Monday , October 2 2023
Erika Mae Salas Nick Vera Perez

Erika Mae  special guest sa Nick Vera Perez Live Finally 

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA ang singer/actress na si Erika Mae Salas sa naging special guest sa Nick Vera Perez Live Finally … Our Christmas  One Night Only, isang Christmas concert  na ginanap sa The Grand Ballroom, Rembrandt Hotel last December 25, 2022.

Ito bale ang kauna-unahang Concert ni Nick Vera Perez sa bansa at first time niya ulit umuwi ng Pilipinas after three years.

Inawit ni Erika Mae ang dalawa sa most loved Christmas song at paborito namin, ang The Christmas Song at Rockin Around The Christmas Tree na talaga namang napa-indak ang lahat ng dumalo at nanood.

Kasama ni Erika Mae sa nasabing konsiyerto ang kanyang very supportive father na si Daddy Emil Salas.

Nakasama nito sa concert sina Michael Philips (NVP1Music Recording Artist), HannahShayne (a protege talent of NVP1Music) with JC Palanas, at David Briones na umawit din ng mga Christmas song.

Sobrang thankful ni Erika Mae kay Nick dahil lagi siyang isinasama sa shows nito kapag  bumabalik ng Pilipinas.

About John Fontanilla

Check Also

Joey de Leon

E.A.T, Joey mabilis na humingi ng paumanhin; Showtime deadma

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS punahin ng mga tao ang isang joke ni Joey de Leon at …

Kids Toy Kingdom show

Kathryn, Bitoy, at Barbie, wish maging guest sa Kids Toy Kingdom Show ng mga host nito 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AARANGKADA na ngayong Sabado (Sept. 30) ang Kids Toy Kingdom Show (Season 2) at ipinahayag ng …

Angelika Santiago

Angelika Santiago, waging Young CEO of The Year at Female Best Dressed sa 3rd Diamond Excellence Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRA ang kagalakan ng Kapuso actress na si Angelika Santiago …

Gabby Concepcion David Licauco

Gabby at David bibida sa isang charity show

MATABILni John Fontanilla ISANG napakalaking show ang magaganap sa kaarawan ng kaibigang Genesis Gallios sa Newport Performing …

Nadine Lustre

Nadine trending ang pagtu-two piece sa IG

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre nang mag-post ito sa kanyang Instagram, @nadine ng mga …