Patricia Javier 2022 Aqua Queen of the Ocean

Patricia Javier kinoronahang 2022 Aqua Queen of the Ocean

MATABIL
ni John Fontanilla

ITINANGHAL si Patricia Javier bilang kauna-unahang Aqua Queen Ambassador of the Ocean 2022 na ginanap last January 6 sa Windmills & Rainforest sa Quezon City.

Si Patricia ay kinorohanan ni Ms Eren Noche ang  Founder of Aqua Queen of the Universe. Ito bale ang pangatlong korona ni Patricia na ang una ay ang Noble Queen of the Universe-Philippines 2019 at nasundan ng Noble Queen of the Universe 2019.

Happy and thankful nga si Patricia na maging kauna-unahang winner ng Aqua Queen Ambassador of the Ocean 2022 na ang advocacy at pangalagaan ang karagatan.

Sa January 20 ay kokoronahan naman nito ang tatanghaling Aqua Queen of the Universe 2023 na gaganapin sa The Whitehouse by the Sea sa Panglao, Bohol.

Bukod sa Aqua Queen of the Universe 2023 ay dalawa pa ang title na puwedeng mapanaluhan, ang  Aqua Queen of the Ocean 2023 at  Aqua Queen Pearl 2023.