Friday , November 22 2024

John Fontanilla

Kim Rodriguez, may ibang diskarte para kumita 

HABANG naghihintay na mag-resume ang proyektong ginagawa sa Kapuso Network, busy si Kim Rodriguez sa paggawa ng mga bagong video para sa kanyang Youtube channel. Aminado si Kim na malaki ang epekto ng Covid-19 sa kanyang mga itinayong mga negosyo katulad ng milk tea at clothing line na ilang buwan din nagsara. Ngayon ay bukas na muli ang kanyang mga negosyo pero medyo matumal pa …

Read More »

Nadine, insecure sa maliit na boobs

ISA sa insecurities ni Nadine Lustre noong siya’y nagdadalaga pa ay ang pagkakaroon ng flat na dibdib.   Bata pa ito ay aware na siya na maliit ang kanyang boobs, kaya naman  kung may bahagi ito ng kanyang katawan na gustong lumaki ay ang kanyang dibdib na hindi nga nangyari .   Kuwento nito nang mag-guest sa vlog ni Angel Dei Peralta, “I wish …

Read More »

Kontra Gutom ni RS Francisco, tuloy-tuloy ang pagtulong

TULOY pa rin ang pagtulong ni Direk Raymond RS Francisco kasama ang Frontrow team sa mga apektado ng Covid-19. Bukod sa ipinamamahaging ayuda at protective kits for frontliners, gumawa ito ng grupo na aalalay sa kanya sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan via Kontra Gutom na namamahagi sila ng pagkain sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila  na nagsimula pa …

Read More »

Will Ashley, may tama kay Jillian Ward

ANG Kapuso Teen Actress na si Jillian Ward, na lumalaking maganda, ang crush ng mabait at guwapong si Will Ashley. Nabuko ang guwapitong teen actor nang pahulaan nito sa kanyang nga loyal supporter kung sino ba ang kanyang showbiz crush. Bagamat maraming pangalan ang ibinigay, sa huli ay umamin din ito na  si Jillian ang crush at gustong makapareha sa  mga susunod na proyekto …

Read More »

Julian Trono, ‘di mapigilan ang pagtulong

HANGGANG ngayon’y naglilibot pa rin si Julian Trono sa iba’t ibang lugar para mamahagi ng ayuda at gamot. Hindi niya alintana na posible siyang mahawa sa ginagawa. Ang mahalaga kasi sa actor ay ang makatulong.   Dire-diretso pa rin ang ginagawa niyang paghahatid ng tulong kasama ang kanyang team.   Ang mga magulang niya, lalo ang kanyang inang si Tita Dallia Trono ang natatakot …

Read More »

Nadine Lustre, mabenta sa international brands

BONGGA si Nadine Lustre dahil isa ito sa kauna-unahang Pinay na naging Ambassador ng H&M Swim Essentials kasama ang isa pang mahusay na aktres na si Maja Salvador.   Bago ito’y naging ambassador muna siya ng Forever 21 Swimwear Collections.   Kitang-kita ang naglalakihang litrato nina Nadine at Maja na naka- swimsuit sa mga boutique ng H&M at mapapanood naman ang kanilang video …

Read More »

Alden, na-sindikato online

NAGBIGAY babala si Alden Richards sa lahat ng mga kaibigan, fans at supporters niya dahil sa isang pekeng Facebook page na nanloloko  at nambibiktima ng mga inosenteng netizens. Isang sindikato online ang ang gumawa ng Facebook Page  gamit ang gamer tag name ni Alden na AR Gaming with matching picture niya bilang profile. Dito nagsisimula ang kanilang panloloko para makakuha ng salapi sa mga taong kakagat …

Read More »

Yassi, miss na si Cardo

EXERCISE, pagluluto, at paggigitara ang paraan ni Yassi Pressman para hindi mainip habang nasa bahay at hindi pa nagsisimula ang tapings at shootings. Kuwento ni Yassi nang makatsikahan namin at kamustahin kung ano-ano ang pinagkakaabalahan habang naka-lockdown dahil sa Covid-19, “Habang nasa bahay, nagta-try akong magluto ng iba’t ibang putahe, tapos naggigitara and nag-e-exercise para ‘di tumaba ha ha ha.” …

Read More »

FDCP, DOH, at DOLE, may JAO para sa balik-trabaho ng film at audio visual industries

NAGTULONG-TULONG ang Department of Health (DOH), Film Development Council of the Philippines (FDCP), at Department of Labor and Employment (DOLE) para tiyaking nasusunod ang mga itinakda nilang guidelines para sa muling pagbabalik ng trabaho sa film at audio visual industry sa gitna ng Covid-19 pandemic.   Nilagdaan ang Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-001 nina FDCP Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra, DOLE Secretary Silvestre Bello III, at DOH Secretary Francisco Duque …

Read More »

Gladys, may online acting workshop na

MAGKAKAROON na ng sariling online acting workshop si Gladys Reyes.   Gusto kasing ibahagi ni Gladys ang kaalaman niya sa pag-arte lalong-lalo na sa pagiging effective na kontrabida sa mga baguhang gustong malinya rito.   Post nga ni Gladys sa kanyang Instagram, “Maraming nagtatanong sa akin, paano raw maging kontrabida na ‘di kailangang maging masama sa totoong buhay para lang magampanan ng makatotohanan. Bata …

Read More »

Birthday celeb ni Dance Icon, nairaos kahit may Covid-19

ISANG intimate birthday celebration ang ibinigay kamakailan ng very generous celebrity couple at owner ng Intelle na sina Cecille at Pete Bravo sa former dancer/choreographer at maituturing na ring dance icon na si Benjamin Rosauro Montenegro  na ginanap sa Sta Gertrudes, Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Ilan sa mga dumalo sa intimate birthday ni Mr. Benjie ay ang businesswoman na si Erlinda Sanchez, celebrity designer Raymund Saul, host/comedian Shalala, business …

Read More »

Sylvia, napaka-positibo ang pananaw sa buhay

SA mga pinagdaanan sa kanyang buhay dahil sa Covid-19, very positive pa rin ang awardwinning actress na si Sylvia Sanchez. Tulad na lang nang makita ang kanyang naglalakihang billboard bilang ambassador ng Beautederm ay labis-labis ang kasiyahang naramdaman niya. Isa nga ito sa mga positibong bagay na nangyari sa kanyang buhay na kanyang ipinagpapasalamat sa Diyos. Post nga nito sa …

Read More »

Max at Pancho, kabado sa pagdating ng unang baby

EXCITED na ang mag-asawang Max Collins at Pancho sa pagdating ng kanilang baby boy, dahil next month ay manganganak na ang aktres. Mix emotions (masaya at kabado) ang nararamdaman ni Max dahil sa wakas ay magkakaanak na sila ni Pancho. Kabado, dahil first time niyang manganganak, pero mas lamang ang excitement na nararamdaman. Ipinost nga nito sa kanyang Instagram ang paghahanda sa pagbubuntis at panganganak sa …

Read More »

Sir Wil Online Challenge, nagbibigay saya, pag-asa, at tulong pinansiyal

SA gitna ng pandemyang dulot ng Covid-19 na naging dahilan ng kahirapan, kalungkutan, at kawalan ng hanapbuhay ng bawat Filipinong nasa ilalim ng General Community Quarantine (March 15 hanggang sa kasalukuyan), isang idea ang nabuo ng matagumpay na negosyante at Mr Gay World Phils. 2009, Wilbert Tolentino kasama ang kanyang team para magbigay pag asa, saya, at tulong pinansiyal sa ating mga kababayan …

Read More »

Papa Ace at Janna Chu Chu, napakikinggang muli sa Barangay LSFM 97.1 Forever

BALIK na sa ere ang tambalang Papa Ace at Janna Chu Chu ng Baranggay LSFM 97.1 Forever after ng ilang buwang  hindi napakinggan ang masayang tambalang ito dahil sa Covid-19 pandemic. Kaya naman sa kanilang pagbabalik, hatid ng mga ito ang bonggang-bonggang aliw at saya baon ang mga trending na balita sa bansa na ihahatid ni Papa Ace, habang ang mga tumi-trending na balitang showbiz …

Read More »

Will Ashley, saludo kay Alden Richards

HABANG nagbibinata ay mas lalong gumagwapo ang dating Kapuso child actor na si Will Ashley na malaki ang pagkakahawig sa kanyang idolong si Alden Richards. Saludo nga ito sa husay umarte ni Alden at sa mahusay nitong pakikisama sa mga kapwa artista at sa kanyang mga nakakatrabaho at tagahanga na kahit sikat na ay super humble pa rin. Kaya naman ngayon pa lang ay maraming …

Read More »

Yasser Marta, na-miss ang pagmo-motor

MARAMING na-miss habang nasa bahay lamang ang Kapuso hunk at isa sa cast ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit na si Yasser Marta. Isa rito ang pagmo-motor. Aniya, “For me naman, kahit hindi GCQ or ECQ, parang ito na rin ‘yung normal para sa akin. “Sa bahay lang din ako madalas, mahilig lang ako mag-playstation, tapos ‘yung labas ko para sa gym lang.  “Pero dahil mahilig …

Read More »

Sylvia, miss na ang taping at paggawa ng pelikula

ISA sa nami-miss ng mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez ang pagti-taping at paggawa ng pelikula lalo’t sanay ito na ratsada sa trabahong ito. Pero dahil sa Covid-19 pandemic, pansamantalang nahinto ang taping at shooting ng pelikula lalo nang ma-test na positive sa Covid-19 at kalaunan ay mabilis namang gumaling. At sa paggaling nito at nakapagpahinga ng maayos ay muli siyang …

Read More »

Nadine at James, nag-lock-in dahil sa album

EXCITED na ang award winning actress na si Nadine Lustre sa kanyang bagong full-length album under Careless Music na pag-aari ni James Reid. Ayon kay Nadine sa isang interview, malapit na malapit nang matapos ang album dahil talagang naglaan sila ng “lock-in” period para rito na maglalaman ng at least 13 tracks. Dagdag pa ni Nadine, ”Isa itong message album na maaaring pakinggan ng mga taong …

Read More »

Julian Trono, maipagmamalaking kabataan

ISA sa maipagmamalalaking kabataan sa bansa ay ang Viva star/SK Chairman  na si Julian Trono na hindi nagdamot ng oras at panahon para tumulong sa ating magigiting na frontliners at kababayan sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Hindi alintana ni Julian ang posibilidad na magkaroon ng Covid-19 sa bawat lugar na puntahan nito kasama ang kanyang grupo para makatulong sa abot ng kanilang makakaya. Libo-libong …

Read More »

Lingua Franca ng Frontrow, nakapag-uwi ng 3 tropeo

SUPER blessed si RS Francisco dahil bukod sa sunod-sunod na award na natatanggap ngayong taon at magandang takbo ng negosyo, ang Frontrow, wagi rin ang isa sa kanilang ginawa para sa Frontrow Entertainment, ang Lingua Franca. Post ni Direk RS sa kanyang FB account, “It gives us so much #PRIDE to announce that the CRITICALLY-ACCLAIMED/MULTI-NOMINATED LINGUA FRANCA (international film executively produced by FRONTROW with Tony Award-winning producer …

Read More »

Allen Ong Molina, wagi sa Ginoong Quarantino 2020

ITINANGHAL NA Ginoong Quarantino 2020 si Allen Ong Molina mula sa mga pinagsama-samang fan votes at score ng judges. First runner-up si Wize Estabillo; 2nd runner-up si  Robby Cubacub; 3rd runner up si Czack Buenafe; at 4th runner up si Jiro Garcia. Ang Ginoong Quarantino 2020 ay handog ng SirWil Online Challenge at Wemsap. Ang mga hurado ay binuo nina Wilbert Tolentino, Ryan Soto,  Gelberr Aplal, Rodgil  Flores, Frankadal Fabroa, Chad Jonas,  Karla Henry Amman. Nagsilbing host nito si Kristine Caballero. Masayang-masaya si …

Read More »

Pamangkin ni Bernadette Allyson, bida sa Tropang Torpe

ISA sa most promising discovery ng Viva Entertainment ay ang pamangkin ng actress na si Bernadette Allyson na pinasok na rin ang  showbiz. Ang tinutukoy naming ay si Juami Gutierrez, 19, at Grand Winner of Philippines AD Faces /Circle of 10. Bukod sa kaguwapuhan, magandang pangangatawan, at height, nagagawa nitong pagsabayin ang pag-aaral sa College of St. Benilde ng kursong Consular and Diplomatic Affairs. …

Read More »

James at Nadine, paasa

HINDI maiwasang kiligin ang loyal supporters nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) nang sabay na mapanood ang mga ito sa isang virtual interview sa MYX Philippines kamakailan. Inanunsiyo kamakailan ng dalawa na hiwalay na sila last January at ‘di na muling napanood o nakita man lamang na magkasama at lalong ‘di na nagkasama pa sa proyekto. May kanya-kanya na silang proyekto na iba ang kanilang …

Read More »

Sylvia, thankful kay Rhea Tan

SOBRANG saya ni Sylvia Sanchez sa pagpirma ng panibagong kontrata sa Beautederm at ito ang ikatlong taon na niya bilang ambassador ng kompanyang pag-aari ni Rhea Anicoche-Tan. Bukod sa pagiging ambassador ng Beautederm, pamilya na ang turingan nina Sylvia at Rhei kaya naman very thankful ang Kapamilya actress sa pagmamahal sa kanya ng CEO at president ng Beautederm gayundin ng pamilya nito. Post nga …

Read More »