pamumuno ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang magsisilbing daan sa pagbabalik ng Martial Law noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa panahon ng kainitan ng pangangampanya ni Duterte, tahasan niyang sinasabi sa harapan ng kanyang mga supporters na …
Read More »P4.5-M pasuweldo swak sa bulsa ni Vice Mayor (Pasay City ghost employees buking)
NAIPALUSOT sa Pasay City council ang payroll ng tinatayang 100 ghost employees, dahilan kung bakit naibulsa ni Vice Mayor Marlon Pesebre ang halos P4.5 milyon halaga ng pasuweldo para sa unang quarter pa lamang ng kasalukuyang taon. Napaulat na nagsimula ang pagkakaroon ng ghost contractual employees nang maupo si Pesebre bilang vice mayor noong 2010 pero nabuking kailan lamang. Sa …
Read More »Protesta vs Duterte patuloy
MATAPOS bawiin ang paghingi ng sorry ng kanyang kampo, lalong nag-init ang women’s groups laban kay Davao City mayor Rodrigo Duterte. Nabunyag na ang paghihingi ng tawad sa kanyang pagbibiro na sana’y siya ang naunang mang-rape sa pinaslang na Australianang misyonaryo na si Jacqueline Hamil ay pakana lamang pala ng kanyang kampo. Si Mayor Duterte mismo ang nagbulgar na hindi …
Read More »Mayor Oca landslide win sa latest survey (280,000 votes lamang, buong Oca Team wagi rin)
TULOY-TULOY ang arangkada at pag-angat ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pinakahuling survey na isinagawa noong nakalipas na buwan ng Marso. Sa Inilabas na pinakahuling survey ng Actual and Comprehensive Evaluators (ACE), nakakuha ng 69.2% si Mayor Oca samantala 24.8% lang si Enrico “Recom” Echiverri. Ganoon din ang inilabas na survey results ng Probe Data Processing & Research …
Read More »Duterte dapat idiretso sa Mandaluyong — 4k
TINAWAG ni Vice President Jejomar Binay na ‘abnormal’ si presidential bet at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte at iginiit naman ng isang advocacy group na imbes sa Malakanyang ay sa National Center for Mental Health (NCMH) dapat idiretso ang kandidatong pangulo ng PDP-Laban. Sa kanyang talumpati sa mga tagasuporta sa Alaminos City, Pangasinan kamakalawa, iginiit ni Binay na dapat …
Read More »Duterte banta sa Press Freedom
KAUGNAY sa pagdiriwang ng World Press Freedom Week sa unang linggo ng Mayo, inihayag ng pamilya ng tatlong journalists na pinaniniwalaang pinaslang ng Davao Death Squad, banta sa kalayaan ng pamamahayag ang presidential candidate na si Rodrigo Duterte. ”Lalong magiging mapanganib ang trabaho ng mga diyarista sa oras na maupong pangulo ng republika ang dating alkalde ng Davao na obyus …
Read More »Take home pay ng obrero dagdagan — Chiz (Tunay na minimum wage ipatupad)
UPANG dagdagan ang iniuuwing buwanang kita ng mga manggagawa sa bansa, ang pagsasabatas ng Tax Relief Law ay nakatakdang mangyari kapag pinalad na pagkatiwalaan ng mamamayan bilang bise presidente sa susunod na halalan si independent vice presidential bet Sen. Chiz Escudero. Kasabay nito, nagbigay-diin ang Senador na ang mga taxpayer ang may karapatan kung saan pupunta ang kanilang kita. Sa …
Read More »Kahirapan Public Enemy No. 1 — Chiz
SA kahirapan nag-ugat lahat ng problema ng bansa at ito ang public enemy number one. Ito ay ayon kay independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero kasabay ng pahayag noong Linggo na ang pagsugpo sa kahirapan ang magiging prayoridad ng gobyernong may puso. “Sa Gobyernong may Puso, ang kalaban po namin, kahirapan, public enemy number one po namin ‘yan,” ayon …
Read More »CCM extension sa 6 distrito gagawin ni Lim (Estudyante hindi na magkokomyut)
MAGKAKAROON na ng extension campus ang Universidad de Manila (dating City College of Manila o CCM) sa bawat distrito ng Maynila upang hindi na kailangan pang mamasahe ang mga nais mag-aral nang libre sa kolehiyo. Ito, ayon sa nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim, ang isa sa kanyang mga pangunahing plano sa oras na makabalik sa City Hall, …
Read More »Vote-buying tinabla sa Caloocan (Namigay ng bigas at de-lata)
NAPIPINTONG ma-disqualify si Cong. Enrico “Recom” Echiverri, kandidatong mayor sa Caloocan City, matapos sampahan ng kasong vote-buying o paglabag sa Omnibus Election Code sa piskalya na nakasasakop sa Comelec, ng isang ginang na inabutan ng bigas at de-lata. Sa kanyang sinumpaang salaysay sa piskalya ng Caloocan, inihayag ni Rosita Ordejon, biyuda, ng Kaunlaran Village, Caloocan City, nagsadya umano sa kanyang …
Read More »May the people win – Chiz
“ANG taumbayan ang dapat magwagi sa darating na eleksyon.” Ito ang mariing pahayag ni independent vice presidential candidate Francis Chiz Escudero sa ginanap na debateng inorganisa ng ABS CBN kahapon. Sa simula ng kanyang talumpati, nagpahayag ng kalungkutan si Escudero dahil tila mas masigasig pa ang kanyang mga kapwa kandidato na maghanap ng mga isyung ibabato sa isa’t isa kaysa …
Read More »Lim-Ali una sa PMP Survey
ISA na namang survey na isinagawa sa Maynila ang muling pinangunahan ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim at fifth district Councilor Ali Atienza. Kapuna-puna na ang naturang survey ay nanggaling mismo sa kampo ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) na pinamumunuan ni dating Pangulong Joseph Estrada na kalaban ni Lim sa politika. Ipinakita sa nasabing survey na …
Read More »Bongbong nabahala sa pagnipis ng power supply
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., kandidato bilang bise presidente, sa pagnipis ng power supply sa bansa at hinimok niya ang mga energy official na siguruduhing walang brownout sa araw ng halalan sa May 9 dahil kung mangyayari ito aniya ay magkakaroon ng duda ang mga tao sa resulta ng eleksiyon. Sinabi ito ni Marcos, makaraan …
Read More »No tsunami threat sa PH Ecuador quake, 77 patay
AGAD pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa posibleng tsunami threat kasunod ng magnitude 7.8 lindol na tumama sa Ecuador. Ayon sa Phivolcs, bagama’t napakalakas ng lindol ay malayo sa Filipinas ang epicenter nito. “No destructive Pacific-wide threat exists based on the historical and tsunami data,” saad ng ahensya. Posible lamang anila na …
Read More »Duterte: Ako dapat mauna sa babaeng nireyp
BUMUHOS ang galit ng mga tao sa isang viral video na nagtatalumpati si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, at ikinukuwento ang isang pagkakataong pinagalitan daw niya ang isang grupo ng kalalakihang nanggahasa sa isang Australianang misyonaryo. Nakita raw ni Duterte na may kamukhang artista sa Hollywood. Sa video, sinabi ni Duterte na: “pu*****na, sayang,” habang nagtatawanan ang mga tao sa …
Read More »P375-M shabu tiklo sa 2 Chinese, 2 Taiwanese
APAT dayuhang drug dealer, pawang Chinese at Taiwanese national, ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs makaraang makompiskahan ng 75 kilo ng shabu na nagkakahalag ng P375 milyon “street value” kahapon ng hapon sa nasabing lungsod. Sa inisyal na ulat, ayon kay Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng DAID, naging katulong nila sa …
Read More »Sanggol, paslit 2 matanda patay sa sunog
APAT ang patay sa sunog na tumupok sa 50 bahay sa E. Santos Street sa Brgy. Palatiw, Pasig City. Kinilala ang mga namatay na sina Fidela Lacia, 60; Enrique Sanchez, isang 4-anyos paslit at kapatid niyang 2-anyos sanggol. Nasa 100 pamilya ang naapektohan ng sunog na sinasabing nagsimula sa bahay ng isang alyas “Kudos” na mabilis kumalat dahil gawa sa …
Read More »Motorcade itinigil ni Lim para makinig sa hinaing ng Manilenyo
KINAILANGAN tumigil ang motorcade ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim sa ikalimang distrito sa Maynila nang magsisugod ang mga residente patungo sa sasakyan niya upang maglabas ng mga hinaing, kasama na ang umano ay sobrang taas na singil per ora nang gumamit sila dati ng sports complex sa lungsod, gayong dati naman itong libre. Karamihan sa mga …
Read More »Suspek sa pagpatay sa 2 bata, adik
ILOILO CITY – Nahaharap sa kasong double murder sa ilalim ng Republic Act 7610 o child abuse ang kasambahay na suspek sa pagpatay sa 11-anyos at siyam taon gulang na mga batang inaalagaan sa San Matias, Dingle, Iloilo. Ayon kay Insp. Marvin Buenavista, sa kabila nang pagsampa na ng kaso sa suspek na si alyas Charity, 17, patuloy pa rin …
Read More »4,000 disapproved sa local absentee voting
HALOS 4,000 ang disapproved local absentee voters sa darating na halalan. Ayon sa data ng Comelec, ilan sa hindi naaprubahang aplikasyon ay dahil sa kulang na requirements, habang ang iba ay hindi nakaboto sa nakaraang eleksiyon. Una rito, mahigit 28,000 ang nagparehistro bilang local absentee voters na kinabibilangan ng mga guro, pulis, sundalo at media personnel. Posibleng mas mababa pa …
Read More »