SA KABILA ng malawakang debate sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa CoVid-19, nanawagan si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na maging mahinahon at magtimpi muna sa paggamit ng gamot na Ivermectin. Ayon kay Garbin, mura nga ang Ivermectin pero maraming espekulasyon sa paggamit nito. Ani Garbin, ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang rollout ng bakuna, ang …
Read More »‘Lockdown’ kapalpakan ng gobyerno (Sa pagtugon sa tumataas na CoVid-19 cases)
BINATIKOS ng grupong Makabayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong paglalatag ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya. Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro walang ibang alam na solusyon ang pamahalaang Duterte kundi ang lockdown. “Wala na bang ibang alam na solusyon kundi lockdown?” tanong ni Castro. “Despite trillions of loaned funds supposedly …
Read More »Kamara tumutol sa ‘reso’ ng DOH
BINABALEWALA ng Department of Health (DOH) ang pribadong sektor na nais tumulong sa pagbili ng bakuna para sa kanilang milyon-milyong empleyado. Ayon sa mga miyembro mababang kapulungan, may resolusyon ang DOH na harangin ang partisipasyon ng mga kompanya ng tabako, infant formula, soft drinks at beer na makabili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado at dependents. Ayon kay Albay …
Read More »Inflation, food insecurity, labanan, magtanim sa bahay — solon
NANAWAGAN si Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar sa mga Pinoy na paigtingin ang urban farming sa bansa bilang tugon sa tumataas na inflation at kawalan ng pagkain. Ani Villar, ang pagtatanim sa sariling bakuran ay isang paraan para labanan ang kahirapan dulot ng pandemia dahil sa CoVid-19. “Food security is very important. We can grow our …
Read More »NICA, NCRPO pinagpapaliwanag sa sunod-sunod na panghubuli sa mga Muslim
PINAGPAPALIWANAG ni House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ang National Capital Region Police Office (NCRPO) patungkol sa sunod-sunod na pag-aresto sa mga Muslim sa Cavite at sa Metro Manila. Ayon kay Hataman nararapat na maimbestigahan ng Kamara ang mga insidente ng paghuli sa mga Muslim. “Epekto na ba ito ng Anti-Terror …
Read More »Phaseout ng jeepney tinutulan ng drivers
TINUTUTULAN ng grupo ng mga driver ang isinasagawang phaseout ng mga jeepney sa bansa sa panahon na ‘naglilimahid’ sa gutom dulot ng pagbabawal sa pagbiyahe sa gitna ng pandemya ng Covid 19. Ayon kay Nolan Grulla, tagapagsalita ng grupo ng mga driver sa Unibersidad ng Pilipinas, gutom ang idudulot ng isinusulong na modernisasyon ng pamahalaan. “Paano naman kami makababayad ng …
Read More »Sorry ng AFP hindi sapat — Colmenares
ni Gerry Baldo HINDI sapat na mag-sorry lamang ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga taong ‘binansagan’ nilang mga komunista. Ayon kay Bayan Muna Chair Neri Colmenares, ang nararapat ay itigil na ang “red-tagging.” “Ang ‘sorry’ ng AFP ay hindi sincere hanga’t hindi nila ihihinto ang red-tagging,” ayon kay Colmenares. Sa isang press briefing kahapon sa …
Read More »Kaalaman sa bakuna kailangan bago dumating — solon
HINIMOK ni House Deputy Speaker Neptali “Boyet” Gonzales II ang Kagawaran ng Kalusugan na magkaroon ng malawakang educational campaign patungkol sa CoVid-19 vaccine upang maliwanagan ang publiko hingil sa bakuna at mawala ang mga maling haka-haka. Ayon kay Gonzales, masasayang ang mga bakuna kung hindi magpapabukana ang mga tao. “All the billions of pesos appropriated by the government will simply …
Read More »Dating kongresista patay sa CoVid 19
NAMATAY kahapon ang dating Oriental Mindoro congressman Reynaldo Umali dahil sa CoVid 19. Si Umali, 63 anyos, ay nakilala noong impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona sa pagpresinta ng ebidensiya mula sa “small lady.” Kinompirma ang pagkamatay ng kanyang nakakatandang kapatid, ang kasalukuyang kongresista ng Oriental Mindoro na Rep. Alfonso “Boy” Umali. Si Rey ay naging chairman ng …
Read More »Paglabas ng pekeng bakuna sa Covid-19 bantayan — Solon
HINIMOK ni House Deputy Speaker and Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang mga awtoridad hingil sa posibleng paglaganap ng pekeng bakuna laban sa CoVid-19 sa gitna ng kakarampot na supply nito sa mga darating na buwan. Aniya, kailangan magmatiyag ang mga awtoridad upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan. “As we await the arrival of the much-awaited COVID-19 vaccines, ensuring …
Read More »Impeachment ni Leonen daraan sa proseso – solons (Not just a numbers game)
GAYA ng dapat sundin, daraan sa normal na proseso, alinsunod sa Saligang Batas ang impeachment complaint na inihain laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen. Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, hinihintay lamang ng House Committee on Justice ang pormal na referral mula sa opisina ng speaker. “Once it is received by the committee by referral, there will be …
Read More »Justice Leonen sinampahan impeachment complaint
SINAMPAHAN ng impeachment complaint si Supreme Court Justice Marvic Leonen sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon dahil sa kabiguan nitong maghain ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) sa loob ng 15 taon at umano’y pag-upo sa mga kasong kanyang hawak. Ayon kay Edwin Cordevilla, secretary-general of the Filipino League of Advocates for Good Government, na nagsampa …
Read More »Mass vaccination para sa solons at empleyado ng Kamara ikinokonsidera
PINAG-IISIPAN ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsasagawa ng mass vaccination para sa 300 kongresista at higit sa 2,000 empleyado ng Kamara kapag ganap na magkakaroon ng vaccine sa bansa. Ayon kay House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendoza, ito ay prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco. “Mass vaccination is …
Read More »Mamba humingi ka ng tawad sa mga pananalita laban sa Muslim — Hataman
DESMAYADO si Basilan Rep. Mujiv Hataman sa mga pananalita ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na nakasasakit sa mga Muslim. Ayon kay Hataman, bukod sa paumanhin na inilabas ng public information office ng lalawigan, kinakaikangang humingi ng tawad mismo si Mamba hindi lamang sa mga Muslim sa kanyang nasasakupan kung hindi sa lahat ng Muslim sa buong mundo. “Although an apology …
Read More »Pondo vs CoVid maliit dapat dagdagan — Solon
PINUNA ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang maliit na pondong inilaan ng gobyerno sa paglaban sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Aniya, kailangang dagdagan ang pondo para maka- recover ang bansa sa problemang pang-ekonomiya. Sa privilege speech sinabi ni Quimbo, ang pondo na nagkakahalaga ng P248-bilyones ay sobrang liit kompara sa P838.4 bilyon kasama ang P590 bilyon para sa massive infrastructure …
Read More »Kamara balik-sesyon ngayon
MAGBUBUKAS muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayon upang pag-usapan ang priority bills at para iratipika ang P4.506-trilyong pambansang budget para sa 2021. Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, handa na ang Kamara na magtrabaho sa ilalim ng bagong normal na estriktong ipatutupad ang physical distancing at health protocols sa gitna ng patuloy na pangamba dulot ng CoVid-19. “We …
Read More »VAT suspendihin sa low-cost housing (Panawagan ng kongresista)
NANAWAGAN si House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera sa Department of Finance (DOF) na suspendihin ang pagpataw ng 12-porsiyentong value-added tax (VAT) sa low-cost housing habang ang bansa ay nasa panganib ng kahirapan sa ekonomiya dulot ng pandemyang CoVid-19. Nagkaroon ng palugit na tatlong taon sa VAT ang low-cost housing sa ilalim ng Republic Act 10963, o ang Tax Reform …
Read More »PDEA, BoC bubusisiin sa Kamara
PINAIIMBESTIGAHAN ni ACT-CIS Representative Eric Yap ang Bureau of Customs (BoC) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagkabigong matiktikan ang ilegal na droga sa aluminum pallets na idineklarang tapioca starch. Sa House Resolution No. 1330, inatasan ni Yap ang House Committee on Dangerous Drugs, na pinamumunuan ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers, na imbestigahan ang …
Read More »Mula 8th Congress may ‘small committee’ na — Lagman
NOON pa mang 8th Congress bumubuo na ang Mababang Kapulungan ng “small committee” upang ayusin at pagandahin ang pinagbotohan at ipinasa ng mga mambabatas. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman matagal nang tradisyon ang pagbuo ng “small committee” at may “presumption of regularity in effecting corrections of style and errata after the approval of the national budget on second reading.” …
Read More »‘Corrections’ at ‘pinaganda’ lang ng Kamara — Leachon (Para sa 2021 national budget)
SA GITNA ng pangamba ng iilang senador, nanindigan si Senior Deputy Speaker at Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon na ang P20 bilyones na institutional amendments ay ginagawa upang itama at pagandahin ang pagkakasulat ng panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021 na aprobado sa pangatlo at huling pagdinig noong Biyernes. Paliwanag ni Leachon walang binago ang small committee …
Read More »Imbestigasyon sa DPWH isinulong ni Barzaga
PINAIIMBESTIGAHAN ni Dasmariñas city Rep. Elpidio Barzaga ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos mabuyangyang ang malawakang korupsiyon sa ahensiya. Ayon kay Barzaga, nararapat imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ahensiya matapos sabihin ng Pangulong Duterte na sobra na ang katiwalian sa ahensiyang pinamumunuan ng anak ni Senator Cynthia Villar na si Secretary Mark Villar. Ani …
Read More »Sobrang ganid sa ‘pork’ — solon (Cayetano kaya bumagsak)
ni Gerry Baldo SOBRANG pagkaganid sa pork barrel kaya nasira, ang liderato ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano. Ito ang sinabi ni Cebu City 2nd District Rep. Rodrigo Abellanosa sa kanyang interpelasyon sa deliberasyon sa P667.32 bilyong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinamumunuan ni Secretary Mark Villar. Ayon kay Abellanosa, dapat pantay ang pagtingin …
Read More »Velasco pormal nang iniluklok bilang speaker (Sense of statesmanship ibabalik)
IPINANGAKO ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ibabalik niya ang “sense of statesmanship” sa Kamara, sa kanyang talumpati sa plenaryo matapos ratipikahan ang boto pabor sa kanyang pamumuno bilang bagong Speaker of the House laban sa mambabatas mula sa Taguig. Lumabis sa 186 boto na nakuha niya noong Lunes sa labas ng plenaryo ang nakamit na pagsang-ayon ng …
Read More »Velasco iniluklok ng 186 boto (Para sa Speakership)
ni GERRY BALDO UMANI ng 186 boto si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para iluklok bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sesyon na ginanap sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City kahapon ng umaga. Ang bomoto kay Velasco ay sobra sa kalahati ng 299 bilang ng kabuuang miyembro ng Kamara. Kasama sa mga pinagbotohan sina Jocella Bighani Sipin …
Read More »2021 nat’l budget ‘ikinakamada’ ng 25 kongresista (Sa bilang na 304 House reps)
NANAWAGAN si Buhay Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza kay House Speaker Alan Peter Cayetano na payagang dumalo sa plenaryo ang mga kongresista upang makasama sa mga importanteng pagdinig lalo sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon. Desmayado si Atienza sa nangyayari sa Kamara na 25 kongresista lamang ang pinapayagang makadalo at halos lahat dito ay mga kaalyado ni …
Read More »