NAHAHARAP sa isang reklamo ang kinatawan ng Ang Probinsyano Party-list bunsod ng pananapak sa isang waiter ng Biggs Diner sa Legazpi City. Sa salaysay ni Christian Kent Alejo, 20 anyos, residente sa Legazpi City, noong 7 Hulyo 2019, dakong 3:40 am, sinuntok siya ng isang Alfred Delos Santos na kinilalang kinatawan ng Ang Probinsyano Party-list. Ayon kay Alejo, hindi niya …
Read More »Endoso ni Digong iboboto ng Party-list Coalition
NAGPASYA ang Party-list Coalition kahapon na suportahan ang mga inendoso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-speaker ng Kamara na sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan jay Velasco. Ayon kay 1Pacman Rep. Mikee Romero, umaasa rin sila na maibibigay ang 20 porsiyento ng alokasyon sa chairmanship at membership ng mga komite sa grupo nila. Sa ngayon, …
Read More »Sa House Speakership: Conscience vote ‘di term sharing
HINIMOK ng bumalik na kongresista ang mga kasamahan sa Kamara na huwag papayag sa term-sharing na itinutulak ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano dahil panunupil ito sa karapatan ng mga kongresista na pumili ng kanilang gustong speaker. Ayon kay Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, dapat hayaan ang mga kongresista na bomoto nang naaayon sa kanyang konsiyensiya. Ayon kay Defensor, dating …
Read More »Pagpayag ni Digong sa pangingisda ng mga Tsino sa EEZ posible sa impeachment (Pagpapasabog ng China ng missile nakababahala)
NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang dating kinatawan ng Magdalo Party-list sa Kamara kaugnay ng pagpapasabog ng China ng missile sa South China Sea. Ayon kay dating Rep. Gary Alejano, ang mga kasapi sa umaangkin rito ay nararapat umalma sa ginawa ng China. “This is indeed disturbing. China’s pretensions that it won’t militarize SCS (South China Sea) have long been exposed,” ani …
Read More »LTFRB ban sa hatchback kukuwestiyonin sa Korte
HIHINGIN na ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang utos ng Korte para ipatupad ng LTFRB ang tatlong-taon palugit sa paggamit ng hatchback sa TNVS. Ayon kay Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, biglang ini-ban ng LTFRB ang mga hatchback taliwas sa memorandum na puwede ito bilang TNVS. Ayon kay ACTS-OFW Partlylist Rep. Aniceto “John” Bertiz III, ang …
Read More »Pamalakaya duda sa miting ni Piñol sa mga mangingisda
NANGANGAMOY mabahong isda, umano, ang sekretong miting ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa mga mangingisda na biktima ng ‘hit and run’ ng bangkang Tsino. Ayon sa Pamalakaya, naganap ang miting sa harap ng mga pulis. “We demand an explanation and transparency from Piñol on what actually happened inside that house that led to the complete turnaround on the position of …
Read More »Romero P7.858-B; Elago P85,400 net worth… Party-list reps pinakamayaman at pinakamahirap na kongresista
NASA mga kinatawan ng party-list ang pinakamayaman at pinakamahirap na kongresista sa Kamara. Kung pera ang pag-uusapan sa Kamara, si 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero ang panalo. Habang si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, ang may pinakamababang net worth. Batay sa datos na ipinamahagi ng Kamara, ang Statement of Assets, Liabilities, and Networth (SALN) ni Romero ang nagsasabi na ang …
Read More »Grupo ng partylist mamimili kay Velasco o Romualdez sa speakership
NAGPASYA ang grupo ng mga party-list na dalawang kandidato ang pagpipilian nila sa speakership. Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Rep. Jericho Nograles ang pagpipilian na lamang ng Partylist bloc ay sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ng PDP Laban o si Leyte Rep. Martin Romualdez ng Lakas-CMD. Ani Nograles, ang mga miyenbro ng party-list bloc ay nagdesisyon na limitahan …
Read More »Kompara sa Middle East, China mas ‘maganda’ para sa OFWs — Solon
SINABI ni OFW Partylist Rep. Aniceto John Bertiz mas maganda ang China para sa mga yaya at kasambahay kaysa Middle East. Aniya ‘more promising’ ang labor market sa China para sa mga Filipino dahil ang mga dayuhan at mayayamang Chinese ay nangangailangan ng kasambahay. “Working and living conditions in China overall are better compared to the Middle East,” ani Bertiz. …
Read More »Batas laban sa ENDO mabibigo — Solon
MABIBIGO ang bagong batas laban sa ENDO para puksain ito ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin. Ayon kay Villarin, ang Security of Tenure law ay depektibo sa kadahilanang pinapayagan ng batas ang “employment agency” na kumuha ng mga empleyado at walang nakasaad sa batas patungkol sa “fixed term employment.” “The bicam committee supposed to craft the reconciled version of the …
Read More »Alejano sa PMA Mabalasik Class: Huwag tularan upper classmen na naging corrupt
PINAALALAHANAN ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang Mabalasik Class ng Philippine Military Academy na nagtapos ngayon na laging alalahanin ang idealismo na natutuhan sa Academy. “Laging isapuso ang pagmamahal sa bayan, at ang pagiging tapat sa tungkulin sa lahat ng panahon. Kayo ay sundalo ng bayan at hindi ng iilan. Samot-sari ang tukso sa serbisyo kaya dapat maging matatag. Alalahaning …
Read More »Federalismo at con-ass nararapat nang harangin
PINAALALAHANAN ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mga miyembro ng papasok na Kongreso na harangin ang pagpasa ng federalismo at pagpapalit ng Kongreso sa Constituent Assembly. Ani Lagman, ang pag-iisa ng Kamara at ng Senado bilang Constituent Assembly, na maraming alyado ng pangulo, ay magmimistulang ‘rubberstamp’ ng Malacañang. “The subservience to the administration which is now happening in the House …
Read More »Petisyon vs pag-upo ni Cardema sa Duterte Youth inihain sa Comelec
GRUPO ng mga kabataan ang naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) laban sa pag-upo ng hepe ng National Youth Commission (NYC) na si Ronald Cardema kapalit ang asawa bilang unang nominee sa Duterte Youth party-list. Sinabi ng grupong National Union of Students of the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), at University of the Philippines …
Read More »Isang kandidatong Speaker sa admin sapat na — Lagman
NAGBABALA si Albay Rep. Edcel Lagman sa mga papasok na miyembro ng 18th Congress na magkaroon ng isang kandidato ang administrayon para speaker para maiwasan ang pagkakaroon ng “minority leader” na mayorya kagaya ng sa kasalukuyang Kongreso. Ani Lagman, ‘yung mga nagbabalak na tumakbo bilang speaker, lahat ay kasapi sa supermajority ng administrasyong Duterte. Ang karamihan sa kanila ay gusto …
Read More »Progresibong party-list idinisenyong malaglag sa ‘madayang halalan’
SINISI ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinabi nilang dayaan sa eleksiyon na idinesenyo para masibak ang mga progresibong grupo ng mga party-list. Ayon sa KMP, ang eleksiyon noong 13 Mayo ang pinakamasama sa kasaysayan ng bansa. Kinuwestiyon ng KMP ang mahigit sa pitong oras na pagkaantala ng transmisyon ng election returns at 0.39 porsiyento …
Read More »Comelec binatikos ng netizens sa pagtameme sa sirang VCMs
BINATIKOS ng netizens ang Commission on Elections (Comelec) sa katahimikan sa isyu ng pagkasira ng mga server at vote counting machines (VCMs). Ayon kay Jinky Jorgio ng Otso Diretso, alas onse na ng gabi, wala pa rin nagpapaliwanag sa Comelec kung ano ‘yung ‘glitch’ na nangyayari at bakit may delay sa transmission ng mga resulta mula sa mga probinsiya patungo …
Read More »Resulta ng botohan apektado sa nasirang VCMs
MAKAAPEKTO ang pagkasira ng vote counting machines (VCM) sa resulta ng halalan, ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin. “Definitely it will affect election results in areas where it malfunctioned and taken as a whole, it can affect voters turnout and consequently some places can have a failure of election,” ayon kay Villarin. Sa kabila nito, sinabi ni Villarin na luma …
Read More »Sa isyu ng voting centers sa Sulo… Korte Suprema binatikos ng kongresista
BINATIKOS ni Deputy Speaker at Sulo Rep. Munir Arbizon ang Korte Suprema sa tagal ng paglabas ng resoluyson patungkol sa isyu ng malalayong voting centers sa Sulo. Ayon kay Arbison, malapit na ang eleksiyon pero wala pang resolusyon ang Korte Suprema partikular na sa barangay ng Capual na may 3,000 rehistradong botante na bibiyahe nang ilang kilometro patungo sa daungan para …
Read More »Kamara nagluksa kay Nogi
NAGPAHAYAG ng pagkalungkot ang mga miyembro ng Kamara kahapon sa pagkamatay ni dating House Speaker Prospero “Nogi” Nograles. Ayon sa dating presidente at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, isang karangalan para sa kanya ang pagsilbi ni Nograles bilang speaker noong siya ay presidente pa. ”It was my honor that he was Speaker of the House of Representatives from …
Read More »Alejano ‘duda’ sa nadampot na video uploader
NAGPAHAYAG ng pagdududa si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano sa dinakip na uploader umano ng video ni ‘Bikoy.’ Aniya, dapat masiguro na tama ‘yung taong dinampot’ at baka gagamitin lamang sa propaganda ng gobyerno. “Dapat masigurong tamang tao ang naaresto at hindi peke na maaaring gagamitin sa propaganda ng gobyerno,” ani Alejano. Aniya, hindi natatapos ang isyung inilahad ni “Bikoy” …
Read More »Vote buying sa Marawi tutukan ni Duterte (Panawagan ng retiradong AFP, PNP, civic group)
NANAWAGAN ang mga retiradong sundalo, pulis at mga sibilyan kay Pangulong Duterte na aktohan ang malawakang bilihan ng boto sa Lanao del Sur partikular sa Marawi City. Ang apela ay suportado ng 675 botanteng gumawa ng mga affidavit na nagpapatunay sa nangyayaring katiwalian. Ayon kay Atty. Salic Dumarpa, ang kumakatawan sa mga sibilyang botante, hiningi rin nila sa Commission …
Read More »Multa sa Manila Water ibigay sa consumers — solons
HINIKAYAT ng militanteng grupo ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ibigay sa consumers ng tubig ang P1.3-bilyong multa na ipinataw sa Manila Water kaugnay ng pagkawala ng tubig sa Metro Manila. Ayon sa dating kongresista at chairman ng Bayan Muna na si Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang multa ay dapat mapunta sa mga naapektohan …
Read More »Pampanga isinailalim sa state-of-calamity
MATAPOS irekomenda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na isailalim ang probinsiya ng Pampanga sa state-of-calamity matapos tamaan ng malakas na lindol noong Lunes nang hapon, agad nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng resolusyon para rito. Si Arroyo, ang kinatawan ng pangalawang distrito ng Pampanga na nakasasakop sa Porac, isa sa mga grabeng napinsala ng lindol, ay nagpahayag nang pagkalungkot sa insidente …
Read More »‘Destab plot’ kaduda-duda — Solon
BINATIKOS ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang Malacañang at ang hepe ng Philippine National Police kaugnay sa ‘di makatotohanang pagtatatangkang guluhin ang gobyernong Duterte. Ani Villarin, ang rebelasyon ng Malacañang patungkol sa “destabilization plot matrix” at ang depensa ni PDG Oscar Albayalde sa istoryang ito ay nakadududa. “The matrix has no probative value and should have been dismissed outright as …
Read More »Veto ng Pangulo sa ilang probisyon ng budget hindi nangangahulugang ilegal
HINDI nangangahulugang taliwas sa Saligang Batas ang ilang panukalang alokasyon sa budget na ini-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya ang ipinaglaban ng Kamara na panukalang budget ay lulusot sa masugid na pagsusulit sa pagiging “constitutional” nito. “The President knows what is best for the country and our people,” ani Andaya. Ani Andaya, naipasa ng Kamara …
Read More »